chapter eight

1756 Words
Hanggang sa pagbalik namin ng Cavite, sinikap ko na kumilos ng normal sa harap ni Vlad. Isang malaking kasinungalingan lang ang ipapakita ko sa kaniya na masaya ako sa tuwing kasama ko siya pero sa loob-loob ko, ilang punyal na ang sumasaksak sa akin. Hindi maalis sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Madame Idette Ho sa akin. Kapag hindi ko pa bibitawan si Vlad, maraming tao na ang madadamay dahil lamang sa relasyon namin. Pinipilit ko si Vlad na huwag niyang ipaalam sa ibang ang tungkol sa relasyon naming dalawa.. Ayoko lang malito ang mga tao dahil kebago-bago palang namin ay nagbreak na kami. Bakit ganoon? Kung kailan unti-unti ko nang natutunan si Vlad, saka pa dumating sa akin ang ganitong pagsubok? Wala pa nga ay ipinagkait na sa akin ang sinasabi nilang pagmamahal? Bago man ako umuwi ng bahay ay naisipan kong puntahan si tita sa Talipapa na isang sakay lang mula sa kanto ng bahay namin, may maliit siyang pwesto doon. Ang tinitinda niya ay mga gulay. Pero nadatnan ko doon ay maraming tao na pumapalibot sa naturang pwesto ni tita. Kumunot ang noo ko na dumapo ang aking paningin sa kalsada, mga kalat na gulay, ang iba doon ay mga durog na... May iba din na pinagtatapak-tapakan ng mga lalaking naka-itim na mukhang mga personal bodyguard ng isang sikat na pamilya. "Tama na! Maawa kayo! Tama na!" rinig ko ang humihikbing tili ni tita sa hindi kalayuan. Nanlaki ang mga mata ko't dinaluhan siya. Talagang nakipagsiksikan pa ako sa kumpulang mga tao na mga usisero. Hinarang ko ang sarili ko mula sa mga lalaking nananakit man sa tiyahin ko. "Ano bang kasalanan ng tiyahin ko sa inyo?! Bakit sinisira ninyo ang paninda niya?!" lakas-loob kong sabi. "Walang personalan, miss. Napag-utusan lang din kami." nakangising sabi ng isa. Napag-utusan? "Hinding hindi ako magsasawa na ipamukha sa iyo kung ano ang pamilyang Hochengco, Ms. Cabangon. Maaaring sa katigasan ng ulo mo, may madadamay ka na ibang tao. Lalo na ang tiyahin mo at ang pamilya nito. Pag-isipan mong mabuti." Natigilan ako nang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ni Madame Idette Ho noong huli namin pagkikita. Kinuyom ko ang aking kamao, kasabay ang pagkagat ko sa aking labi. Ito ba ang tinutukoy niya? Ito ba ang paraan niya para tuluyan ko nang layuan ang kaniyang anak? "Tama na siguro 'yan," wika ng lalaki sa kasama nito. "Bumalik na tayo sa mansyon." Tila walang magawa ang mga na nakausap lalaki. Tinalikuran na nila kami at dumiretso na sila sa puting van na nasa harap lang ng tindahan. Gusto man umagos ang mga luha ko ay hindi ko magawa. Dahan-dahan akong kumawala ng isang malalim na hininga. Sunod n'on ay hinarap ko si tita na ngayon ay nag-iiyak sa pagliligpit ng mga gulay na pupwede pang ibenta. Tumulong ako. "Pasensya ka na, Inez kung nakita mo ang eksenang iyon." humikhibing sabi sa akin ni tita, may halong hiya. Tahimik akong umiling. "Ayos lang po 'yon, tita." sagot ko. Ilang segundo pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tumigil kami saglit. Pinapanood ko si tita na sinagot niya ang tawag na iyon. "Oh, Berto, bakit?" natigilan siya at namutla siya. "Ano? Natanggal ka sa trabaho? Papaano nangyari iyon?!" bulalas pa niya. Maski ako ay natigilan din sa aking narinig. N-natanggal si tito sa trabaho niya? Papaano nangyari iyon eh ang tagal-tagal na niya sa naturang trabaho na iyon bilang mensahero sa isang kumpanya! Hindi nga siya magawang paalisin dahil maganda ang performance niya sa trabaho tapos sa isang iglap lang, matatanggal siya ng ganoon kadali?! "Oh sige, sige. Magkikita nalang tayo mamaya. Pag-usapan nalang natin iyan sa bahay." malamyang wika ni tita bago man niya ibaba ang tawag. Napasapo siya sa kaniyang noo saka hinilot-hilot ang kaniyang sentido. "Ano bang nangyayari sa atin? Bakit biglang nangkakaganito?" Lihim ko kinagat ang aking labi. Kasalanan ko ito, tita... Dahil sa akin, nadamay kayo... _ Pagkatapos namin magligpit ay napagpasyahan ni tita na maaga siyang magsasara ngayon dahil may importante daw silang pag-uusapan tito. Si Zora naman ay hindi na namin alam kung nasaan na siya. Kahit noong nakabalik na ako dito, nabalitaan ko nalang kay tita na hindi na raw ito nauwi kaya wala kaming ideya kung nasaan na ito natuloy ngayon. Marahil sa bahay ng isa sa mga kaibigan niya. Pero mas importante ang mga nangyayari sa ngayon. Mas mapapagtuunan ito ng pansin. Ang buong akala namin ay payapa na kaming makakauwi nang datnan namin si Aling Purita na inuutusan ang mga kalalakihan na ilabas ang mga gamit mula sa bahay! Agad namin sila nilapitan. "A-anong nangyayari?!" nahihisterikal na tanong ni tita. Tumaas ang kilay ni Aling Purita sa amin sabay buklat niya sa hawak nitong pamaypay. "Ano pa ba? Eh di pinapalayas ko na kayo!" pagtataray niya sa amin. "H-ha?! Bakit mo naman kami papalayasin eh matino naman ako nagbabayad sa iyo ng upa?" wika pa ni tita. "Ano naman ngayon kung matino ka nagbabayad ng upa?!" tiniklop niya ang kaniyang pamaypay sabay duro niya iyon sa amin. "Kulang-kulang ka kamo magbayad. Huwag kang magmataas! Akala mo kung sino ka! At isa pa, ibebenta ko din naman itong lupang tinitirikan ng bahay na ito kaya wala ka nang magagawa kung anuman ang gugustuhin ko sa bahay na ito! Siya, lumayas na kayo! Isama ninyo mga mumurahin at walang kwenta ninyong gamit!" kinuha niya ang mga damit na itutupi palang sabay hinagis niya iyon sa amin. "Mukhang-pera." matigas na bulong ni tita. "Anong sabi mo?!" "Sabi ko, mukhang pera ka na nga, bingi ka pa!" "Tita..." suway ko pa nang pagkatapos kong pulutin ang mga damit. "Gerda!" rinig kong boses ni tito. Lumingon kami sa kaniya. Kahit siya ay nagulat sa kaniyang nadatnan. "Anong nangyari?" "Mamaya ko nang ikukwento sa iyo. Kunin mo na ang mga damit mo." inis na sabi ni tita. _ Sa isang kaibigan ni tita Gerda kami tumutuloy ngayon. Ang kwento sa akin ay kababata daw niya ito noong nasa Iloilo palang sila at muli sila nagkita dito sa Cavite. Narito kami ngayon sa Naic. Malapit sa tabing-dagat ang bahay nito. "Pasensya na talaga, Inday. Wala na talaga kami mapuntahan...." nahihiyang sabi ni tita sa kaniyang kaibigan. Kasalukuyan kaming narito ngayon sa salas. "Naku, wala iyon, Gerda. Alam mo naman na parang kapatid na din ang turing ko sa iyo." nakangiting saad ng ginang na nasa harap namin. Bumaling ito sa akin. "Napakaganda naman ng dalagang ito. Anong pangalan niya, Gerda?" "Ah, iyan si Inez, pamangkin ko. Iyan ang anak ni Loreto. 'Yung kapatid kong namatay," sagot ni tita. "Ilang taon ka na ba, iha?" "Eighteen po." hindi ko siya matingnan ng diretso sa kaniyang mga mata. "Ay, kaedaran mo lang pala ang panganay kong anak na si Gelo-ay, paniguradong nasa tabing-dagat siya ngayon. Natulong siya sa tiyuhin niya na mangisda." Tipid na ngiti lang ang iginawad ko. "Oh siya, nakahanda na din ang kuwarto na gagamitin ninyo. Pwede na kayong tumuloy doon." _ Pagakatpos namin mag-ayos ng gamit, nagpaalam ako kay tita na magpapahangin muna ako sa labas. Yakap-yakap ko ang sarili ko habang naglalakad ako sa tabing-dagat. Tumigil ako't umupo sa buhangin. Sa malayo akong tumingin. Nag-iisip ako kung papaano ko ba hihiwalayan si Vlad. Kung mapupuntahan man niya ako sa bahay (noon), paniguradong wala na siyang ideya kung nasaan kami ngayon. Malayo ang Naic sa Dasma, Cavite. Siguro naman hindi abot ng radar niya ang lugar na ito. Ngayon, alam ko na kung anong kaya ng isang Idette Hochengco. Lahat kaya niyang gawin. Ni isa sa mga plano niya, hindi pwedeng lumihis. Talagang aminado siya na isa akong malaking harang sa anuman ang magiging plano niya sa kinabukasan ni Vlad. Unti-unti ko nang natatanggap na hindi talaga kami ni Vlad para sa isa't isa. Hindi ako ang babaeng nararapat o nababagay sa kaniya. Ano bang maipagmamalaki ko eh wala naman talaga? Wala akong dugong chinese na tulad sa kanila. Hindi ako galing sa isang marangyang pamilya. Hindi rin mataas ang pinag-aralan ko. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kusang bumilis ang t***k ng aking puso nang mabasa ko ang pangalan ng natawag. Si Vlad... Sinagot ko iyon. "Hello-" "Where are you, Inez?!" bakas sa boses niya ang pag-aalala sa tanong na iyon. Humigpit ang pagkahawak ko sa aking cellphone. Maybe this is about time... Pumikit ako ng mariin. "You don't need to find me, Vlad." "W-what?" naguguluhan niyang sambit. "Inez, what are you talking about?" Masakit man para sa akin ang desisyon na ito, kinakailangan. I think this is the best choice that I've ever made. "Vlad, please, from now on, you should stop calling and texting me." huminga ako ng malalim. Idinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang sunset. "Because I'm breaking up with you." "I-Inez... Is this a joke, right? Hindi pa April Fools." "I'm not kidding, Vlad. I'm serious." Saglit siya natahimik. Kahit na ganoon ay hindi ko magawang ibaba ang tawag. Damn it, mamimiss ko siya! Ngayon palang ay namimiss ko na siya! "Inez... please don't do this. You have no idea how important you are for me." his voice cracked. Dahil d'yan ay pakiramdam ko ay bumigat ang kalooban ko sa sinabi niya. May halo iyon ng pagmamakaawa. Ito ang kinakatakutan ko... "Babe, don't..." "Hindi lang naman para sa akin ito, Vlad. Para din sa iyo. So please understand.... Mga bata pa tayo. Marami pang mangyayari sa buhay natin. Ayokong dumating sa punto na magiging harang ako sa mga pangarap mo, Vlad..." hindi ko na mapigilan ang pagtangis ko. Sa baawat salita na binibitawan ko, kaakibat n'on ay bigat. "This is a goodbye, Vlad." "If this is a goodbye, unacceptable, Inez. You can't break up with me." "I'm so sorry, Vlad." para hindi na humaba pa ang usapan ay inilayo ko na ang telepono sa aking tainga saka pinatay ko na iyon. Ipinikit ko ang aking mga mata. Walang humpay ang pagtulo ng aking mga luha na marahas umaagos sa aking mga pisngi. Pinagsusuntok ko ang aking dibdib. I'm so sorry, Vlad... Breaking up with is not my choice but I don't have any other option. Ginawa ko lang iyon para kina tita. Iniisip ko din ang kapakanan mo. Hindi sa lahat ng oras ay magkasama tayo. Hindi tayo pwede. Sa oras na bibitawan na kita, babalik na ang lahat sa dati. Sa mga panahon na hindi pa kita kilala. Kahit na ganoon, maswerte pa rin ako dahil nakilala kita. You brought me a joy like no other man ever could at a time I needed it most. You brought out the best in me by simply being you, though we're too different. Your love has lifted me to the greatest heights imaginable. I never thought of falling inlove with you. Our relationship was not a mistake. I don't think I'll ever find a love as true as ours. I will never deny that I love you, Vlad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD