chapter ten

2143 Words
Nabalitaan kong pumunta ng Baguio si Naya, kasama ang magpipinsang Hochengco. Sembreak ngayon. Nalaman ko iyon nang makita ko ang mga post niya sa f*******:. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang mga litrato kung nasaan kasama si Vladimir. Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakangiti habang pinagmamasdan ko ang mukha niya. Doon ko din napagtanto na narito lang pala siya sa Pilipinas. Ang buong akala ko ay umalis siya at sa ibang bansa siya nag-aaral ngayon dahil sa kagustuhan ng kaniyang ina. Pero masaya na din ako para sa kaniya dahil nakikita ko na mukhang okay siya kahit litrato lang ang mga iyon. Alam kong magiging maayos din siya sa oras na wala na ako sa buhay niya. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may nagpop out mula sa messenger. Si Elene. Elene : Nasaan ka? Tumikhim ako at nagtipa ng isasagot ko. Ako : Nasa bahay lang ako. Hindi naman ako naalis. Week off ko din sa practice. Bakit? Then I hit send. Isinandal ko ang aking likod sa sofa habang naghihintay ng reply niya. Ilang segundo pa ay tumunog ang cellphone ko through messenger. Binuksan ko iyon. Elene : Kailan ka mag-eenroll? Sabay na tayo. :) Ngumuso ako. Sa pagkakaalam ko ay may ibinigay na din sa akin si tita ang pera pang-enroll at pambili ng mga bagong gamit daw. Depende na sa akin kung kailan na ako mag-eenroll dahil aalis sila at pupunta ng Davao dahil nakabili sila malawak na lupain doon at gagawin nilang farm. Babalik din daw sila pagkalipas ng ilang linggo. Muli ako nagtipa ng isasagot ko. Ako : Anytime, pwede na ako. Ikaw ba? Elene : Anytime din. Balita ko, nakabalik na din sina Naya galing Baguio, eh. Nag-usap na din kami na ngayong araw din siya mag-eenroll. Hapon pa daw siya pwede. Tara? Ako : Sure. Nang nasend ko iyon ay agad akong bumaling sa wall clock ng kuwarto ko. Ala una na ng hapon. Kumilos na ako. Naligo at nagbihis. Si Gelo ang bumisibita ngayon sa Mini Grocery store. Biglang sumagi sa isipan ko ang gabi na umamin siya sa akin. Tinanggihan ko siya. Buong loob kong sinabi iyon dahil ayokong maging ipokrito o gamitin man siya para maibsan ang sakit. Kahit suplado siya ay naging mabuti pa rin siya sa akin kaya ayoko siyang madamay o saktan man siya. Pero ang kapalit n'on ay iniiwasan na niya ako. Hindi ko lang sigurado kung mananatili pa rin siya dito o babalik na siya ng Naic. Kung balak ba niyang tapusin nalang niya ang pag-aaral dito o hindi. - Ang usapan namin ni Elene ay magkikita-kita nalang tayo sa University. Panay text ko na sa kaniya pero hindi naman nasagot. Ang ginawa ko para hindi masayang ang panahon ko habang narito ako ay inasikaso ko na ang mga papel na kailangan kong gawin. Dahil sa varsity player ako, inuna ko munang puntahan ang infirmary para magpacheck. Nagbigay din sila ng ilang katanungan thru interview ng mismong doktor na agad ko din sinagot. Nang naging clear na, inumpisahan ko na agad ang mag-enroll ko kahit sasamahan ko nalang ang dalawa kung makarating man sila. Nang nakababa na ako galing hagdan ay may dalawang babaeng nakatalikod sa akin. Likod palang, kilalang kilala ko na kung sino ang mga iyon. "Naya! Elene!" masayang tawag ko sa kanila. Sabay silang napalingon. Nagawa ko pang kumaway sa kanila at lumapit. "Buti nakita ko kayo! Namiss ko kayo!" sabay yakapan kaming tatlo pagkatapos ay agad din kami kumalas. Nahagip ng aking paningin ang isang lalaki na nasa likuran lang ni Naya. Si Keiran! Hindi ko mapigilan ang sarili kong kumunot ang noo. "Siya si Keiran, Inez." pakilala niya sa lalaking nasa harap namin. Damn it. In all place pa talaga, siya pa ang nakita ko! It supposed to be, nagtatago ako ngayon! s**t lang. Wala na, wala nang magagawa. Magkakaila nalang siguro ako na hindi ko siya kilala! Kungwari ay nanlaki ang mga mata ko. "Halaka! May boyfriend ka na nga talaga!" Nilahad ko ang aking palad kay Keiran, I need to be cool infront of him! Hindi niya pwedeng matunugan na ayoko siyang makita! "Hi, I'm Inez, friend ako nina Naya at Elene." Ang hindi ko inaasahan ay tinanggap niya ang kamay ko. "Nice to meet you, Inez." pormal niyang tugon. That was more unexpected! Nakisakay siya sa palabas na iyon?! Ang hindi pa namin inaasahan ay may lalaking sumulpot sa harpa namin. Mukhang hindi ito isa sa mga