HINILA ni Ezekiel sa kamay si Janicah, kaya naman napaupo si Janicah sa kandungan ng asawa na ngayon ay nakaupo sa may gilid ng kanilang kama. “Tuloy ka talaga ngayon sa lakad mo?” ani Ezekiel na yumakap pa kay Janicah. “Hmmm. Nakapangako ako kina Nanay at Tatay na uuwi ako ngayong Linggo sa bahay.” Paalis na rin siya at tapos ng maligo at magbihis nang umagang iyon. “Puwede ba akong sumama sa iyo?” “B-bakit?” “Of course, gusto ko rin namang makilala ang pamilya mo. Ni minsan, hindi ko pa sila nakikita.” Iyong kabog sa dibdib niya, bigla ay animo abot-langit. Natutuwa man na nais makilala ng kaniyang asawa ang pamilya niya, hindi naman niya magawang pumayag na lang basta dahil hindi pa siya handa na ipakilala rito ang mga anak nila. Pinagmasdan niya si Ezekiel sa mga mata nito. “Puw