prologue
"Ikaw na, Inez!" sigaw sa akin ng isa sa mga kateammates ko sabay pinagulong niya ang bola sa sahig ng court.
Kasalukuyan ang laro ng mga senior high dito sa Unibersidad. Pangatlong araw na namin ngayon ng Intramurals. Ang kalaban namin ngayon ang HE (Home Economics) samantalang kami ay GA (General Academics). Sa kabilang court naman ay hindi mababawasan ang ingay dahil sa tilian at sigawan. Laban naman ng basketball.
Good thing is, wala kaming upcoming competitions o championship kaya may oras akong maglaro o makasali kahit papaano.
Kinuha ko ang gumugulong na bola saka dinirible ko ito. Tumigil ako saglit at kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Hinihintay ko ang tunog na hudyat na mag-uumpisa na akong magserve.
Tumunog ang pito. Hinagis ko paitaas ang bola saka tumalon sabay pinalo ko ang bola. Kahit na varsity player talaga ako ng Unibersidad na ito, kailangan ko pa rin magparticipate dahil kasama sa grade ito.
Naibalik sa amin ang bola. Kailangan kong maging focus. Kailangan namin mapalanunan ulit ang set na ito. Ako ang nagbalik ng bola sa kabila. Ang libero nila ang nakasalo. Kinagat ko ang aking labi dahil balak i-spike ng kalaban ang bola pabalik dito. Mas lumapit pa ako sa net at tumalon. Gagamitin ko ang read blocking. Bumagsak ang bola sa kabila.
Pumipito ang referee na nagsasabi na nasa amin ang puntos. Nagyakapan kami ng mga kateam mate ko. Ang isa ay mahinang tinapik ang likod ko.
"One more serve, Inez!" pagchi-cheer pa nila sa akin.
Ganoon ulit ang ginagawa kong pagseserve. Isang puntos nalang, kami na ang mananalo! Naibalik ulit nila ang bola sa amin. Tumingin ako sa setter. Sa pamamagitan ng mga tingin ay sinasabi ko na sa akin niya ipapasa ang bola. Pumuwesto ako sa gilid ng court. Nakipagsabayan ang mga kalaban sa akin sa pagtalon para iblock nila ang pagsaspike ko pero hindi iyon ang gagawin ko.
Feint!
Tatlo pa sa likod ang humahabol sa bola pero hindi nila mahabol dahil dumapo na iyon sa sahig. Napatingala ang tatlo sa akin habang ang iba ay hindi makapaniwala sa nangyari.
Nabigla lamang ako nang bigla akong niyakap ng mga kasamahan ko dahil sa sobrang galak na naipanalo na namin itong laban.
"Mabuti nalang talaga nandito si Inez!" tili ng isa sa mga kasamahan ko.
Nagtatalon-talon na kami na akala mo ay championship ang kompetisyon na ito.
-
Pagkatapos kong magcool down, ay nagpunas na ako ng pawis sa locker at nagbihis na din. Mabuti nalang ay pwede magsuot ng civilian dito. Wala na din naman kaming laban pagkatapos. Bukas ulit ang susunod na laro.
"Inez!" tawag sa akin ni Lilah, ang libero ng team namin. Kasama niya ang dalawa pa naming kasamahan. "Tapos ka na?"
"Uhm, oo. Bakit?" takang tanong ko sa kanila.
Ngumisi silang tatlo. "Tara, manood tayo ng basketball! Balita ko, naglalaro ngayon si Vlad!" tili niya na parang eksayted nga siya.
Ngumiwi ako. "H-ha? Naku, hindi ako nanonood ng basketball..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahila bigla na nila akong hinatak palabas ng locker room. Ang isa pa namin kasamahan, dinala ang gamit ko palabas at nakasunod lang sa amin.
Ilang beses na akong nagprotesta na ayaw kong sumama pero masyado silang mapilit. Kahit anong gawin ko, ayaw nila akong pakawalan hanggang sa napadpad na kami sa loob ng Gymnasium. Laglag ang panga ko nang iginala ko ang aking paningin sa buong court. Maraming nanonood!
"Kyaaaaah! Galingan mo, Finlay!" tili ng isang babae na hindi kalayuan sa amin. Napasinghap ako nang may hawak pa silang mga banners!
"Go Hochengco cousins! Go! Go! Go!" tili pa ng iba.
"Vladimir! I-three points mo naaaaa!"
"Putspa, ang guwapo talaga nilang magpinsan! Mas nakakaguwapo silang tingnan kapag naglalaro! Sayang wala pa 'yung iba pa nilang pinsan! Oh my, I really love my life!" si Lilah na parang hihimatayin na yata sa sobrang kilig.
Sinubukan kong tumingin sa basketball court. Laban ng HE at ng GA. Tumalikwas ang isang kilay ko. Magkasama nga sa isang team sina Finlay at Vladimir Ho. Magpinsan sila. Halos lahat ng mga pinsan din nila ay dito din nag-aaral sa Unibersidad na ito. Magkakaiba sila ng strand, hindi lang ako sigurado kung magkakaharap pa ba sila dahil ang alam ko, naglalaro din sila ng basketball, maliban sa pinsan nilang si Fae, kilala naman ito bilang officer ng student council.
Kumunot ang noo ko nang mas lalo lumakas ang tilian at hiyawan sa paligid. Mas ipinagtataka ko kung bakit tumatakbo palapit sa akin si Vladimir Ho at nakaletrang-O ang bibig. May mga nakasunod sa kaniya. Teka, bakit parang nagiging slow motion ang buong paligid?
"Watch out!" sigaw niya sa akin.
Napaamang ako. "Huh?"
Bigla ako natumba dahil napagtanto ko na tinamaan ako ng bola! Dahil d'yan ay bumagsak ako sa sahig. Rinig ko pa ang pagpito sa kung saan man.
"Hala, Inez!" rinig ko pang sabi ni Lilah.
"Miss, miss, ayos ka lang?!" hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Vladimir Ho. "Please answer me, miss!"
Hindi ko magawang sumagot. Napapikit ako dahil sa sakit na tumama ang bola sa aking ulo.
"Finn, labas muna ako ng court. Sabihan mo si coach, ipasok si Michael! Dadalhin ko lang ito sa Infirmary."
"Copy!"
Ang tanging nararamdaman ko nalang ay bigla akong binuhat na animo'y bagong kasal. "Sorry, miss. Hindi ko sinasadya na tamaan ka."
-
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. May nakikita akong puting kurtina at isang lalaki...? Kung hindi ako nagkakamali, si Vladimir Ho ito!
Isang ngiti ang iginawad niya sa akin. "Mabuti naman ay gising ka na," aniya.
"A-anong..."
"Natamaan kita ng bola kanina. Actually, that was an accident. Hindi ko sinasadya." Mas lumapit pa siya sa akin. "Medyo matagal kang nakatulog. Ang sabi sa akin ng mga kateammates mo, may laro din kayo kanina kaya hindi na ako magtataka na napasobra ang tulog mo dahil sa pagod."
Bahagya akong bumangon. "I-ikaw nagdala sa akin dito?" malamig kong tanong.
"Yeah,"
Umalis ako sa kama. Aalis na sana ako nang nahuli niya ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Salamat sa pagdala mo sa akin dito pero hindi kasama sa pagtulong mo sa akin ang paghawak mo sa kamay ko nang basta-basta." naiirita kong sabi sa kaniya.
Parang natauhan siya sa sinabi ko. Agad niyang binitawan ang kamay ko at napakamot ng batok. "S-sorry, it didn't mean to... I just..." binasa ng kaniyang dila ang pang-ibabang labi niya sabay tingin sa akin. "I want to treat you after my game tomorrow." umukit ang isang sineridad na ngiti. "Pambawi lang sa ginawa ko. Okay lang?"
"Ayaw ko at hindi na kailangan."
Kumunot ang noo ko dahil bakit parang balewala lang sa kaniya ang pagtatanggi ko. Walang sabi na hinila niya ako at pinahiga sa kama na dahilan na nanlaki ang mga mata ko. Akmang sisigaw ako para humingi ng tulong pero naunahan niya ako! Inunahan na niya iyon ng isang halik sa aking mga labi. Nanigas ako sa ginawa niya!
"Natutulog ka lang, nahulog na agad ako. Panindigan mo ito, miss." halos pabulong na nang sambitin niya iyon nang humiwalay na ang mga labi niya sa mga labi ko. "Susunduin kita bukas, alright?"