Patungo na kami ni Vlad sa Sky Hall. Doon daw kasi gaganapin ang culinary showdown. Marami na ang mga tao nang madatnan namin dito. Nagpaiwan ako sa isang tabi dahil may kailangan lang asikaso si Vlad para sa registration. Ako na din ang nagbantay ng mga kitchen untensils na gagamitin niya habang wala siya.
Sa sitwasyon ngayon. Ako pa yata ang kinakabahan para sa kaniya. Kasi mukhang maraming contestants sa iba't ibang school ang kasali. Medyo nagtataka lang ako kung bakit marami yatang ipinadalang representative ang ibang school samantalang mula sa school namin, si Vladimir lang ang ipinadala? Marami din namang HE student sa amin... Hm...
"Balita ko, kasama daw si Idette Hochengco bilang sa mga judges." rinig ko sa babaeng dumaan sa harap. Hindi man niya direkta sinasabi sa akin dahil may kasama siya, malamang ay doon niya talaga sinasabi. Sa hindi ko malaman na dahilan, ay ginapangan ako ng kaba. Sino si Idette Hochengco? Nanay ba siya ni Vlad? Tiyahin niya? Kamag-anakan?
"Naku, mukhang kasali nga dito ang isa sa mga Hochengco." dagdag pa ng kausap nito.
"Mali, dalawa ang kasali."
Dalawa? Ang pagkaalam ko ay si Vladimir lang ang kasali sa competition na ito. Bakit naging dalawa?
"Inez?"
Natigilan ako nang may tumawag sa aking pangalan. Hindi 'yon boses ni Vladimir. Lumingon ako para kumpirmahin kung sino ang tumawag sa akin. Umawang ang bibig ko nang tumambad sa akin ang isang lalaki na nasa likuran ko. Kung hindi ako nagkakamali, si Finlay Ho ito! Isa sa mga pinsan ni Vlad! Ang pinag-uusapan na ang pagiging misteryoso at suplado na pinsan niya, bukod kina Keiran at Archie!
"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan." aniya.
Matik akong napangiwi. "Hehe, narito ka rin pala..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko!
Ipinatong niya ang isang kamay niya sa kaniyang bewang. "Yeah, kasali din ako sa competition na ito." tugon niya.
Ibig sabihin, siya ang isa pang Hochengco na sasali?! Shoot, bakit nakalimutan ko na HE din ang strand na kinukuha niya? At bakit nakalimutan ko na kilala ang pamilyang ito pagdating sa pagluluto at may food business sila?! "P-papaanong..."
"Pinaasikaso din sa akin ni Vlad ang registration niya dahil may busy daw siya kaya ginawa ko." he paused for a seconds. Tumalikwas ang mga kilay niya. "It means, ikaw nga ang pinagkakabusihan niya."
"G-ganoon ba?"
"Well, see ya around. By the way, sali ka lang sa mga pinsan namin para magcheer sa amin." nilagpasan na niya ako't tahimik siyang umalis. Hinatid ko lang siya ng tingin. Napasapo ako sa aking dibidb. Ngayon alam ko na kung bakit, nalinawan na ako.
"Ganda?"
Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Vlad, pabalik na siya dito. "Tapos ka na sa registration?" tanong ko.
Tumango siya. "Chineck ko lang naman kung valid pa ako bilang contestant." then he chuckled. Inakbayan niya ako saka iginaya para pumasok na sa akin sa bulwagan. "Hmm... Magiging kalaban ko din pala si Finlay." nakangising sabi niya.
"Nakita ko nga siya nakita. Sinabi niya sa akin na siya ang nag-asikaso para makasali kayo dito." sambit ko. Tumingin siya sa akin na bigla siyang natigilan. "Oh bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Damn it, bakit nakalimutan ko pang sabihin—"
"Vladimir!"
Sabay kaming napalingon. Laglag ang panga ko nang tumabad sa amin ang isang grupo na nasa likuran lang namin. Sino ba kasing hindi matitigilan kapag nakita mo ang lahat ng magpipinsang Ho?! Paniguradong narito sila para icheer sina Vlad at Finlay!
"Oh, kasama mo pala si Inez." nakangiting sabi ni Fae sa amin nang nasa mismong harap na namin sila. "Hi, Inez! Mabuti isinama ka ni Vlad sa event na ito."
"Paniguradong magpapakitang gilas iyan si Vlad." dagdag pa ni Suther na nakangisi nang nakakaloko.
"Dapat nasa Cavite kayo, ah." may bahid na pagrereklamo na sabi ni Vlad.
"Vlad ahia, narito kami para icheer kayo ni Finlay. Can you please appreciate our presence here in a little bit?" naiiling-iling na segunda ni Fae. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Hihiramin muna namin itong jowa mo, ha? Magprepare ka na, malapit na mag-umpisa ang event. Let's go, Inez!" sabay hatak niya sa akin palayo kay Vlad.
_
Napadpad kami sa pwesto kung nasaan ang mga audience. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Mukhang naghahanda na sila, ah. Hinahanap ng mga mata ko kung nasaan si Vladimir. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ko siyang nag-aayos ng kaniyang gamit pagkatapos ay sumandal siya sa kaniyang counter.
Ilang saglit pa ay nag-umpisa na ang event. Nagsasalita ang emcee nang rinig ko ang usapan ng magpipinsan tungkol kay Idette Ho. Napag-alaman ko na mama nina Vladimir at Harris iyon. Ipinaliwanag sa akin ni Fae na adopted child si Harris, mas matanda nga lang ito ng ilang buwan kay Vlad.
Isa-isa na din ipinakilala ang mga judges. Hanggang sa nakuha ng atensyon ko si Madame Idette Hochengco na ang tinutukoy na mama ni Vladimir. Napalunok ako dahil sa kaniyang presensya. She looks intimidating kahit ang ganda niya. She even looks so strict, 'yung tipong bawal ka magkamali sa harap niya. Naalala ko tuloy 'yung mga napapanood kong mga palabas sa tv!
Nag-umpisa na ang cooking competition. Hindi maalis ang tingin ko kay Vlad. Ang theme kasi ay Curry. Hindi ko mapigilang mamangha nang makita ko kung papano kumilos si Vlad pagdating sa kusina. Ang bilis niyang hiniwa ang mga sangkap na gagamitin niya. Pinapakinggan ko din ang mga side comments ng mga pinsan niya. Ina-analyze nila ang ginawa nina Vlad at Finlay. Japanese cuisine ang ginagawa ni Vlad habang si Finlay daw ay Chinese.
"Kapag ang usapan ay curry, hindi lang dapat ang lasa ang ipapakita, pati ang aroma." rinig kong kumento ni Archie habang nakahalukipkip.
"Depende sa spices din ang gagamitin." segunda pa ni Suther na katabi lang ni Keiran.
Lihim ko kinagat ang aking labi. Walang sabi na bigla akong tumayo na alam kong ikakagulat ng magpipinsan. Huminga ako ng malalim. Inilapat ko ang aking mga palad sa magbila kong pisngi. "BOYFRIEND KO IYAAAAAN!" malakas kong isinigaw iyon.
Ilang segundo pa ay narealize ko kung anong ginawa ko. Lumingon ako sa magpipinsnag Ho na ngayon ay tulala sa akin. Napalunok ako't mabilis na umupo. Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa kahihiyan! Kainis, saan ko ba nakuha ang mga ganoon?!
Hiyang hiya akong tumingin sa direksyon ni Vlad na ngayon ay nakakagat ang labi na paang pinipigilan niya ang ngiti. Pero mas pumukaw ng mga mata ko ang isang pares na mga mata na nakatingin sa direksyon ko. Ninagas ako sa kinauupuan ko nang makita ko na nakatingin pala sa akin ang mismong nanay ni Vlad! Nababasa ko doon ang lamig at nakakaba sa kaniyang mga mata.
Hindi ko magawang tumitig pa sa kaniya nang matagal kaya ako na mismo ang bumawi ng tingin na iyon. Mas nahihiya ako sa inakto ko, lalo na't naririto sa lugar na ito ang nanay ni Vlad! Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko sa oras na makaharap ko man talaga siya!
_
Sa huli ay naging champion si Vladimir habang pumapangalawa naman sa kaniya si Finlay. Masaya ako para sa inabot ni Vlad! Parang noong nakaraan lang, nasabi niya sa akin kung ano talaga ang pangarap niya. Kung ano talaga ang gusto niyang mangyari. Nakikita ko sa kaniya ang passion at determinasyon niya sa pagluluto
Pagtapos ng awarding ay kumukuha pa ng litrato. Meron ding selfie at groufie. Panay congrats ko din sa kaniya.
"Vladimir,"
Tumigil kami nang may tumawag sa kaniya mula sa likuran namin. Lumingon kami. Muli ako ginapangan ng kaba nang tumambad sa amin ang mismong nanay ni Vladimir!
"Mama," may bahid na hindi makapaniwalang tawag ni Vlad sa kaniyang ina.
"First of all, I want to congratulate you, and also to you, Finlay." sabay baling niya kay Finlay na nasa isang tabi lang.
"Thank you, tita."
Ibinalik niya ang tingin niya sa amin. "I want to invite you for a dinner as the celebration. Can we?"
"Sige po." si Vlad ang sumagot. "Pwede naman sigurong makasama si Inez, by the way, she is my girlfriend."
"N-nice to meet you po!"
"Likewise."
_
Sa Tsay Cheng Chinese Restaurant pinili nilang kumain. Nasabi sa akin ni Fae na isa sa mga sikat na dining itong Restaurant na ito sa Cebu lalo na't pagdating daw sa Chinese Cuisine.
Feast bowl specials ang inorder nila. Hindi ko magawang tumingin nang diretso kay Madame Idette dahil ramdam ko pa rin ang intimidate niyang awra. Pakiramdam ko, walang sinuman ang magtatakang lumapit sa kaniya. I can sense she's dominant. Kulang nalang ay gusto ko nang tumakbo palayo pero hindi naman magawang kumilos ang aking mga paa para gawin iyon. She looks like Ancient Chinese Empress!
"So, she's your girlfriend, Vlad?" biglang tanong ni Madame Idette kay Vlad. Medyo naalarma ako doon.
"Yes, mama." sagot niya.
Bumaling sa akin si Madame Idette. "Tell me, iha... Anong trabaho ng mga magulang mo?" isang ngiti ang iginawad niya sa akin.
"A-ah... P-patay na po ang mga magulang ko." nauutal kong tugon. "Ang tita ko po ang... Nagpapaaral po sa akin ngayon..."
"Oh, I see..." may sasabihin pa sana siya nang biglang dumating ang waiter, hudyat na pwede nang kumain. Isa-isa niyang inilapag ang mga chinese rice bowls sa mesa pati na din ang mga chopsticks na gagamitin. Saved by the bell!
Pero hindi pa ako agad makakain dahil inoobserbahan ko pa ang mga kasama ko. Lahat sila, marunong gumamit ng chopsticks, maliban sa akin. Hindi ako marunong... At ni minsan ay hindi ako nagtatangka na gumamit ng mga ito dahil ito ang first time ko na makapasok sa isang Chinese Restaurant. I feels like, I wasn't belong here.
"Waiter!" rinig ko ang boses ni Vlad. Napatingin ako sa kaniya, nakaangat ang isang kamay niya. Lumapit ang waiter sa kaniya. "We need two spoons and two forks."
Gulat akong tumingin sa kaniya. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong naiiyak na ewan. Kasabay na paninikip ng aking dibdib.
Ilang saglit pa ay dumating ang waiter. Dala na niya ang pinapakuha ni Vlad. Kita ko kung papaano niyang inilapag ang hawak niyang chopsticks at bumaling sa akin. "Kain na tayo, ganda." sabi niya sabay kindat sa akin. Mas ginamit niya ang kutsara't tinidor...
Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam ako na pupunta muna ako ng Ladies' Room. Pinayagan naman ako ni Vlad sasamahan niya sana ako't maghihintay daw siya sa labas pero agad akong tumanggi. Wala na rin siya magawa sa desisyon kong iyon.
Itinulak ko ang pinto hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob nang may naramdam akong nasa likuran ko. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa akin si Madame Idette, with her intimidating looks!
"M-Madame..."
Tahimik siyang lumapit sa sink. Binuksan niya ang gripo at naghugas ng kamay. Pinapanood ko lang siya sa kaniyang ginagawa. "Ms. Cabangon," malamig niyang tawag sa akin. Naalarma ako. Tiningnan niya ako sa pamamagitan ng repleksyon ng salamin. "I heard everything about you. You're a varsity player and Vladimir's girlfriend."
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan.
"Frankly speaking..." pinatay niya ang gripo. Itinutok niya ang mga kamay niya sa dryer saglit at humarap sa akin. "I don't want you for my son."
Parang nabingi ako sa sinabi niya, kasabay n'on ang papiga sa aking puso. "M-Madame..." ang tanging lumabas sa aking bibig.
"Ayoko nang dahil sa iyo, mahaharang at masisira ang mga plano ko para kay Vladimir. Kung makikita mo kanina, hindi iyon ang unang beses na sumabak siya sa isang culinary contest. He's a back-to-back champion and he will take Gastronomy as soon as he will enter college. Ipapadala ko din siya sa ibang bansa para mag-aral ng kurso na iyon." seryoso niyang sabi. "Can you see what's the difference between two of you? Malaking pinagkaiba ang mundo mo sa mundo niya. I really hate that because of you, he will loose his track especially his reputation. Tulad ni Vladimir, all of his cousins are heirs and heiress. Malaki ang inaasahan ng pamilya na ito sa henerasyon nila."
Lumunok ako't yumuko. Mas pinipiga ang puso ko. Parang hindi ako makahinga.
I heard her footsteps. "Now, step aside, Ms. Cabangon. If I were you, stay away or maybe, I should pay some para hindi ka na tuluyan makipagkita sa kaniya." lalagpasan na niya sana ako nang doon an ako nagkaroon ng pagkakataon na magsalita.
Kinuyom ko ang aking mga kamao. "P-papaano po kung... Hindi ko siya magawang... bitawan?" basag ang boses ko.
"Hinding hindi ako magsasawa na ipamukha sa iyo kung ano ang pamilyang Hochengco, Ms. Cabangon. Maaaring sa katigasan ng ulo mo, may madadamay ka na ibang tao. Lalo na ang tiyahin mo at ang pamilya nito. Pag-isipan mong mabuti." tuluyan na niya akong nilagpasan. Tanging narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Lihim ko kinagat ang aking labi. Doon na pumatak ang luha ko sa sahig. Pinaghalong kaba, takot at sakit ang naramdaman ko ng mga oras na iyon.