chapter five

1649 Words
Sakto lunch na nang nakarating na kami sa Mactan. Sa Movenpick Hotel pala kami magsestay ni Vladimir. Kung hindi ako nagkakamali, mamahalin ang hotel na ito, lalo na't five star hotel ang isang ito! Minsan napapaisip ako, hindi ba nanghihinayang ang isang ito na gumastos ng malaki para sa pagsestay? Pwede naman sa mga affordable at low-class nalang kami tutuloy. Pero manghang-mangha talaga ako nang pumasok kami sa lobby. Hindi lang mga pinoy ang nakikita ko dito. May mga foreigner din. Siguro mga bakasyonista ang mga ito. Sikat din kasi ang Cebu pagdating sa mga tourist spots and beaches. "Dito ka muna, kukunin ko lang ang susi ng kuwarto na pinareserved ko, ganda." masuyong sabi ni Vladimir nang iginiya niya ako sa sofa dito sa lobby. "Babalik din ako agad, hm?" Matik akong tumango at umupo. Hinatid ko lang siya ng tingin habang papunta siya sa reception. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtitingin ko sa loob na ito. Ganito pala ang loob ng mga pangmayaman na hotel. Ganito pala ang pakiramdam. Kasi madalas ko lang nakikita ito sa mga magazines at napapanood sa telebisyon, minsan sa internet pa. "I'm back," rinig kong boses niya. Agad akong tumingala sa kaniya sabay tayo. "Okay na, ganda. Para makapagpahinga at makakain na tayo." Ngumiti ako. "Sige," tugon ko. Kukunin ko na sana ang back pack ko nang bigla niyang inagaw niya iyon sa akin. "Ako na magbubuhat nito, ganda. Bawal kang mahirapan nang sobra." "Bag lang naman 'yan, Vlad. Atsaka, hindi naman mabigat—" "Hm, girlfriend na kita, Inez. Huwag ka na magkipagtalo sa akin. Let me, okay?" sabay halik niya sa aking buhok. Biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko sa ginawa niya! Talagang pinagdiinan niya ang salitang 'girlfriend!' Pero bakit parang wala akong nararamdaman na pagkailang sa boses at mga kilos niya para sa akin? Parang nasiyahan pa siya nang sobra sa mga ipinapakita niya para sa akin? Habang tinutungo namin ang kuwarto na ipinareserved niya, talagang nakahawak pa siya sa bewang ko! Binalewala ko nalang para hindi na magtalo pa. Pero ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi ko man lang magawang umangal sa mga pinanggagawa niya? Don't tell me, malandi ka na din, Inez?! "And here we are," he announced once we step in the executive room na kinuha niya. Siya din ang nagbukas ng pinto. Humakbang kami papasok doon. Umawang ang bibig ko nang makita ko ang loob ng kuwartong ito. Air-conditioned, may balkonahe, may lounge, may mini bar, lalo na't iisang kama lang ang narito! King size pa! "Iisang kuwarto lang...?" nanghihinang sabi ko habang nakatitig sa kama. "Yep, don't worry, doon ako sa lounge matutulog para maging komportable ka." sabay turo niiya sa sinasabing lounge. Ngumiwi ako. Kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Aasahan ko talaga na hindi ko siya makakatabi mamayang gabi o sa pagtulog! "Magpapahatid ako ng lunch. Magsashower ka ba muna?" tanong niya saka kinuha niya ang remote at binuhay niya ang flat-screen tv. "Mamaya na siguro. Pagkatapos kong kumain." sagot ko habang nakahilata ako sa ibabaw ng kama. Bumangon din ako agad at bumaling sa kaniya. "Ang mahal naman ng kuwarto na kinuha mo, Vlad. Baka maubos pera mo niyan." Tumingin siya sa akin na nakangiti. "Ganda, kapag ikaw ang kasama ko, ayokong nang basta-basta ang kukunin ko. I'll always choose what's the best for you. Don't mind the money, alright?" masuyo niyang sabi saka mabilis niyang hinalikan ang sentido ko. Lihim ko kinagat ang aking labi. Ramdam ko na pagbilis ng t***k ng aking puso sa kaniyang ginawa! Nakakaloka ka talaga, Vladimir Ho! - Na-orient naman ako na bukas magaganap ang seminar na pupuntahan ko. Napapaisip ako kung anong gagawin sa seminar na iyon maliban sa pakikinig o anuman. Kakatapos ko lang din maligo at magbihis nang pumunta sa lounge nang pansin ko si Vladimir na abala sa hawak niyang iPad. Nang silipin ko kung anong tinitingnan niya, puros pagkain. Siguro dahil sa paghahanda niya para sa kompetisyon na sasalihan niya. Lihim ako napangiti. Mukhang gusto niya maging professional chef balang araw. "May alam ka na kung anong lulutuin mo?" tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. "Hm, wala pa, actually." tugon niya. "Padating na ang pagkain. Wait lang natin." "Sa makawala na 'yung competition, ah. Hindi ka ba kinakabahan?" sunod kong tanong nang nakaupo na ako sa tabi niya. "Kinakabahan. Hindi ba halata?" nakangising tanong niya sabay turo sa kaniyang sarili. Napangiwi ako. "Oo, hindi halata. Parang kalmado ka nga lang, eh." Binawi niya ang kaniyang tingin. Inilapat niya iyon sa hawak niyang laptop. "Itinuro kasi sa akin na huwag mataranta lalo na kapag may paparating na kompetisyon. Siguro dahil puros mga professional chef ang nasa pamilya namin. Especially my father." Nagpangalumbaba ako. "Anong specialty cuisine mo?" "Asian, pero may alam din naman ako sa European and Mediterranean food." ngumisi nang nakakaloko at muling tumingin sa akin. "It seems my girlfriend was curious about me, hm?" Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan siya. "Ewan ko sa iyo." natigilan ako nang may sumagi sa aking isipan. "Teka, ibig sabihin, may sarili kayong restaurant kung ganoon?" Tumango siya. "Yeah. Kahit noong nasa Hong Kong palang kami, hindi ko matalo si baba sa pagluluto. Kaya ang strand na ito ang first step ko hanggang sa makapagtapos ako ng kursong gastronomy." Ngumiti na din ako. "Sana nga maabot mo ang pangarap mong iyan, Vlad." "Eh ikaw ba? Ano bang plano mo sa future?" Ngumuso ako. "Balak kong kumuha ng education sa college. Iyon lang. Wala naman akong ideya kung saan ako magtuturo kung sakali, eh." Magsasalita pa sana siya nang biglang may narinig kaming tunog mula sa labas ng silid na ito. Napag-alaman namin na dumating na ang pagkain na ipinadeliver ni Vlad. Haayy, sa wakas, makakain na kami. Gutom na gutom na akooo. Pero hindi ko akalain na madaming pagkain ang nasa cart. "Ang dami, Vlad! Baka hindi natin maubos ito!" reklamo ko sa kaniya nang mag-uumpisa na kaming kumain. "Ayos lang 'yan." nakangising sabi niya. "Kailangan busugin ang reyna ko." Ngumuso ako. "Ikaw bahala." - Pagkatapos namin kumain bigla naman nag-aya itong kasama na mamasyal daw muna kami. Pinaunlakan ko nalang. From Mactan Island, we take a grab. Napadpad kami sa Cebu City. May gusto daw siyang ipakita doon. Kahit wala akong ideya kung anong ang ipapakita niya, go lang ako. Malaki ang paniniwala ko na safe ako kapag siya ang kasama ko. Until we reached the entrance of a temple. Sa hitsura palang nito ay makikita ang chinese architecture nito. May mga tao din sa paligid. May mga turista din pero karamihan sa kanila mga chinese at mga koreano! "Finally, we reached the Taoist Temple." he said. Bumaling siya sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Pansin mo bakit may mga koreano din dito, ganda?" "Bakit nga ba?" "Because we share the same faith." marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Ipapakilala ko sa iyo ang kultura na kinalakihan ko, namin ng mga pinsan ko." Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniya. Dumaan kami sa tulay pero sinabi sa akin ni Vlad na ito ang mini version ng Great Wall of China. Medyo mahaba pala ang lalakarin namin! Tapos umakyat kami sa mataas na hagdan. 99 steps! Eh di umakyat kami. Nakaattend din kami ng isang ritwal. Una namin ginawa ay naghugas kami ng mga kamay at hinubad namin ang mga sapatos namin bago pumasok sa isang templo. "Nakikita mo ang dalawang wooden block na iyan?" tanong niya sabay turo sa dalawang bagay na hindi kalayuan sa amin. Tumango ako bilang sagot. "Magdadasal ka muna bago mo kunin ang dalawang wooden block na iyan. One pray equivalent to one's wish. Then drop those wooden block. If the wooden block are both face up, matutupad ang hiling mo. Pero kung hindi, hindi pa oras para matupad kung anuman ang hihilingin mo." paliwanag niya. "Ikaw muna ang humiling, ganda." "S-sige," humakbang ako saka ipinagdikit ko ang mga palad ko't yumuko. Mataimtim akong nagdasal. Sana makapagtapos ako ng pag-aaral. Iyon lang. Dumilat na ako't inabot na sa akin ng isa sa mga nangangalaga ng templo na ito ang dalawang wooden blocks. Tulad ng instruction sa akin ni Vlad, I dropped the two wooden blocks. Medyo nanlaki ang mga mata ko na parehong nakaface up ang dalawang kahoy. Ibig sabihin, matutupad ang hiling ko! Malapad ang ngiti ko nang bumaling ako kay Vlad. Nakangiti siya pabalik sa akin na ibig sabihin ay masaya siya para sa akin. Siya naman ang sunod na hihiling. Pinapanood ko lang siya kung papaano siya nagdasala hanggang sa naihagis na niya ang dalawang wooden block. Tulad ko ay matutupad din ang hiling niya! Paglabas namin ng templo ay nagkukwentuhan na kami tungkol sa mg tradisyon at kultura na meron sila. Iniiwasan namin ang topic namin tungkol sa kung ano ang hiniling namin baka kasi hindi matupad, ma-jinx pa nang wala sa oras. Kumukuha din kami ng litrato habang na naglalakad. Medyo mahiyain pa man din ako sa harap ng kamera kaya pilit na ngiti lang ang ginagawa ko. "Kumain na nga lang tayo!" sabi ko sa kaniya. Umandar na naman ang pagiging makulit ng lalaking ito! Inakbayan niya ako nang may makakasalubong kaming matandang lalaki, sa hitsura niya parang chinese din. Napatigil kami sa paglalakad nang nakatitig siya sa amin tapos nakangiti. "Kayo ba ay mag-nobyo at mag-nobya?" malumanay niyang tanong sa amin. "Opo," si Vlad ang sumagot. "Bakit po?" Umiling siya. "Wala naman, nakikita ko lang na maraming pagsubok na dadating sa inyong relasyon. Lalo ka na, iha... Mag-iingat ka palagi." Natigilan kaming pareho. A-anong... "Pero alam ko naman na malalagpasan ninyo 'yon. Pareho kayong malakas." saka nilagpasan na niya kami. Lumingon kami at sinundan lang namin siya ng tingin. Nagkatama ang mga tingin namin ni Vladimir. "Baka isa siya sa mga monghe dito sa templo." sabi ni Vlad. "Kaya niya nasasabi ang mga bagay na iyon." "H-ha?" Tumango siya. "Pwede rin kami manghula ang mga monghe. Gawin na lang nating guide 'yung mga pangitain niya." ngumiti siya. "Mas dodoblehin ko ang pagbabantay ko sa iyo, ganda. Mabuti nalang pala talaga sinabi sa atin ng monghe na iyon ang mga dapat gawin." Ngumiti ako at sumang-ayon. Hanggang sa umalis na kami sa Taoist Temple. Nagpahatid kami sa grab sa restuarant kung saan kami kakain ng meryenda o ng dinner. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD