Kinaumagahan din iyon ay nagising ako nang may naririnig ako. Bumangon ako't sinundan ko ng tingin ng pinanggagalingan ng tunog na narinig ko. Umalis ako sa kama at dumiretso sa lounge. Nadatnan ko doon si Vlad na parang may inaayos siya. Kahit na pumupungas-pungas pa ako ay mas umaandar ang kuryusidad sa akin.
"Ano 'yan?" namamaos kong tanong saka humikab.
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at bumaling sa akin. Dinaluhan niya ako. "Oh, gising na pala ang reyna ko. Good morning." bati niya sa akin sabay binigyan niya ako ng halik sa sentido. "Nagpeprepare ako ng makakain mo sa seminar. Ngayong araw na 'yon, diba?"
Nang mabanggit niya ang magic word na seminar, parang nawala na parang bula ang antok ko. Napasinghap ako't nagmamadali akong pumasok sa banyo para maligo. Hindi ako pwedeng malate doon!
Ilang minuto din nakalipas ay lalabas na sana ako ng banyo nang may nakalimutan ako. Oh sheez! Nakalimutan kong magdala ng tuwalya! Napalunok ako at bumuga ng malalim na hininga. Marahan kong binuksan ang pinto pero nanatili akong nasa likod nito. "Vlaaaaaad?!" sadyang nilakasan ko ang boses ko para marinig niya ako kung nasa lounge siya ngayon.
"Yes, ganda?"
"Ano kasi... Pwede bang abutan mo ako ng tuwalya? Nakalimutan ko kasi..."
"Right away, ganda." tugon niya at tumahimik saglit. Wala pang trenta minutos ay may sumulpot na tuwalya. Agad kong kinuha iyon saka itinapis ko na iyon sa aking katawan.
Palabas na ako ng banyo nang tumambad sa akin ang mga damit na susuotin ko na nasa kama. Lumaglag ang panga ko. Wala akong natatandaan na naghanda ako ng damit dahil inuna ko pang magmadaling pumasok sa banyo...
"Inihanda ko na din ang susuotin mo habang naliligo ka, ganda." aniya.
Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang sabihin niya iyon. Ramdam ko din ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Mabilis ko siyang tiningnan. "Ibig sabihin... Nakita mo?"
"Ha? Ang alin?" nagtataka niyang tanong.
Lihim ko kinagat ang aking labi. Walang sabi na tinulak-tulak ko siya hanggang sa tuluyan na siyang nasa labas ng bedroom. Padabog kong isinara ang pinto at sumandal muna doon. Tinapik-tapik ko ang aking magkabilang pisngi. Nagbabakasakaling panaginip lang ito. Oh sheez, hindi pa rin matigil sa pag-iinit ng magkabilang pisngi ko!
Dinaluhan ko ang kama at sinilip iyon. Daig pa na lumaglag ang panga ko sa sahig nang makumpirma ko nga ang iniisip ko... Nakita niya ang panty ko!
Pumikit ako ng mariin sabay ng pagkuyom ng aking mga kamao. Bwesit na Vladimir Hochengco ka, sa dinami-dami na pwede kong makita, bakit iyon pa?! Umiling-iling ako para mabura sa isipan ko ang eksenang ito. Sinikap kong makapagbihis ng mabilis at makapag-ayos bago man ako makarating sa venue kung nasaan gaganapin ang Seminar.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako. Nadatnan ko si Vlad na kanina pa yata naghihintay na matapos ako. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Done?"
Tahimik akong tumango. Inilapat ko ang mga labi ko para itago ang hiya na aking nararamdaman. Sabay na kaming lumabas ng hotel room at dadaluhan naman ang parking lot. Medyo natataka ako kung bakit doon kami pupunta, hindi man lang sa mismong labas. Hindi ba siya nakakuha ng grab taxi?
Hanggang sa nasa harap na kami ng isang Audi Covertible car. Nagtataka akong bumaling kay Vlad. "Sa iyo ito?" tanong ko.
Siya naman ang pag-iling niya. "Nope. Pinahiram lang sa akin ito ni Archie. May bahay din kasi sila dito sa Cebu." paliwanag niya.
Tumango lang ako't pinagbuksan niya ako ng pinto. Talagang inaalalayan pa niya akong pumasok. Hindi na ako nagreklamo pa.
_
"Text me of you're done, ganda." nakangiting paalala sa akin ni Vlad nang nakarating na kami sa venue ng seminar. Sa isang unibersidad pala siya gaganapin. "Nakuha ko na number mo, nasa iyo na din ang numero ko. Mas mabilis ang pagcontact ko sa iyo." inabot niya ang bag ko.
"Okay po. Eh ikaw? Anong gagawin mo habang nasa seminar ako?"
"Babalik ako ng hotel. Nagsestay ako doon. Pag-aaralan ko 'yung dish na lulutuin ko para bukas." sabi niya.
Ako naman ang napangiti. "Sige. Mag-iingat ka sa pagmamaneho." sabi ko.
"Sure thing, ganda. And please, huwag kang tumingin sa ibang lalaki. Ako lang dapat."
"Seloso." kumento ko pa.
"Sa iyo lang naman ako ganito." talagang kumindat pa ang kumag.
"Siya, papasok na ako. Ingat ulit. I love you!" sabi ko saka humakbang na ako papasok sa Unibersidad kna tinutukoy ng directress.
Maraming estudyante din pala ang aattend sa seminar na ito. May nakikita din ako na mayroong mga estudyante na galing din sa Luzon. Meron din galing ibang parte ng Visayas at Mindanao. Nakakamangha naman. Ibig sabihin, malaking event nga siguro ito.
Para hindi ako maligaw, sadyang nagtanong pa ako sa guard ng unibersidad na ito. Mabuti na lang approachable ang mga ito kaya madaling mahanap ang University Hall. May iilang estudyante din na nasa mismong entrahada ng Hall. May mga estudyante na may ipinapakita silang ticket sa mga organizers siguro. Sinunod ko ang ginawa nila. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang naturang ticket na ipapakita. Phew, mabuti nalang hindi nawala! Agad ko nilabas ang ticket at ipinakita din.
Tagumpay akong nakapasok sa loob. Malawak ang bulwagan na ito. Medyo maraming estudyante na din ang mga narito. Sunod kong gagawin ay maghahanap ako ng mauupuan. Naghahanap ako ng bakanteng upuan. May namataan akong mga bakanteng upuan sa isang mesa. Nagtataka lang ako kung bakit isang babae lang ang nakaupo doon?
Hindi ako nag-atubiling lapitan siya. "Urm, excuse me, this seat is taken?" I politely asked.
Tumingala siya sa akin at ngumiti. "Bakante ang mga upuan na iyan. Pwede ka umupo d'yan." sagot niya.
Ngumiti ako pabalik. Umupo ako saka inayos ko ang aking bag. Sakto lang din dahil hindi pa nag-uumpisa ang program. Pero natigilan ako nang maramdaman ko ang isang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. Nagtataka akong tumingin sa babaeng nasa tabi ko. Isang hilaw na ngiti ang iginawad ako. "M-may problema ba?"
Agad siyang umiling. "Ang ganda mo pala, ate. Parang may pagkawestern din ang ilang features ng mukha mo. May lahi ka, ano?"
Ngumiti ulit ako. "'Yung mama ko, amerikana. Ang papa ko, purong pinoy." tugon ko.
"Wow! Kaya pala! At saka ang tangkad mo pa. Paniguradong may sports kang sinasalihan. O kaya model ka."
"Naglalaro ako ng volleyball."
"Wow. Parang kang anghel sa paningin ko ate. Siya nga pala, pangalan ko pala Darleen. Galing pa akong Laguna. Ikaw?" sabay lahad niya ng kaniyang palad sa akin.
Tinanggap ko iyon. "Inez nalang itawag mo sa akin."
Pagkatapos namin magpakilala sa isa't isa ay nag-umpisa na din ang seminar. Nakikinig kami sa mga sinasabi ng mga proctor na nasa harap. Isang oras din iyon. Pagkatapos n'on ay may mga pinapasagot sila sa aming mga papel. Tahimik lang kami nasagot ni Darleen. Ang bilin kasi sa amin ng mga proctor, kailangan, faithful ang pagkasagot namin para hindi rin sila magkakamali sa pag-eevaluate ng mga ito kung sakali.
Sumapit na ng lunch. Si Darleen na ang kasa-kasama ko. Hindi ko aakalain na madaldal siya. Madali din siya mapalagayan ng loob.
"Saglit lang, Inez, ha? Sasagutin ko lang itong tawag ng pinsan ko." sabi niya sa akin nang nakaupo na kami sa isa sa mga bench.
"Sige lang, maghihintay lang ako." malumanay kong sabi.
Pinindot niya ang kaniyang telepono saka idinikit niya iyon sa kaniyang tainga. "Oh, bakit, Pasha? Ha? Inaaway ka na naman ba?" kita ko ang pagkawala niya ng isang malalim na buntong-hininga. "Huwag mo nalang pansinin ang mga bruhilda na iyan! Kapag gumanda ka, who you ang mga babae at mga lalaking nang-aasar sa iyo. Makikita mo."
Hindi ko mapigilang mapangiti nang marinig ko mula sa kaniya ang pagiging maalalahin niya para sa kaniyang pinsan.
"Oh siya, ako'y kakain na. Kumain ka na din d'yan. Usap nalang tayo kapag nakauwi na ako d'yan sa Laguna." saka binaba na niya ang tawag. Bumaling siya sa akin. "Pasensya na. Nag-iiyak na naman ang pinsan ko, eh."
"Ano pala ang problema?" hindi ko mapigilang itanong iyon.
Biglang lumungkot ang mukha niya. "Biktima kasi siya ng bully. Inaasar nila ang pinsan ko na tadtad ng mga tigyawat na dahil para bumaba ang self-esteem ni Pasha."
"Natural lang naman sa mga teenagers ang ganoon. Na magkaroon ng mga acne. Kapag nagmatured na ang hormones natin, mawawala na iyan." kumento ko pa.
"Anyway, may isang feature sa mukha mo na gustong-gusto ko." pag-iiba niya ang usap.
"H-ha? Ano naman 'yon?"
"'Yung freckles mo." lumapad ang ngiti niya. "Alam mo bang ang eleganteng tingnan kapag may freckles ka sa mukha lalo na kapag natural? Feeling mo French ka. Hahahaha!"
"Pasaway," naiiling kong sabi.
_
Pagkatapos namin maglunch ay bumalik na kami sa bulwagan. Bumalik na kami sa mga upuan namin. Nag-iwan na din ako ng mensahe kay Vlad na matatapos na ang seminar in just two hours. Sana nga ay matanggap niya ang mensahe ko na iyon.
Hindi naman ako inaantok habang nakikinig sa huling seminar. Pero napapansin ko itong si Darleen, namumungay na ang mga mata. Paniguradong inaantok na ito. Hindi ko rin naman siya masisisi. May ibang proctor o speaker na nakakantok talagang magsalita. Pero sa sitwasyon kong ito, baka kailangan kong gumawa ng report mula sa event na ito kaya wala akong dapat palagpasin. Ayoko namang magsusulat ako sa reflection paper ko na gawa-gawa lang.
"Sa wakas, natapos din!" bulalas niya at talagang inangat niya ang magkbilang kamay niya nang matapos na ang seminar. "Grabe pigil ko sa antok ko, ah."
Ngumiti lang ako. Sabay kaming naglalakad sa corridor para makalabas na ang building nang may naririnig kami mula sa grupo ng mga kababaihan na nasa likuran lang namin.
"Ang hot ng guy na iyon! Talagang naghihintay siya sa labas ng building na ito!"
"Oo nga, kita ko nga kanina nang sumilip ako. Girlfriend kaya niya ang hinihintay niya?"
"Ako ang girlfriend, buang!"
Bakit parang kilala ko ang lalaking pinag-uusapan nila? May sariling pag-iisip ang mga paa ko. Mas binilisan ko pa ang maglalakad ko hanggang nasa labas na ako ng building na ito. May mga babaeng nasa paligid. Parang kilig na kilig sa kanilang nakikita.
Tama nga ang hinala ko. Prente siyang nakasandal siya sasakyan. Makikitang may hinihintay siya. Nagtama ang mga mata namin. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. Ang akala ko lang lalapitan na siya pero hindi, may kinuha pa siya sa sasakyan hanggang sa tuluyan na siyang nsa tapat ko. Rinig ko pa ang iilang bulungan. Rinig ko din ang tili ni Darleen.
"Narito na ako, ganda. Susunduin na kita." inabot niya sa akin ang bouquet na kinuha niya mual sa loob ng sasakyan na dala niya. "Para sa maganda kong reyna."
Tinanggap ko iyon. Kasabay na hinalikan niya ang sentido ko. "Nakakahiya naman, Vlad..." bulong ko.
"Proud ako na ikaw ang girlfriend ko, ganda." mas lumapad ang ngiti niya. "Uwi na tayo? O may gusto ka pang puntahan?"
"Uuwi na..."
Ramdam ko nalang ang pagpulupot ng isang braso niya sa aking bewang. Tumingin siya kay Darleen. "Thank you for taking care of my queen, miss."
"No problem, koya! Inez! Nagpalitan na tayo ng number! Keep in touch! Magtatayo na ako ng fan club pag-uwi ko ng Laguna!"
Natawa nalang ako sa sinabi niya.