Chapter 58

2035 Words

HINANG-HINA ang pakiramdam ni Janicah nang magkaroon siya ng malay. Nahirapan pa siyang imulat agad ang kaniyang mga mata kaya naman sandali pa siyang pumikit. Nang makabawi ng lakas ay saka lang siya muling nagmulat ng mga mata. Madilim na paligid ang bumungad sa kaniya. Kumilos siya ngunit hindi niya magawa. Saka lang niya napagtanto na nakatali ang kaniyang mga kamay sa likuran niya. May tali rin siya sa kaniyang bibig. Nananaginip lang ba siya? Sana nga, masamang panaginip lang iyon. Sinubukan niyang sumigaw, ngunit dahil sa telang nakatali sa kaniyang bibig ay hindi niya magawa. Muling nag-init ang bawat sulok ng kaniyang mga mata. Nasaan ako? Ezekiel… naiiyak na siyang lalo nang maisip ang kaniyang asawa. Siguradong nag-aalala na iyon sa kaniya ngayon. Tiyak niya na madilim na r

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD