chapter two

1936 Words
It's been a week nang matapos na ang intramurals. Kung ang tinatanong ninyo kung sinipot ko ba ang Vladimir Ho na 'yon, pwes, hindi ko siya sinipot. Ginagawa ko ang lahat para hindi niya ako mahanap. Hindi na bago para sa akin na tinitingala ang magpipinsang Hochengco na 'yon. Tipong hindi pwede mainvolve ang ibang babae sa kanila, maliban kung kamag-anakan ng mga iyon. Kaya hangga't kaya at maaga pa, iiwas ako sa isang tulad niya. Okay lang din na hindi niya magawang isauli ang panyo kong iyon. Ipinapangako ko na hinding hindi ako kakagat sa anumang taktika niya! "Oh, Inez! Good morning!" masiglang bati sa akin ni Lilah na nakaupo na ako sa pwesto ko dito sa classroom. "Morning," malamya kong usal. Inayos ko ang aking backpack at inilagay ko iyon sa aking gilid. Inilabas ko din ang aking mga gamit—notebook, libro at ballpen. Mabuti nalang din ay nakaabot ako. Wala pa ang proctor. Istrikto pa naman ang isang iyon. Tumahimik ang buong klase nang pumasok na ang proctor. Umayos na kami ni Lilah ang upo. Pinapanood ko lang kung paano daluhan ng proctor namin ang kaniyang mesa at ipinatong doon ang hawak niyang mga gamit, lalo na ang kaniyang laptop. "Good morning!" bati niya sa amin pero hindi man lang nakangiti. "Good morning, Mrs. Daglit." balik-bati namin sa kaniya. She scanned the whole place, parang may hinahanap siya. And her eyes darted on me. "Ms. Cabangon, excuse ka ngayon. Pinapatawag ka ngayon sa office." aniya. Natigilan ako. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lilah na kahit siya ay nagtataka kung ano ang nangyayari ngayon. "Bring your things now. The directress is already waitng for you." she added. Napalunok ako't iniligpit ko ang mga gamit ko. Tumayo na din ako't may hesitation ako kung lalabas pa ba ako o magsestay. Nagpahabol pa ako ng tingin kay Lilah. Tumango lang ito sa akin at ginawaran niya ako isang matamis na ngiti na magpapagaan ng loob ko kahit papaano. Hanggang sa nakalabas na ako ng classroom. Napakamot ako sa aking kilay. Kasabay n'on ang pagbilis ng t***k ng aking puso dahil sa pinaghalong takot at kaba. Baka may ginawa akong masama nang hindi ko namamalayan. O kaya hindi pa sapat ang ibinayad kong tuition. Huwag naman sana... Nang nakarating na ako sa tapat ng office ng directresss, ay kumatok ako. May nagbukas n'on. Isang babae, and I think this is her secretary. Nakangiti siya sa akin. "Inez Cabangon, right?" "Y-yes po..." Nilakihan niya ang awang ng pinto. "Halika, pasok ka na. Naghihintay na ang directress." aniya. Lumunok ako bago ako nagpakawala ng hakbang para makapasok ako sa loob ng naturang Opisina. Bumungad sa akin doon ang nakaupong directress. Tinagilid niya ang kaniyang ulo sa akin nang maramdaman niya ang aking presensya. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin. Tipid akong ngumiti pero nang inilipat ko ang tingin ko sa isa pang direksyon ay kusang nawala na parang bula ang ngiti ko nang makita ko ang isang pamilyar—ay, hindi! Kilalang kilala ko ang lalaking ito! What the hell... Anong ginagawa niya dito?! "Have a seat, Ms. Cabangon," aya niya sa akin sabay itinuro niya ang bakanteng upuan. Kahit na kinakabahan ako sa mga halo-halong bagay ay pilit kong kumilos ng normal sa harap nila—especially, sa harap ni Vladimir. Damn it, gustong gusto kong tumakbo palabas ng silid na ito at magtago pero hindi ko magawa. Parang may nag-uutos na mas lumapit pa sa kaniya. Iniiwasan ko ang mga tingin niya sa abot ng makakaya ko! Sa ngayon ay guilty ako sa salang hindi ko siya sinipot sa usapan namin noon... "Pinatawag ko kayong dalawa dahil kayo ang pinili kong maging representative," panimula ng directress. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Ano daw? Representative ng ano? "Some Universities in Cebu we're inviting some of our students here in this school. They'll holding a psychological research, iyon ang pupuntahan mo, Ms. Cabangon. And a 56th Culinary Competition for Mr. Ho. In short, gagawin ko ding project na ito para sa inyo. Dagdag grade na din iyon para sa inyong dalawa." Lumaglag ang panga ko. Whaaaat?! Ibig sabihin, kailangan namin pumunta ng ganoon kalayo? Wala akong pera para doon! Tama, tama... Iyon ang gagawin kong excuse para hindi ko rin makasama ang lalaking ito! "I know about your financial problem, Mr. Cabangon pero nagvolunteer na si Mr. Ho na sasagutin daw niya ang lahat ng mga gagastusin mo papunta ng Cebu. That'll be okay. And, I will give a letter para sa magulang o guardian mo..." Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin kay Vladimir. Nakangisi siya nang nakakaloko! What the...! Nang matapos na namin kausapin ang directress ay balak ko nang umalis para agad na umiwas sa lalaking iyon. Nagmamadali akong umalis. Panay tingin ko sa cellphone ko na kungwari may katext ako. Huwag na huwag kang lilingon sa kaniya, Inez. Kungwari, busy ka at wala kang panahon sa isang tulad niya! Until I reached the gate. Tumigil ako at napasapo ako sa aking dibdib. Nakahinga din ako ng maluwag dahil hindi na niya ako sinundan pa. Siguro dahil sa ginawa ko at ipinamukha ko sa kaniya an ayaw ko sa kaniya. Mabuti nalang, makakauwi na ako ng matiwasay. Humakbang na ako nang biglang may sumulpot na convertible na kotse sa harap ko. Halos matalon ako sa gulat! Nang tingnan ko kung sino ang drayber n'on ay nanigas ako sa kinakatayuan ko. Pa-papaanong... Tinanggal niya ang suot niyang aviator at tumingin nang diretso sa akin. He offer me his sweetest smile. "Hop in," he said. Kumunot ang noo ko. "At bakit naman ako sasakay d'yan, aber?" nairita kong tanong. Huminga siya ng malalim. Ipinatong niya ang aviator sa dashboard at lumabas sa sasakyan hanggang nasa harap ko na siya. "Gusto kitang makilala pa, Ms. Cabangon," mahina niyang tugon. "I can't afford a no again from my future girlfriend. Hm..." "Kung ayaw ko, anong gagawin mo?" lakas-loob kong tanong ulit. Sinusubukan kong tingnan siya ng diretso sa kaniyang mga mata. Humakbang siya ng isa palapit sa akin na nakapamulsa na siya naman ang pag-atras ko. "I will kiss you again. Automatically, if I kiss you right here, right now, girlfriend na kita." What the heck?! Bakit napaka-agressive ang lalaking ito?! "Now, choose, Ms. Cabangon." Lumunok ako't binawi ko ang kaniyang tingin. Dumiretso ako sa passenger seat ng kaniyang sasakyan. Nagsuot na din ako ng seatbelts. Bumaling ako sa kaniya na nakatingin lang sa akin na parang natatawa habang nanatili pa rin nakapamulsa. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi. Tinapunan ko siya ng isang masamang tingin. "Ano pa bang hinihintay mo? Bilisan mo at uwing-uwi na ako." singhal ko sa kaniya. "Right away, ganda." sabi niya. Kumilos na siya hanggang sa nakabalik na siya sa drive's seat. Pinapanood ko lang siya sa kaniyang ginagawa. Ipinasok niya ang susi sa ignition at binuhay na niya ang makina ng sasakyan hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis sa harap ng school! "Finally, you come away with me, huh?" kumento niya. Umingos ako. "Ano pa bang magagawa ko? Eh sa binabalockmail mo na ako." pagtataray ko na hindi natingin sa kaniya. "Sa kanto mo nalang ako ibaba mamaya. Baka ano pang isipin ng mga kapitbahay kapag nakita nila ako. Pero salamat na din dahil ididiretso mo na ako sa bahay at least, tipid ako ngayon sa pamasahe—" "Huh? Who told you na didiretso kita sa bahay ninyo?" bigla niyang tanong na may pagtataka. Ako naman ang natigilan. "A-ano... Anong sabi mo?" "Hindi tayo didiretso sa bahay ninyo. May pupuntahan pa tayo." Naalarma ako. "Anong—saan tayo pupunta?!" Tumaas ang isang kilay niya. "Grocery first then didiretso tayo sa bahay. Sa Tagaytay." "Siraulo ka ba? Bakit didiretso tayo sa bahay mo, aber?! Kung hindi mo rin naman ako ibababa sa amin, kahit dito mo nalang ako ibaba, ngayon din!" sigaw ko sa kaniya. "I'm sorry but I can't do that, Ganda." malumanay niyang sabi. "Nasa highway na tayo. Pagkatapos mong tikman ang specialty ko, ako mismo ang maghahatid sa iyo sa lugar ninyo. Trust me." "Siguraduhin mo lang, Vladimir Ho!" Para akong tanga habang nakabuntot sa kaniya. Kasalukuyan kaming narito sa isang grocery store, sinasamahan siyang mamili ng mga sangkap na gagamitin para sa competition na sinasabi ng directress. Pero hindi ko maiwasang mapuna ang mga babaeng nakakasalubong namin, lahat ng mga mata nila ay na kay Vladimir pero ang isang ito, parang balewala lang sa kaniya kung pinagtitinginan siya. "Ganda," bigla niya akong nilapitan. Mas lalo ako nagulat nang bigla niyang hinapit ang aking bewang. "Ano gusto mong lutuin ko para sa iyo?" "H-ha?" Matamis siyang ngumiti. "You are my special guest in my little castle. I want to cook something special for you, too." "M-mahilig ako sa chicken..." mahina kong sagot. "Alright, para sa iyo, ganda." talagang kumindat pa ang kumag na ito. Pagakatapos namin mag-grocery at lumabas na kami. Ang sabi niya, malapit lang dito ang bahay niya. Patungo na sana kami sa sasakyan niya na biglang bumuhos ang ulan. Natigilan ako nang may ipinatong siya sa ulo ko. What? Coat ng uniporme niya ito, ah? "Tara, sugod tayo?" he smiled again. "Ganda?" Ngumiwi ako at sabay nga kaming sumugod sa ulan. Narating din namin agad ang kanyang sasakyan. Pinauna niya akong pumasok doon. Nag-volunteer akong ibigay niya ang sa akin ang mga binili niyang ingredients. Hindi naman siya nagdalawang-siip na ibigay niya sa akin ang mga hawak niyang paperbag. Nang isara na niya ang pinto ay umikot na siya para makarating na siya sa driver's seat, ako naman tinanggal ko ang coat niya mula sa ulo ko. Napadpad kami sa Highlands sa Tagaytay. Hindi ko mapigilang mamangha nang makita ang malaking bahay na nasa gilid ko. Contemporary asian-inspired ang theme ng bahay na ito. Unang tingin palang ay magarbo na ito, kung hindi rin ako nagkakamali, isa sa mga sikat ang lugar na ito. Sa oras na malaman ng bang tao na dito ka nakatira, galante ka na. Nakasunod lang ako sa kaniya nang nakapasok na kami sa loob ng bahay. Mas lalo namangha sa nakikita ko. It's a chinese interior design with a luxurious touch. Malalaman mo talaga na isang chinese ang nagmamay-ari ng bahay na ito. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ang dalawang malalaking painting—chinese magnolia and lotus flowers. "In ancient China, magnolias were thought to be the perfect symbols of womanly beauty and gentleness. Also, strength and loyalty in love. While lotus flower means patience." biglang paliwanag niya na nakatingin din siya sa painting na pinagmamasdan ko. Inilipat niya sa akin ang tingin niya at ngumiti nang malapad. "Pagkatapos kong magshower, ipagluluto na kita... Sandali lang, maupo ka muna." sabay turo niya ang sofa. Umupo ako kahit na medyo naiilang pa ako. Bumalik din siya pero may dala na siyang body towel. Tumapat siya sa akin at lumuhod sa harap ko. "Papatuyuin natin ang buhok mo," masuyo niyang sabi. Bago man ako makaangal ay inunahan na niya ako. Malumanay niyang pinapatuyo ang buhok ko. Ni hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ko rin magawang itulak siya dahil sa sobrang lapit na niya sa akin. Nag-iinit na naman ang magbilang pisngi ko. "Inez," bigla niyang tawag sa akin. Nagtama ang mga tingin namin. "Thank you, dahil sumama ka sa akin." Hindi ko magawang sumagot. Umiwas agad ako ng tingin. "You made me this way, Inez." dagdag pa niya. Doon ulit ako napatingin sa kaniya. Anong pinagsasabi ng isang ito? "Why are you so perfect, hm?" Napangiwi ako. "I'm not." Umiling siya. "I think you are." Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "I'm a mess, Vlad." "You're my mess and I love it." Kumunot ang noo ko. "Teka nga, bago ko makalimutan, bakit mo ba ako hinahalikan dati, ha? Hindi mo ba alam na first time ko 'yon?!" Matamis siyang ngumiti habang diretso siyang nakatiting sa aking mga mata. "Don't worry, it's my first, as well." napaatras ako na kahit wala na akong kawala, mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. "I finally found my queen of this castle and that is you, Inez."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD