ANIMO pigil pa ni Ezekiel ang paghinga habang pinagmamasdan si Janicah na tinitikman ang niluto nito. Pinagmamalaki kasi ni Ezekiel kay Janicah na marunong itong magluto at hindi puro kain lang sa labas ang alam. Dahil noong nagtatrabaho ito sa abroad, kapag tinatamad itong lumabas ay nagluluto na lang ito. Beef and broccoli ang niluto nito. “Tingin mo, may kulang pa?” tanong pa ni Ezekiel sa kaniya. Muli niyang ninamnam sa kaniyang bibig ang nginunguyang piraso ng karne at ng broccoli. Masarap nga ang pagkakaluto nito ng ganoon. “Parang,” aniya na binitin pa ito. “What?” Tiningnan niya si Ezekiel na seryoso ang ekspresyon ng mukha. Sa huli ay hindi rin niya napigilan ang mapangiti. Pagkuwan ay nag-thumbs up dito ng dalawa niyang kamay. “Masarap,” aniya na ikinahinga nang maluwag ni