WALA sanang balak na bumangon si Ezekiel mula sa pagkakahiga niya sa kama kung hindi lang siya naiirita sa katok sa pinto ng kaniyang silid na inuukupa sa mansiyon. Ipinagpalagay rin niya na ang ina niya iyon. Ngunit ibang mukha ang bumungad sa kaniya nang buksan niya ang pinto. “What?” hindi intiresadong tanong niya kay Karen. Napalabi ito. “What?” gagad pa nito sa kaniyang sinabi. “I’m leaving. Hindi mo man lang ba ako ihahatid? As a guest,” mabilis pa nitong dugtong. Umaasam ang mga mata nito. “May driver na maghahatid sa iyo pauwi sa bahay mo. As you can see, nagpapahinga ako.” “Oh, come on, Ezekiel. Bakit ba ang lamig-lamig mo sa akin?” reklamo na nito. “Alam ko naman na hindi aware ang mga magulang mo na ikinasal ka noon, until sa iyo na mismo manggaling noong isang araw. So, p