chapter one

1785 Words
"Oh, bakit ngayon ka lang?" nakasimangot na tanong sa akin ni tita Gerda pagdating ko ng bahay. Nakapameywang siya habang sinundan niya ako ng tingin pagkatapos kong magmano sa kaniya. "Anong oras na, hindi ka pa nakakapagluto!" Ipinatong ko ang aking bag sa ibabaw ng sofa. "Opo, magluluto na po ako." kahit pagod ako ay pilit ko pa rin kumilos. Dumiretso ako sa kusina para magluto ng hapunan para sa kanila. Abala ang tiyuhin ko sa kakanood ng basketball sa sofa habang ang tiyahin ko naman ang sige pa rin sa panenermon sa akin. Hindi ko nalang iniitindi iyon. Kahit naman na ipaliwanag ko na may event sa school at isa sa ako sa mga manlalaro, balewala pa rin iyon dahil kahit kailanman ay hinding hindi niya ako bibigyan ng oras para magpaliwanag. Parehong namatay sa isang aksidente ang mga magulang ko. Sa pagkakatanda ko ay walo taong gulang palang ako ng mga panahon na kinuha sa akin ang mga magulang ko. Dahil kapatid ng tatay ko ang tiyahin ko, sa kaniya ako tumira hanggang ngayon. Binuhay nila ako. Kahit na ganoon ang ugali niya, nagpapasalamat pa rin ako dahil hinayaan pa niya akong makapag-aral kahit na sabihin natin na inaalila niya ako dito. Iniisip ko lang ay bayad ko na ito sa kanila kapalit ng mga pangangailangan ko. Sila din ang tumatayong magulang ko. Adobong manok ang niluto kong hapunan. Nakapagsaing na din ako. Hindi na ako nagsayang pa ng oras, inihanda ko na ang mga iyon pagkatapos ay tinawag ko na sina tita at tito para kumain na. Ako naman ay pumasok muna sa bodega kung nasaan ang kuwarto ko. Gawain ko na iyon, pinapauna ko na silang kumain bago man ako. Habang kumakain ay nagbabasa-basa muna ako ng mga notes para pampatanggal ng bagot. Hindi rin ako nakatagal sa pagbabasa sa kuwaderno. Huminga ako ng malalim at itiniklop ko ang hawak kong notebook at humiga sa kutson dahil sa pagod na nararamdaman ko kanina pa. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Kung pwede lang matulog kahit saglit pero hindi naman pwede dahil paniguradong susugurin ako ni tita dito at makatikim na naman ako sa kaniya ng sabunot o kaya pananakit niya kaya huwag na muna. Magtitiis na muna ako. Pagkatapos nilang kumain ay saka na ako lumabas. Ang sunod kasing gagawin nina tito at tita ay papasok na sa kuwarto para makapagpahinga na. Ang sunod ko naman gagawin ay kakain ng kaunti at maghuhugas na ng pinagkainan, lalabhan ang jersey at maghihinaw na ng katawan. Iyon nalang naman kasi ang hinihintay ko para makatulog na. Nang matapos na ako sa paghuhugas ay biglang nagbukas ang pinto. Dahan-dahan iyon. Natigilan ako. Bumungad sa akin si Zora, nag-iisang anak nina tito at tita. Pinapanood ko siya hanggang sa makapasok na siya dito sa loob. Napasinghap siya nang makita niya ako sa harap niya sabay inilapat niya ang kaniyang hintuturong daliri sa kaniyang mga labi na huwag daw ako maingay. Napatingin ako sa wall clock ng salas. Mag-aalas onse na ng gabi. Hindi na ako magtataka dahil palagi naman ginagabi ito ng uwi. At isa pa, party goer kasi ang isang ito pagkatapos ay uunahan na niya si tita sa umaga. Maaga kasi siyang papasok n'on at baka kuwesyonin siya kung bakit ginabi ito ng uwi. "Tulog na sila?" bulong niya kahit nakadistansya siya sa akin. Tango lang ang naisagot ko sa kaniya. Itinuro ko ang ref, ibig sabihin ay may natirang pagkain pa. Pwede niyang kainin iyon kung gugustuhin man niya. Tumango din siya sa akin. Umalis na ako sa harap niya para makapaghinaw na ako ng katawan. _ Komportable na akong inilapat ang aking likod sa kutson. Wala kasing kama ang bodega. Gayunpaman, ayos lang sa akin. Ang importente ay may mahihigaan ako. Hindi ako nagrereklamo sa lahat. Sa halip ay nagpapasalamat pa ako. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang may sumagi sa aking isipan. "Natutulog ka lang, nahulog na agad ako. Panindigan mo ito, miss." Napangiwi ako. Siraulong Vladimir Ho na iyon! Sa dinami-daming babae na pwede niyang halikan, bakit ako pa?! Nanahimik ako, eh. Ang daming naghahabol sa kaniya para mapansin niya, bakit ako pa?! Bwisit siya, bakit ninakaw niya ang first kiss ko?! - Kinaumagan din iyon ay maaga akong pumasok. Bago man ako umalis ng bahay ay nakapaghanda na ako ng almusal hanggang tanghalian nila kaya wala na silang porpoblemahin pa sa pagkain. Iisipin ko nalang ang mga labahin sa darating na sabado tutal ay wala akong pasok ng mga araw na iyon kahit praktis. Dumiretso na ako sa locker room para makapgbihis na ng jersey. Nang nakabihis na ako ay siya naman ang pagbukas ng pinto. Tumingin ako. Bumungad sa akin sina Lilah at ang iba pa namin kasamahan. Malapad ang ngisi ni Lilah (nakajersey na pala ang isang ito) nang daluhan niya ako. Umupo siya sa tabi ko. "Ikaw ha! Ang swerte mo, kainis ka." pagmamaktol niya kungwari. Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit naman?" may bahid na pagtatanong iyon. "Asus, kungwari ka pa hindi mo alam kung anong nangyari kahapon. Oh siya, ipapaalala ko sa iyo, natamaan ka lang naman ng bola kahapon habang nanonood tayo ng basketball. Tapos mismong si Valdimir Ho ang nagdala sa iyo sa Infirmary! Jusko, 'day! Kung alam mo lang kung gaano ka kaswerte! 'Yung ibang babae, hahamakin na ang lahat makahawak lang sa mga Ho. Pero ikaw? Binuhat ka pa!" Napangiwi ako. Kung alam mo lang kung anong kalokohan na ginawa sa akin ng Vladimir na iyon! Isa siyang manyak! Manyaaaaaaak! "By the way, may laro ulit ang HE mamaya sa basketball. Nood ulit tayo, ha?" Tatanggi pa sana ako pro mabilis itong umalis sa tabi ko at lumabas na. Kumawala na ako ng isang malalim ba buntong-hininga. Hindi ko nalang iisipin ang lalaking iyon. Hindi naman ako interisado sa kaniya. Mas iniisip ko ngayon kung papaano kami mananalo sa laro namin mamaya. Mag-uumpisa na ang sunod naming laro. Ang kalaban namin ngayon ang ABM. Madami daw nagsasabi na malalakas daw ang mga manlalaro ng mga ito. Hindi ako napag-intimidate sa kanila. I believe in my own skill. Pero syempre, may tiwala din ako sa mga kasamahan ko. Pagkatapos namin mag-line up ay ako ang unang magserve. Tulad ng ginawa ko kahapon ay iyon ang tirang ginawa ko. Nasalo nila ang bola at nagawang ibalik sa amin iyon! Nasalo ko din iyon at inasa ko sa mga kasamahan ko para maspike nila at nakapuntos kami! Hanggang sa umabot na kami sa dalawang set. Kaunting push nalang, kami na ang mananalo dito dahil lamang na kami sa ABM. Nang ako na ang magseserve ay bigla nagsitilian ang mga tao dito sa court. Natigilan ako at tumingin ako sa direksyon na dahilan kung bakit umingay ang mga tao. Nanigas ako dito sa pwesto ko nang mahagip ng mga mata ko ang mga pipinsang Hochengco... Lalo na si Vladimir! Kasama nila ang hinayupak! "Oh shooooocks! Pinapanood nila tayoooo!" tili ng isa sa mga kateam mates ko. "Woooooh! Gagalingan ko para mapansin ako ni Keiran!" "Ako din, para mapansin ako ni Finlay!" Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari sa mga ito?! Tumunog ang pito. Hiuminga ako ng malalim bago ako magserve. Hinagis ko paitaas ang bola at naghalf-run ako hanggang sa naipalo ko ang bola— "Girlfriend ko 'yan! Woooooooh!" Anak ng— "Outside!" sigaw ng isa sa mga officer ng laro. Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa inis! Bumaling ako sa kinaroroonan ni Vladimir. Matamis itong nakangiti sa akin. Isang matalim na tingin ang iginawad ko sa kaniya pabalik. Simula ngayon, bwisit na bwisit na ako sa iyo! - Kakatapos ko lang maghilamos at magpunas ng mukha. I slowly released a sighs. Nanalo naman kami pero mas nangingibabaw ang kabadtripan ko dahil nawala ako sa concentration dahil sa biglang pagsulpot ni Vladimir sa laro ko kanina. Lalo na 'yung sigaw niya! Kabwisit siya! Hindi ba siya nahiya ng mga oras na iyon?! Gusto ba niyang atakihin ako ng mga admirers niya dahil sa ginawa niya?! Kasi ako, tahimik na ang buhay ko at ayokong mainvolve sa kanila dahil paniguradong malaking gulo lang 'yon! Pabalik na ako ng locker room nang biglang may humatak sa akin. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasandal sa pader at nakakulong ako sa dalawang braso. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko na nasa harap ko mismo ngayon si Vladimir Ho! "A-anong..." Matamis siyang ngumiti sa akin. "Okay na ba ulo mo? Hindi na ba masakit?" malumanay niyang tanong. Kumunot ang noo ko. "Sino ka ba para tanungin mo ako niyan, ha?" matigas kong tanong. "Dahil responsibilidad kita." Natigilan ako. Bakit parang iba ang dating sa akin ang mga katagang iyon? Tumikhim ako. "Hindi mo ako resposibilidad kaya pwede ba, pakawalan mo ako." "Anong sabi ko sa iyo kahapon?" "Huh?" "Paninidigan mo ako, miss." Tumawa ako na may panunuya. "Hanapin mo ang paki ko, okay? Sige na, aalis na ako—" hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko na maramdaman ko na naman sa pangalawang pagkakataon ang mga malalambot na bagay na iyon sa aking mga labi. Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa? Bakit parang hinuhugot ang lakas ko sa mga ginagawa niyang iyon? Ang mas malala pa, bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko?! Oh s**t, hindi, Inez! Hindi pwede ito! Hangga't maaga pa, kumawala ka sa lalaking ito! Kumalas ang mga labi niya sa labi ko. Sunod naman niyang ginawa ay isinandal niya ang kaniyang noo sa akin. "Good luck kiss for me." mahina niyang saad. "Manonood ka naman sa laro ko, hindi ba?" "M-manonood?" ulit ko pa. Damn it, bakit parang nawawala ako sa sarili ko?! "Yeah, pumapayag ka naman sa proposal ko, hindi ba? After my game?" Napalunok ako. Kinuyom ko ang aking kamao at walang sabi na naitulak ko siya. Doon ako nakakuha ng tsansa na makawala sa kaniya. Hinarap ko siya. "Never ako sasama sa iyo, manyak!" "Pero..." "Whatever it is, hinding hindi ako sasama sa iyo. Tagalog na iyan, malinaw na iyan. Ewan ko nalang kung hindi mo pa maitindihan pa 'yan!" sigaw ko sa kaniya at mabilis ko siyang tinalikuran. Siraulong Vladimir na iyon! Nakadalawa ka na, ha! Sa susunod na gagawin mo pa 'yan, tatamaan ka na talaga sa akin! Natigilan ako nang may napagtanto ako. Tumingin ako sa pulsuhan ko. Napasinghap ako nang makita ko doon na wala na doon ang panyo na pinulupot ko doon! Oh shiz, kailangan kong balikan at makuha ang panyo na iyon! Sa mama ko iyon at iyon ang lucky charm ko! Bumalik ako sa likod ng school. Ipinapanalangin ko na sana ay wala na doon ang lalaking iyon! Natigilan ako nang nakarating ako sa lugar na iyon. Napalunoj ako nang makita ko siyang nakasandal sa pader. Nakahalukipkip at nakapikit. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata at bumaling sa direksyon ko. Ngumiti siya't ipinakita niya sa akin ang hawak niya—ang panyo ko! "Ibibigay ko sa iyo ito, iyon kung pauunlakan mo ang imbitasyon ko, Inez." seryoso niyang sambit. Bakit parang pinagpapawisan ako ng malamig? Bakit tumindig ang balahibo ko sa mga tingin niyang iyon?! Damn it! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD