Chapter 43

2108 Words

PAKIRAMDAM ni Janicah ay para bang sasabog ang dibdib niya ng mga sandaling iyon habang nakaupo siya sa sofa na malapit sa pintuan ng bahay ng kaniyang mga magulang. Kaaalis lang ng kaniyang nanay, tatay at mga kapatid papunta sa memorial chapel. Anumang oras ay dadalhin na sa simbahan si Don Alonzo para pamisahan. Sunod niyon ay dadalhin naman sa huli nitong hantungan. Kasama nila sa bahay si Jenny na siyang on hand sa pagbabantay kina AJ at Emerald. Para siyang lutang. Kaya hinayaan lang muna niya kay Jenny ang mga anak niya na abala ngayon sa pagkukulay sa coloring book ng mga ito. Pinalis niya ng kaniyang kamay ang naglandas na luha sa kaniyang mga mata. Ang hirap-hirap sa kalooban niya na hindi man lang niya masisilayan si Don Alonzo sa pinakahuling sandali nito sa mundong ibabaw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD