“EZEKIEL…” Hindi pinansin ni Ezekiel ang pagtawag dito ni Karen na nakasalubong nina Janicah. Maging ang ama ni Ezekiel at dalawang tito nito na nakasalubong din nila ay hindi nito pinansin. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Hinahayon ang palabas ng memorial chapel. Sa higpit ng kapit ni Ezekiel sa kamay ni Janicah, kaya naman hindi siya makawala rito. Nang makalabas sa memorial chapel ay naglakad sila hanggang sa may kanto. Pinara pa nito ang jeep na dumaan. “Kung may pupuntahan ka, hindi mo ako kailangang isama,” apila niya nang pasakayin siya nito sa pinarang jeep. “Sumakay ka na,” anito sa tonong bawal tumanggi. Nakipagsukatan pa siya ng tingin dito. Natinag lang siya nang bumusina ang jeep. Mukhang naiinip na ang driver sa paghihintay sa kanila. Napipilitan tuloy na sumakay na