TAHIMIK na nilapitan ni Janicah si Ezekiel na pinagmamasdan ang larawan ng lolo at lola nito. Nang makalapit siya rito ay saka lang niya nagawang magsalita. “Kung hindi ka pumayag na pakasalan ako noon, siguradong ako na ang bago mong lola ngayon,” aniya sa asawa. Pigil ang mapatawa. Saka lang nagawang magbaling ng tingin ni Ezekiel nang marinig siya nitong magsalita. “Lola? Tss. Never in my wildest dream na magiging lola kita.” Nangingiting tiningnan niya ito. “Kung hindi ka nga lang pumayag sa gusto ni Lolo Alonzo. Eh, ‘di sana, lola mo na ako ngayon.” Bumuntong-hininga ito. “Sa lahat ng offer ni lolo sa akin, marrying you is one of the best for me.” Napalunok siya sa sinabi nito. “Paano kung hindi ka in-offer-an ni lolo na pakasalan ako?” “I know, plano na ‘yon ni lolo. At hindi