SA LOOB ng labing walong taon ni Janicah sa mundo, ni minsan, hindi siya nangahas ng ganito na magpahalik sa kahit na sinong lalaki. Mali, pero bakit pakiramdam niya ay tama lang iyon? Tama lang na pagbigyan niya ang sarili na maranasan ang mahagkan ng taong itinitibok ng kaniyang puso? Why it feels so right? To the point na hindi naman sila at wala naman silang relasyon? Pero heto si Ezekiel, dama niya na gusto rin nito ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Kanina, inamin din naman nito na kung ito lang din ay hindi nito magawang pigilan ang sarili na hindi siya hagkan. Wala ng kidlat na lumalagitik malapit sa kinaroroonan nila. Maging ang malakas na kulog. Tila ba napalad na iyon sa malayo dahil mahina na iyon sa pandinig. Ang malakas na buhos ng ulan ay hindi na rin kasing lakas kat