chapter nine

1932 Words
"Nabalitaan ko na nanalo kayo kahapon! Sayang, wala kami ni Elene, sorry kung hindi kami nakapunta para suportahan ka." nalulungkot na sabi ni Naya nang nasa tabi ko na siya dito sa susunod na subject. Minor subject lang naman ngayon at ilang beses ko din naging kaklase sina Naya pati ang kaklase niyang si Elene sa mga minor subjects. Sila pareho ang nag-approach sa akin noong unang araw palang ng klase. Pareho silang mabait, pero may pinagkaiba sa kanilang dalawa. Si Naya ay mahilig mag-aral at nakikita ang dedikasyon niya habang si Elene naman ay maituturing na easy-go-lucky. "Okay lang, pero salamat na din." nakangiting sagot ko sa kaniya. Wala pa naman ang prof namin ngayon kaya may oras pa para magkwentuhan kahit saglit. "Nasabi mo din naman sa akin na may gagawin kang report, hindi ba? Ayos na 'yon. Teka, nasaan si Elene? Hindi mo kasama..." Ngumuso siya at nagpangalumbaba. "Naku, sumakit daw ang puson niya. Kaya, hayon, umuwi na sa kanila. Hindi rin siguro siya makakapasok sa part time niya dahil doon." tugon niya. Sa University of Perpetual Help System - General Mariano Alvarez Campus ako nag-aaral ngayon. Pareho kami ni Gelo nag-aaral dito. Nakahanap kasi ng malilipatang bahay si tita Gerda. Aminadong may takot pa rin akong nararamdaman dahil kapitabahay lang ng GMA, Cavite ang Dasmariñas. Minsan napaparanoid ako. Baka kasi biglang sumulpot si Vladimir sa harap ko isang araw o kaya ang nanay niya. Pero isiniksik ko sa aking isipan na wala na si Vladimir dito. Ilang taon nang nakalipas at paniguradong nasa ibang bansa na iyon ngayon at masaya na siya kung anuman ang buhay ang tinatahak niya doon. Ipinapanalangin ko lang na huwag na sana mag-krus ang mga landas namin. Ngayong third year college na ako, malapit na ang OJT ko, kaya kailangan ko nang paghandaan ang sarili ko. Kaunting tyaga pa, makakagraduate na din ako at makakatulong na din ako kina tita at tito sa gastusin kahit na may trabaho na ulit sila. Nagtayo sila ng mini grocery store sa Magra, palengke sila na malapit lang sa munisipyo ng GMA. Mabuti nalang ay nakabangon na din kami kahit papaano. Sa pagtapos ng klase ay sabay na kaming lumabas ni Naya mula sa classroom. Sa pagkaalam ko ay may part time din siya. Hindi nga lang nabanggit kung saan pero ang tanging nasabi lang niya sa akin ay bata ang tinuturuan niya. Matalino ang batang tinuturuan niya. May dahilan lang talaga kung bakit ibinagsak ang english subject ay dahil sa pagiging rebelde nito sa tatay ng bata. Hindi ko akalain na iba na pala ang mga bata ngayon. Sumsasagi na pala sa isipan nila ang mga ganoong bagay. Sa mga naiseshare sa akin ni Naya ang mga bagay na iyon, malaking tulong na din iyon sa oras na ganap na akong guro. "Dito nalang ako, Inez. Susunduin pa ako ni jowa. Hihi." kinikilig na sabi niya. Napangiwi ako. "Nahawa ka na yata kay Elene." kumento ko habang yakap ko ang libro. "Hindi naman masyado. Saka matino naman si jowa. He's a reserved man, Inez." pahgdedepensa niya. Bumuntong-hininga ako. "Oh siya, sige. Didiretso na ako ng Gym, may praktis ulit ako, eh." sabi ko. Ako na ang kusang naglakad ng ilang hakbang palayo mula kay Naya pero natigilan ako nang may nakalimutan pa pala akong itanong sa kaniya kaya humarap sa kinaroroonan niya nang nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita akong taong hindi ko inaasahan. Si Keiran... Ang isa sa mga pinsan ni Vlad... Kitang kita ko kung papaano ngumiti sa kaniya habang tinutulungan siya ni Keiran sa pagdala ng mga gamit nito. Bumilis nag t***k ng aking puso. Nataranta akong nagtago para hindi niya ako makita. Alam ko sa oras na makita niya ako ay sasabihin nniya kay Vlad kung nasaan ako. Kung saan ako matatagpuann kung sakali. "S-siya ang boyfriend ni Naya...?" mahina kong tanong sa aking sarili. Ibig sabihin, siya ang tinutukoy ni Elene!? Sinundan ko lang sila ng tingin habang papalayo na silang dalawa. Patungo na sila sa Parking