pinsan ng mga Hochengco. Mukha siyang western dahil sa features ng mukha niya. Lalo na't may hikaw ito sa kaniyang tainga. Nag-usap sila ng kaunti hanggang sa narinig ko mula sa bestfriend ni Keiran. "Don't cha worry, kasama din ang iba mo pang pinsan, dude. Fae and Archie will be there soon from Manila pa." Lihim ko kinagat ang aking labi. Ibig sabihin, posibleng makikita ko si Vlad ngayong araw?! Pwede bang magback out ako?! "Sama ka, Inez, ha? Para makilala mo din sila." nakangiting sabi ni Naya nang bumaling siya sa akin. "O-okay..." Damn it, bakit iyon ang naging sagot ko?! - Pilit kong itago ang tensyon na nararamdaman ko habang nasa loob kami ng sasakyan ni Keiran. Alam kong alam niya kung anong mararamdaman ko ngayon! Makikita ko ang pinsan niya na ex ko! But still, I'm thankful for Elene's itchy tongue dahil palagi niyang kinakausap dahil panay tanong niya kay Flare Hoffman, ang bestfriend nito. Lihim ko din nararamdamn ang lakas ng pintig ng aking puso dahil sa kaba. Gustuhin ko man sabihin sa kanila kahit ihatid nalang nila sa ako sa bahay pero alam kong magtatampo sa akin si Naya dahil naka-oo na ako sa kaniya! Siguro iniisip niya na para na din may social life ako kahit ayoko naman talaga dahil silang dalawa ni Elene ang itnuturing kong kaibigan! Ni ultimo mga kaklase ko ay hindi ko masyadong inaapproach, maliban kung may kinalaman sa academics. Napagtanto ko nalang na tumigil ang sasakyan sa isang parking lot. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko doon ang mga pamilyar na tao na nagkukumpulan sa isang sasakyan na mukhang naghihintay. Naroon na din ang tinatawag nilang Flare.... Lalo na si Vlad. Kani-kaniyang labas kami ni Elene habang pinagbuksan ni Keiran si Naya. Doon ay nakuha namin ang atensyon nila. Masayang dumalo sa amin ang mga ito. Nagtama ang mga tingin namin ni Vladimir. Seryoso ang kaniyang mukha at diretso siyang nakatingin sa akin. Agad kong idinapo sa semento ang aking tingin. Rinig ko ang batian nila. Parang hindi ako makahinga, kasabay na angkabuhol-buhol ang pag-iisip ko kung papaano ko haharapin ang magpipinsan. Nasaktan ko ang pinsan nilang si Vlad, alam kong galit sila sa akin. Lalo na't wala akong magandang rason para iwan ito. "Hi! Kasama namin ang mga kaibigan ko. Sina Elene at Inez pala." rinig ko mula kay Naya na dahila para umangat ang tingin ko sa kanila. "Hi, Elene! Hi, Inez!" nakangiting bati ni Fae sa amin. "I'm Fae pinsan din ni Keiran. Nice to meet you!" una siyang nakipagkamay kay Elene. Doon na din nauna ang iilang pinsan, sumunod sa kanila si Elene. Balak ko na sanang bawiin ang kamay ko pero ramdam ko na paghigpit na pagkahawak niya doon. Napatingin ako sa mukha niya. "Hindi kami galit sa iyo, Inez." para na siyang maiiyak sa lagay na iyon. Bigla ko nalang naramdaman ang pagpiga sa puso ko. Parang maiiyak na din ako nang wala sa oras pero hangga't kaya ko pa, kailangan ko munang pigilan iyon. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang nasa loob kami ng bar. Nag-umpisa na din ang inuman. Para kahit papaano may pakikisama ako sa kanila, uminom din ako kahit kaunti. I admit, mababa ang tolerance ko sa alak! Pero bakit sa tuwing nagtatama ang tingin namin ni Vlad, tumitindig ang balahibo ko? Mataimtim siyang nakatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero parang may pumipigil lang sa kaniya? "Ayan naaaa!" biglang tumili si Elene at kailangan pa talagang tumayo? Alam ko naman kung bakit. Si Flare na ang sasabak sa pagkanta. May hawak pa siyang gitara. Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa stage sa halip ay ang pulutan ang napagdiskitan ko. Sumubo ako ng dalawa hanggang sa natigilan ako kung anong kanta na kinakanta niya! "Whatever I said, whatever I did I didn't mean it I just want you back for good (Want you back, want you back, want you back for good) Whenever I'm wrong Just tell me the song and I'll sing it You'll be right and understood (Want you back, want you back, want you back for good) I want you back for good..." Habang pinapakinggan ko ang mga linya ng kanta at hindi mapigilan ang puso ko na kumalabog iyon dahil bawat salita ito ay natamaan ako. Sa sitwasyon ngayon ay hindi rin ako makatingin nang tuwid kay Vlad. Feeling ko, nasa hot seat ako nang wala sa oras! Lumunok ako saka bumaling