NAKAGAT ni Janicah ang kaniyang ibabang-labi nang sandaling mamayani ang katahimikan sa pagitan nila ng kaniyang ama’t ina. Nasa silid sila nito para pribadong mapag-usapan ang nais niyang sabihin sa mga ito tungkol sa kanila ng kaniyang asawang si Ezekiel. Hanggang ng mga sandaling iyon ay medyo naninibago pa rin ang kaniyang pakiramdam dahil sa pagiging okay ng relasyon nila ng kaniyang asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala. Tumikhim ang kaniyang Tatay Julio nang makabawi. “Sigurado ka ba, anak, na wala ng magiging problema sa inyo ng asawa mo?” Umiling siya. Pagkuwan ay ngumiti na abot sa mga mata niya. “Okay na po kami ni Ezekiel. Hindi pa nga lang niya alam ang tungkol sa mga bata. Balak ko pong ipakilala sila sa isa’t isa sa darating na Sabado. Gusto nga pong sumama ni Ezekiel nga