Chicken stroganoff pasta ang iniluto ni Vladimir para sa amin. Unang subo ko palang, masarap na hanggang sa hindi ko na namamalayan na nag-eenjoy na ako sa iniluto niya. Natigilan ako nang napansin ko na parang hindi man lang nagalaw ang lalaking ito. Sa halip ay nakapangalumbaba habang natitig sa akin. Bigla tuloy umandar ang pagiging concious ko dahil sa kaniya! Bumaba ang tingin ko ay nahagip ng mga mata ko na hindi man lang nagalaw ang pagkain niya! Ibig sabihin, kanina pa niya ako tinititigan?!
"Oh, may hindi ka ba nagustuhan sa gawa ko, ganda?" nag-aalalang tanong niya. "Tell me, magluluto ako ng bago para sa iyo."
Ngumiwi ako pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya nang diretso sa kaniyang mga mata. "T-tigilan mo na i-iyan..." nahihiyang sambit ko.
"Hm? Ang alin?"
"Na tumitig sa akin." diretsahan kong tugon.
I heard him chuckled. "I can't resist to stare you more, ganda." he said. "Lalo na ang mga luto ko ang nagpapasaya sa iyo. Mas lalo ako nagaganahan para sa culinary contest."
"Baka hindi ako makasama." kusang lumabas iyon sa aking bibig.
"Why?"
"Kahit na sabihin natin na iso-shoulder mo ang mga gastusin doon, at saka, iba nalang siguro ang isama mo—"
"Wala akong ibang gustong makasama, Inez. Ikaw ang gusto ko."
Nanlaki ang mga mata ko at bumaling sa kaniya. "V-Vlad..." iyan tanging masabi ko.
He offer me a sweet smile. "Kung ang ikinababahala mo ay ang tiyahain mo na baka hindi ka payagan, don't worry about it. Ginawan na namin ng paraan iyon." unti-unting sumeryoso ang kaniyang mukha. "Nalaman ko din na hindi pala maganda nag trato sa iyo ng mga kamag-anakan mo doon."
Binawi ko ang tingin ko, tulad ng pag-iwas na pag-usapan ang mga bagay na iyon. Sa lahat ng nakilala ko, siya lang ang nakaalam kung ano talaga ang klaseng magulang para sa akin ang mga tiyahin ko. Kahit ganoon ay pilit kong isinaisip ang mga positibong bagay. Na maswerte pa rin ako kahit papaano dahil pinapaaral pa ako at may bahay na matutuluyan. Wala akong oras para umiyak o magmukmok man. Lagi kong iniisip na kahit makapagtapos lang ako ng senior high, maghahanap ako ng trabaho para pag-aralin ko ang sarili ko sa kolehiyo. Kahit na isuko ko na ang pagiging varsity ko o mag-apply ng scholarship.
"Sorry, kung na-open ko ang topic na iyon." sabi niya.
"Ayos lang," saka ginawaran ko siya ng isang mapait na ngiti.
-
Pagkatapos namin kumain ay nagprisinta ako na ako na ang maghugas ng pinaglutuan at pinagkainan namin. Noong una ay tumatanggi si Vladimir dahil bisita daw ako, pero talagang giniit ko pa kaya sa huli ay wala na siyang magawa pa kungdi hayaan sa gusto ko. Nagkukwento nalang siya sa tabi ko habang naghuhugas ako ng pinagkainan.
Mayroon daw siyang kapatid, ampon nga lang daw. Pangalan daw ay Harris. Ngayon ko lang nalaman 'yon, hindi ko alam na may kapatid siya. Wala rin ako nababalitaan na nag-aaral ito sa eskuwelahan kung saan kami nag-aaral ni Vladimir.
Nang matapos na ako sa paghuhugas ay magpapasya na sana akong umuwi na. Dahil kasama sa usapan namin na ihahatid daw niya ako, hindi na ako umangal pa. Pero bago man kami makalabas ng bahay ay may isang sasakyan na tumigil sa tapat mismo ng bahay na ito.
"Oh shit." mariin at mahinang mura ni Vlad sa gilid ko na dahilan para magtaka ako. Magtatanong pa sana ako nang bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Mas lalo ako nagtaka ako nang binuksan niya ang pinto sa may ilalim ng hagdan at pinapasok niya ako doon. Wala na rin akong choice kungdi sumunod. Maliit ang espasyo ng silid na ito at doon ko napagtanto na bodega pala ito dahil sa nakakapa ko, mga lumang upuan o ano pa. Nanlaki ang mga mata ko nang malapit na pala masyado ang mukha ni Vladimir sa akin na kulang nalang ay hahalikan na niya ako! "Shh, hindi nila pwedeng malaman ito." sabi niya.
Gusto kong itanong kung bakit pero hindi ko magawa dahil ramdam ko ang malakas na kalabog sa aking dibdib. Parang anumang oras ay pwede na itong sumabog! Damn it, Vlad! Pwede bang lumayo-layo ka sa akin!? Papatayin mo na ako sa ginagawa mo!
"Vlaaaad?!" rinig kong boses ng isang lalaki sa labas ng bodegang ito.
"Narito ang sasakyan niya pero hindi man lang niya tayo sinasalubong? What was that? Kinda weird." kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Kalous Ho! WTH, narito ang mga pinsan niya?!
"Wala siya sa kuwarto niya, cous." si Archie iyon!
"Baka lumabas lang," rinig kong kumento mula kay Keiran.
"Or may binili." segunda pa ni Finlay.
"Tsk, ang akala ko pa naman, maaya na natin siya sa victory party!" rinig ko pa mula kay Kalous. "Oh siya, tara, evacuate. Kokontakin nalang natin siya sa tawag."
Naghintay pa kami ng ilang saglit hanggang sa marinig na namin ang tunog mula sa pinto pati ang ugong ng mga sasakyan. Hudyat na nakaalis na sila. Ramdam ko nalang na umaalis na din si Vlad mula sa pagkadikit niya sa akin. Doon ko rin ramdam ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Ni hindi ko siya magawang tingnan ng diretso sa kaniyang mga mata.
"Sorry," he finally said. "Ayokong makita ka nila dahil paniguradong magbabalak ang mga iyon."
"A-anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong.
"Malakas ang tama ng mga pinsan ko. Malakas din mang-asar." then he shrugged and offer a sweet smile to me. "Tara na? Ihatid na kita sa inyo?"
Tumikhim ako't tumango.
-
"Salamat sa paghatid," sabi ko sa kaniya nang tumigil ang sasakyan niya sa may kanto papasok kasi iyon patungo sa kalye kung nasaan ako nakatira.
"No problem," nakangiting tugon niya. "Bukas susunduin kita. Sabay tayong pupunta sa airport."
Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Binawi ko ang aking tingin saka binuksan ko na ang pinto ng sasakyan. Lumabas ako doon at isinara ko na 'yon. Umatras ako ng ilang hakbang. Umusad na ang sasakyan. Hinatid ko lang 'yon ng tingin. Lihim ako napangiti. Ganito pala ang pakiramdam kapag hinatid ka ng isang lalaki—Oh s**t, mali! Mali! Mali! Mali!
Natigilan ako nang makita ko nang mahagip ng mga mata ko ang isang grupo sa isang direksyon. Umaawang ang bibig ko nang makita ko kasama sa grupo na iyon ang pinsan kong si Zora! Pero ang hindi ko inaasahan ay ang kasuotan niya. Medyo daring! May nakaakbay sa kaniya ang isang lalaki at mukhang tuwang-tuwa pa siya. Napangiwi ako kasi mukhang manyak 'yong lalaking nakaakbay sa kaniya. Base din sa obserbasyon ko, kasing edad lang ni tito iyon!
Ibig sabihin, hindi pa nakauwi ang pinsan kong 'yon?
Imbis na diretso na ako ng bahay nagpakawala ako ng hakbang para sundan ang pinsan ko! Siguro dahil na din sa kuryusidad kung bakit inuumaga siya ng uwi sa bahay.
Palihim ko sila sinusundan. Tatlong lalaki at tatlo silang babae na naglalakad. Hindi lang 'yon. Nagkahiwa-hiwalay sila't lumihis ang pinsan ko sa grupo na 'yon. Napalunok ako. Bigla bumuhay ang kaba sa aking sistema. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda!
-
Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko na pumasok si Zra at ang lalaking kasama niya sa isang gusali... Motel?! Anong gagawin naman nila doon?!
Napalunok ako kasabay na tumindig ang balahibo ko. Huminga ako ng malalim at sinubukan ko pa rin makapasok sa gusali na iyon. Kapag may mangyayaring masama sa pinsan ko, malalagot sa akin ang lalaking iyon! Tatamaan talaga iyon sa akin!
"Miss, pwede po bang malaman kung anong room po pumunta 'yung babae na may kasamang may-edad na lalaki?" lakas-loob kong tanong sa babae na nasa reception.
Kumunot ang noo nito nang tumingin siya sa akin. "At bakit?" may bakas na iritasyon na tanong niya.
"Pinsan ko kasi 'yung kasama, eh. Baka mapaano..."
"Hindi kusang sasama ang pinsan mo kung mapapahamak siya." sabi pa niya.
Laglag ang panga ko sa opinyon niya. A-ano?!
"Tingnan mo, naka-uniporme ka pa, dapat hindi ka nagpupunta sa ganito."
"Please naman po—"
"Alam mo, istorbo ka sa negosyo. Pwede bang umuwi ka na?!"
Halos matalon ako sa gulat nang singhalan na niya ako. May parte sa akin na huwag umalis hangga't hindi ko kasama si Zora sa pag-uwi. May parte din sa akin na gusto kong umuwi dahil baka saktan ako ng babaeng kausap ko.
"How about ten thousand for the information and spare keys?"
Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang mairnig ko ang pamilyar na boses na iyon. Agad kong tumingin sa tabi ko. Napasinghap ako nang makita ko nga siya dito. Si Vladimir! "A-anong ginagawa mo dito...?"
Ngumiti siya sa akin. "Nakita ko na hindi ka dumiretso sa mismong bahay ninyo, kaya sinundan kita. Remember, you're my responsibility."
"V-Vlad..."
"S-ser?"
Binawi ni Vladimir ang tingin niya sa akin. Seryoso niyang binalingan ang receptionist. "Ibigay mo na ang kailangan ko. Kung ayaw mong ipagiba ko ang building na ito."
Napalunok ang babae. Namumutla din siya. Natataranta niyang ibinigay ang susi na kailangan namin. Mabilis kinuha ni Vlad ang susi, kasabay na hinawakan niya ako sa kamay. Naglalakad na kami patungo sa kuwarto kung nasaan si Zora.
"Vlad, kahit hindi mo na kailangan gawin ito..." sabi ko.
"Para sa reyna ko, gagawin ko ang lahat." tumigil kami sa paglalakad. Humarap siya sa akin. Humakbang ng isa palapit sa akin. "You made me fall for you more and more, Inez."
"A-anong..."
"Because you're so selfless." ikinulong nng mga palad niya ang mukha ko. Inilapit niya kaunti ang mukha niya sa akin na dahilan para uminit na naman ang magkabilang pisngi ko. "Pero ako? I'm selfish. No one can touch you. And I would kill some bastards whoever try to harm my queen."
Hindi ko magawang sumagot agad. I just feel my heart moved. "S-salamat..."
"Thank me later, ganda. Kapag nagawa na natin iligtas ang pinsan mo." then he winked.
Tumango ako, hindi ko rin mapigilang mapangiti. Kumilos na kami para puntahan ang pinsan ko.