kay Naya. "Ladies' Room lang ako," paalam ko sa kaniya. Tumango siya bilang pagpayag. Medyo taranta akong tumayo at naglakad palayo sa kinaroroonan nila. Hindi naman talaga ako didiretso sa Ladies' Room. Lumihis ako ng direksyon. Nagpasya akong lumabas muna para makalanghap ng sariwa at malamig na hangin. Aminado akong hindi ko na kaya ang presensya ni Vlad sa loob. Mas maigi na itong ginagawa ko dahil baka sa oras na hindi ko magawa ito, parang bubuhos lang ang emosyon ko. Medyo nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko at hinigit ako kung saan! Umaawang ang bibig ko nang makita ko ang likod ng lalaki na hawak ako! Napadpad kami sa may bandang likuran ng bar na ito. Tumigil kami at humarap siya sa akin. Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Gustuhin ko man umalis sa harap niya ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay wala akong sapat na lakas upang gawin ang bagay na iyon. s**t. "Inez..." namamaos niyang tawag sa akin. Bago man ako makareact ay bigla niya akong sinunggaban ng isang mahigpit na yakap. 'Yung tipong ayaw na ayaw na niya akong pakawalan. "I miss you, babe..." sabay isiniksik niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng panga at balikat ko. Bakas sa boses niya ang kalungkutan. Sa iglap lang ay parang nawala ang tama ng alak sa sistema ko. Lihim ko kinagat ang labi ko. Parang nadudurog ako lalo na't ramdam ko sa boses niya ang pangungulila. Mariin akong pumikit. Pinipilit ko ang sarili ko na huwag gantihan ang yakap. 'I miss you too, Vlad...' gusto kong sabihin ang mga katagang iyon pero pinipigilan ko lang. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay maging matatag sa harap niya at itinulak ko siya palayo mula sa akin na alam kong ikakagulat niya. "Pwede ba, Vladimir? Tapos na ang sa atin, matagal na. Kaya please lang, lumayo ka na nga!" balak ko sanang layasan na siya pero nahuli niya ang isang braso ko! Pilit kong magpumiglas pero ayaw talaga niya akong pakawalan! "No, Inez. Kahit kailan ay hindi ako sumang-ayon sa pakikipagbreak-up mo sa akin. So we're still not over at hinding hindi ko mapapayagan na mangyayari iyon." medyo malakas at matigas niyang sinabi. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko. "Bakit ba ayaw mo nalang ako pakawalan, Vlad? Para hindi na tayo mahirapan ng ganito! Kitang kita mo naman, hindi ba? Ayaw sa akin ng magulang mo... Alam nilang hindi ako nababagay para sa iyo." nanghihina kong sambit. Anytime, pwede na akong bumigay! Humakbang ulit siya palapit sa akin. Nasa mga mata pa rin niya ang lungkot. "I don't care if my family doesn't like you, Inez. They have no choice if you are my choice. Please," he gently embraced me. Hinaplos niya ang buhok ko saka dinampian niya iyon ang maliit na halik. "Please, come back to me, babe... Please... Bother me, once again..." Muli ako pumikit ng mariin. Nag-uumpisa nang manginig ang magkabilang balikat ko. Kasabay ng pagbuhos ng mga luha at mga emosyon na inipon ko buhat nang iniwan ko siya. "Bakit... Bakit ang hirap mong itulak palayo mula sa akin... Vlad?" garagal kong tanong sa kaniya. "I want to ask you, too. Bakit ang hirap mong makalimutan?" Kumalas siya ng yakap mula sa akin. Siya mismo ang nagpunas ng mga takas kong luha. "K-kailangan ko nang bumalik sa loob..." sabi ko nang hindi ko siya magawang tingnan sa kaniyang mga mata. Medyo umiikot na din ang aking paningin. "No, ipinaalam na kita kay Elene, may pupuntahan tayo." he said. Agad akong umiling. "Vlad..." "Tinawagan ko na ang tita mo, sinabi ko sa kaniya na ako na ang bahala sa iyo." "W-what...?" naniningkit na ang mga mata ko. May mga pinagsasabi pa siya pero hindi ko na masundan dahil umiiba na ang pakiramdam ko. Hindi na normal ang paningin ko. Nahihilo na yata ko. Walang sabi na bigla akong napahawak sa polo niya at idinuwal ko ang mga masamang elemento! "Oh f**k!" rinig kong bulalas ni Vlad. Kasabay na tuluyan nang nanghina ang katawan ko. My body will shut down in a few more moments! Ramdam ko lang na parang may sumalo sa akin. "Inez, Inez? Stay with me!" I can feel his care within his voice. "Goddammit, sorry iuuwi kita sa bahay ko." Hindi ko na magawang umangal dahil talagang tuluyan nang hinigop ang buo kong lakas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD