“JANICAH!” Napaangat ang tingin ni Janicah sa kinaroroonan ni Ezekiel nang marinig niya ang sigaw nito sa kaniyang pangalan. Para bang nahihirapan ito. Ganoon na lamang ang agad niyang pagtayo, mula sa pagdadampot ng mga sea shells, nang makita itong kakawag-kawag ang kamay sa tubig. “H-help me!” Basta na lang binitiwan ni Janicah sa buhanginan ang mga naipong sea shells at buong pagmamadali na pinuntahan si Ezekiel. “Napapaano ka?!” aniya nang malapit na siya rito. “Nag-crumps ang paa ko,” napangiwit pa ito. Mukhang nasasaktan talaga. Nilangoy na ni Janicah para mabilis makalapit kay Ezekiel. Nang tumayo siya mula sa ilalim ng tubig ay saka lang niya napagtanto na hanggang baywang lang niya ang taas ng tubig. Hindi na niya iyon inalintana pa at agad na inalalayan si Ezekiel para ma