KINAGABIHAN, nang wala na ni isa mang Ortega sa burol ni Don Alonzo ay sinundo na ni Janicah sa bahay ng kaniyang mga magulang sina AJ at Emerald. Si Ernesto ang nag-drive para sa kanila. Kasama rin si Jenny at ang kaniyang nanay at tatay na siyang kasama pauwi mamaya ng kambal. Dahil mananatili siya sa memorial chapel hanggang kinabukasan ng ala sais ng umaga. Wala rin doon si Ezekiel dahil bumalik na rin ito sa hacienda matapos ng last viewing kanina. Kasabay ng ama at dalawa nitong tiyuhin. Hindi maikakaila sa mukha ng kambal ang lungkot nang muling makita ang lolo ng mga ito. Nakatayo ang mga ito sa dalawang silya na pinagtabi nila sa may gilid ng casket ni Don Alonzo para mas makita ng maayos ng kambal ang lolo ng mga ito. “Lolo, I miss you so much po. Hindi ka na po ba talaga nami