NAG-IWAS ng tingin si Janicah nang sa pagbaling niya ay makasalubong niya ang tingin ni Ezekiel. Kausap nito si Ernesto. Habang siya naman ay abala sa paglalagay ng mga kape at tinapay sa isang pahabang lamesa na puno ng maaaring kainin ng mga nasa lamay. May mga duramating pa kahit gabing-gabi na. At dahil huling gabi na ay wala ring ubos ang mga tao. May aalis at may darating din. Nang dumating ang bagong lutong sopas ay iyon naman ang pinagkaabalahan niyang ipamahagi sa mga naroong tao. Hindi siya nagkomento o ano pa man nang tumulong din si Ezekiel. Hinayaan lang din niya ito dahil ginusto naman nito iyon kahit na may mga katulong naman na naroon para magsilbi. Matapos mamigay ng sopas ay kumuha rin siya ng para sa kaniya. May dala pa siyang extra at siyang ibinigay kay Ernesto na