Lot ng Unibersidad na ito. Ipinapakita ni Keiran ang pagiging gentleman niya para kay Naya. Bigla ako nakaramdam ng kirot sa aking puso nang sumagi sa aking isipan ang mga bagay na nakapagpapaalala tungkol sa kaniya. Si Vlad... Agad ko din binawi ang aking tingin at nagpasya na akong pumunta ng Gym para makapagpraktis na. _ Pilit kong maging focus sa praktis. Ayokong mapagalitan o mapagdiskitan ng coach. Kailangan ay tama ang ginagawa ko. Pilit kong tanggalin sa isipan ko si Vlad sa buong maghapon. Hindi ako nagpapahuli sa warm up at sa kung ano pang ipinagawa sa amin. Habang wala pa ako sa court ay nagself practice ako. Humarap ako sa pader at nag-ensayo ako ng receiving. Madalas ko ito ginagawa noong high school pa ako. Ang buong akala ko pa noon, hindi ako magiging vasity ulit pero dahil sa endorsement letter na ibinigay sa akin ng dating school ay nakakuha ako ng pagkakataon na maging varsity ulit. Sa awa din ng diyos ay wala akong naeencounter na injury kahit na sabihin na hindi maiwasan pero kailangan pa rin dahil mahirap kapag nagka-injury. Bukod sa matagal kang hindi makakapaglaro sa court, maaapektuhan din ang everyday life style mo. Inabot na kami ng alas siete sa praktis. Ilang saglit din ay nagdismissed na at nagpalit na kami ng damit bago man kami umalis ng school para makauwi na. Pero hindi ko inaasahan na nakaupo si Gelo sa path way na malapit lang sa gate. Tumigil ako sa paglalakad. Siya naman, napatayo mula sa kinauupuan niyang bench. Humakbang siya palapit sa akin. "Oh, ang akala ko nakauwi ka na." iyon agad ang nasabi ko sa kaniya. "Anong oras na, baka mapaano ka habang pauwi." seryoso niyang sabi. Walang sabi na kinuha niya ang suot kong back pack at siya ang nagsuot n'on. "Let's go." Tahimik akong tumango. Sumunod na ako sa kaniya habang palabas na kami ng Unibersidad nang may makakasalubong kaming grupo ng mga lalaki. Madalas kasing may klase mulang alas siete hanggang alas otso ng gabi. Iba sa kanila mukhang siraulo kaya agad ko silang nilayuan dahil ang alam ko, f**k boy ang mga tulad nila dahil minsan ay pinag-uusapan sila ng ibang course. Pero hindi ako interisado ni isang pursyento sa kanila. 'Yun nga lang, mukhang hindi nila ako magawang lubayan dahil sa aking narinig. "Tang ina, ang sexy talaga ni Inez, pre." sabi ng isa, hindi ko alam ang pangalan niya. "Gago, kunin mo na ang number niya." Biglang may humawak ng kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang inangat ko ang aking tingin sa lalaking humawak sa akin. Si Gelo. Bakas mukha niya ang iritasyon. "Huwag kang babagal-bagal kung ayaw mong mabastos." sabi niya at talaga kinaladkad pa niya ako palayo sa mga lalaking iyon. - Hanggang sa pag-uwi namin ay tahimik lang si Gelo. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit pinilit niya kina tita at tito na sasama siya dito sa amin at sa parehong paaralan pa kami mag-aaral. Minsan pa nga ay pinagkakamalan nilang boyfriend ko si Gelo dahil sa palagi kaming magkasama lalo na kung pareho kaming vacant. Industrial Engineering ang kinukuha niya. "Salamat sa pagsunod, Gelo." nahihiyang sabi ko sa kaniya. Tumigil siya sa paglalakad ng ilang segundo. Pagkatapos ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad hanggang sa nakapasok na siya sa loob ng bahay. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Nagpakawala na ako ng hakbang papasok ng bahay. Bumungad sa akin sina tita na nanonood na ng telebisyon. Napukaw ko ang kanilang atensyon. "Oh, Inez, Gelo. May itinabi na akong pagkain para sa inyong dalawa. Kumain na kayo." "Opo, tita." ani Gelo. "Opo..." medyo malamya kong tugon dahil na rin sa pagod na inabot ko sa buong maghapon. Dumiretso kamisa kusina at kumain na. Sanay na ako sa ganitong ugali ni Gelo. Ang pagiging tahimik. Idagdag mo pa ang pagiging suplado niya. May hitsura din naman siya, sa katunayan pa nga ay isa siya sa mga habulin ng mga babae. Sa school man o sa labas. Head turner din. Pero wala naman akong naramdaman na kahit ano na tulad ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Siguro dahil iisang tao lang ang hinahanap-hanap ko. Iyon ay presensya ni Vlad... Ilang taon nang nakalipas buhat nang hiniwalayan ko siya, pero parang kahapon lang nangyari... Si Gelo na ang nagvolunteer na maghugas ng pinagkainan. Hinayaan ko nalang siya kaysa naman mag-away kami nang dahil lang sa maliit na bagay. Nagpasya na muna akong magpahangin sa bakuran ng bahay. Gusto ko lang irelax ang sarili ko bago man ako magpupunas ng katawan at didiretso na ako ng tulog tutal naman ay wala akong homework sa mga subject, siguro ay naawa na sa amin ang mga prof kaya ganoon. Umupo ako sa duyan at tumingala sa kalangitan. Hanggang ngayon, sariwa pa sa aking ang sakit na nararamdaman ko. Maraming katanungan sa isipan ko. Kamusta na kaya siya? Unti-unti na ba niyang nakukuha ang mga pangarap niya? Nakakuha na ba siya ng gastronomy tulad ng gusto ng kaniyang mama? Naging mas mabuti ba ang buhay niya nang umalis na ako sa buhay niya? "I'm still sorry, Vlad..." mahina kong sambit kahit alam kong wala siya kay umaasa nalang ako sa hangin na ipaabot ang mensaheng iyon. Sana, sumagi man lang sa isipan niya na hindi ko ginusto na bitawan siya. Wala lang talaga akong choice. "Anong problema, Inez?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Medyo nagulat ako nang makita ko si Gelo na nakatayo sa tabi ng duyan. Mukhang tapos na nga siya paghugas ng pinagkainan. Humakbang pa siya hanggang nasa harap ko na siya. Tumingala ako sa kaniya. "Wala naman," pagsisinungaling ko pa. Nakasindi pa ang ilaw dito sa bakuran kaya nababasa ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan. Pero para saan? Bakit nalulungkot siya? Wala naman siyang girlfriend, ah para maging dahilan ng pagiging malungkot niya. "Narinig ko ang binabanggit mong pangalan na Vlad. Sino siya?" Umaawang ng kaunti ang aking bibig. Agad kong iniwas ang tingin ko mula sa kaniya. s**t, narinig niya pala ang sinabi ko! "Wala..." "Bakit ka nagsosorry sa kaniya?" sunod niyang tanong. "Wala nga," Muli siyang tumahimik. Pero nakuha niya ang atensyon ko nang bigla niyang itinukod ang isang tuhod niya sa lupa. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. "G-Gelo..." tawag ko sa kaniya. "Siya ba ang dahilan kung nakakulong ka pa rin sa nakaraan, Inez?" muli niyang tanong. Hindi ko magawang sumagot. Ang tanging magawa ko lang lumunok at yumuko. "May magagawa ba ako para mawala na siya sa isipan mo?" sunod niyang tanong. Doon ay kumunot ang noo ko. Nagtataka na ako sa mga pinagsasabi niya. "A-anong pinagsasabi mo, Gelo? H-hindi na kita maitindihan..." "Hindi mo pa rin napapansin kung bakit pinili kong sumama sa inyo dito, Inez." ngayon ay may bahid na pagsusumao niyang sambit. Nagtama ang mga tingin namin. "Para mabantayan kita, para ako ang poprotekta sa iyo. Hindi bale na mapahiwalay ako sa pamilya ko, basta kasama lang kita." Hindi ko magawang sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya ngunit nanatili ding nakakunot ang noo ko. 'Hindi na kailangan, Gelo!' gusto kong sabihin sa kaniya ang mga pangungusap na bumubuo sa isipan ko pero hindi ko magawang isatinig ang mga iyon. "Inez..." nanamaos niyang tawag sa akin. Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa mga kamay ko. "Bigyan mo ako ng pagkakataon ngayon. Gagawin ko ang lahat para mawala na siya sa isipan mo. Hayaan mong gagawin ko ang lahat para mabura ang sakit na idinulot niya sa iyo." "Gelo," tawag ko sa kaniya ngunit nakayuko pa rin. Kinagat ko ang labi ko ng ilang segundo bago ulit nagsalita. "Kahit anong gawin mo... Siya at siya pa rin... Siya pa rin ang mahal ko... Hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Vlad...." Hindi niya ako magawang saktan dahil ako ang nanakit sa kaniya. Kahit anuman ang gawin ko, siya at siya pa rin ang laman ng isipan ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD