PINIGILAN ni Janicah ang mapabuntong-hininga habang kumakain sila ng hapunan ni Ezekiel. Pasimple kung sulyapan niya ang asawa na hanggang ng mga oras na iyon ay tahimik lang. Gusto niyang isipin na dahil pa rin iyon sa naging usapan nila kaninang hapon sa labas ng mansiyon. “I’m done,” tipid pang wika ni Ezekiel na matapos uminom ng inumin nito at magpunas ng table napkin sa gilid ng bibig ay tumayo na rin at iniwan siya sa dinning room. Saka lang niya pinakawalan ang kaniyang buntong-hininga habang nakasunod ang tingin sa papalayong asawa. Kung ayaw nitong mag-usap sila, wala namang kaso sa kaniya. Alam naman niya sa sarili niya na wala siyang anumang pagtingin kay Ernesto. Ewan ba niya kay Ezekiel kung bakit pati si Ernesto ay pag-iisipan ng ganoon. Isa pa, napakalayo ng agwat ng ed