SA HALIP na sumunod sa kubo si Janicah ay hindi niya ginawa. Mas inatupag niya ang mga inaalagaan niyang halaman. Halaman na halos titigan lamang niya. Daig pa niya ang isang estatwa na nakatayo sa may harapan niyon. Para bang naliliyo pa rin siya dahil sa halik na pinamalas sa kaniya ni Ezekiel. Hindi naman iyon nagtagal o kahit ang patugunin siya, pero heto at ang laki pa rin ng impact sa kaniya. Dahil ke-matagal o hindi, halik pa rin iyon. Janicah, kailangan mong maging maagap. ‘Wag ‘yong hahayaan mong maka-score sa iyo si Ezekiel Ortega ng walang kahirap-hirap. Kahit siya pa ang nag-iisang apo ni Don Alonzo. Baka kung saan pa makarating ang ninja moves na ‘yan ni Ezekiel. Gumising ka rin minsan sa katotohanan. Ang masakit na realidad ng buhay… Marahas siyang bumuntong-hininga. Tama