PAMILYAR kay Janicah ang kalsadang binabagtas ng kinasasakyan nilang sasakyan ni Ezekiel. Kahit na iisang beses pa lang siyang nakapunta roon ay hindi siya maaaring magkamali. Sinulyapan niya si Ezekiel ngunit nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Nakatuon lang sa kalsada ang tingin nito. Hanggang sa marating nila ang beach resort ng mga ito. Ipinarada nito ang kotse nito sa mismong pinagparadahan nito noong isang linggo. “Bakit dito?” hindi na niya napigilan pang itanong kay Ezekiel nang kapwa sila makababa sa kotse nito. “Sinabi ko naman sa iyo na babalik tayo rito.” “Para tumambay?” “Swimming,” maigsi nitong sagot na hinayon na ang compartment ng kotse nito. Sumunod siya rito. “Paanong mag-su-swimming? Eh, wala naman tayong dalang panligo.” “Tingin mo ba, hindi ako ready kapag bu