"I can wait here," wika niya nang nasa tapat na kami ng silid kung nasaan si Zora. "Sumigaw ka lang ng malakas para malaman ko kapag may hindi magandang nangyari sa iyo."
Tahimik akong tumango. Kumawala ako ng isang malalim ba buntong-hininga bago ko ipinasok ang spare key sa doorknob saka pinihit iyon. Dahan-dahan ko itinulak ang pinto. Maingat akong pumasok saka iginala ang aking paningin sa paligid. Kusang kumunot ang noo ko nang makita ko na walang tao sa kuwarto. Nasaan sila?
"Sandali! Nakikiliti ako!" rinig kong tili ng isang babae. Agad kong sinundan ng tingin kung saan iyon nanggagaling. May nakita pa akong pinto. Malamang, banyo iyon. Dinaluhan ko iyon at lumunok bago ko man tuluyan binisan ang pinto.
Natigilan ako nang masaksihan ang hindi karapat-dapat! Parehong walang saplot ang dalawang tao sa harap ko! Ang nasa ilalim sila ng shower at nakapikit si Zora habang pinaghahalikan siya ng gurang na ito ang kaniyang katawan! Gustuhin ko man tumili ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko dahil ngayon ko lang nakita ang ganitong eksena!
Rinig ko ang pagsinghap ng aking pinsan. "INEZ?!" malakas siyang tawag sa akin na hindi makapaniwala.
Doon nagwala ang sistema ko. Umatras ako pero nawalan ako ng balanse kaya bumagsak ako sa sahig.
"Anong ginagawa mo dito?!" bakas sa boses niya ang galit nang nasa labas na sila ng lalaking kasama niya, pareho na silang nakatapis.
"Inez!" rinig kong boses ni Vlad na paniguradong nakapasok na din siya dito sa silid. Ramdam ko nalang ang kaniyang mga kamay na inaalalayan niya akong tumayo. Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa pinsan ko. Parang nanigas kasi ako.
"Tinatanong kita, anong ginagawa mo dito?! Papaano mong nalaman na narito ako?!" singhal niya sa akin sabay hinigit niya ang isang braso ko. "Istorbo ka, alam mo ba 'yon?! Gaga ka!" sabay inangat niya ang isang kamay niya para sampalin ako nang may isang kamay na pumigil sa kaniya.
"Wala kang karapatan na saktan si Inez." matigas at galit na sabi ni Vladimir kay Zora. "Nagmamalasakit lang ang pinsan mo, ganito pa ang igaganti mo. Pasalamat ka pa at ikaw ang pinagsasayangan niya ang oras."
"V-Vlad..." sinubukan ko siyang pigilan.
Kita ko ang paghulukipkip ni Zora. "At sino ka naman?"
"Hindi mo na kailangan alamin kung sino ako." lumipat ang tingin niya sa lalaking kasama ni Inez. "Nakikilala kita. Isa ka sa mga empleyado ni tito Kyros. Umalis ka dito. Pagkauwi mo, gumawa ka ng resignation letter bago pa nila malaman kung anong katarantaduhan mo!"
Namutla ang lalaki at nagmamadaling nagbihis dahil sa takot. Mukhang kilala nga niya si Vladimir! Aalis na sana siya nang harangan siya ni Zora.
"Sandali! 'Yung bayad mo para sa gabing ito?!"
Hindi siya pinansin nito. Sa halip ay natataranta pa siyang kumilos hanggang sa nakaalis na siya dito sa silid.
"Kasalanan mo itong babae ka!" galit na galit na sabi ni Zora nang sugurin man niya ako pero bigla akong hinatak ni Vladimir at pinapwesto sa likod niya para hindi ako maabutan. Siya ang sumalo ng pananakit ng pinsan ko! "Umalis ka d'yan!"
"Mananahimik ka o ipapakulong kita?" matigas na banta pa ni Vladimir.
Mukhang tumalab nga. Natigilan ang pinsan ko.
"Kung gusto mong magkapera kahit na nag-aaral ka, magagawa mo naman 'yon. Pero sa disente at malinis na paraan sana. Pero mas maganda kung tatapusin mo ang pag-aaral mo at maghanap ka ng maayos na trabaho. Mabibili mo naman ang mga gugustuhin mo." Tinalikuran niya ito at sa akin naman siya humarap. "Ayos ka lang?" saka chine-check niya ang katawan ko kung may galos ba ako o sugat.
"A-ayos naman ako," tugon ko.
"Good. Let's go."
May nararamdaman akong awa para kay Zora pero mas okay na siguro ang gawin ko ito. Iniwan namin siyang napaluhod at umiiyak sa kuwarto na iyon. Tama lang para makapag-isip siya ng tama. Para marealize niya ang mga pinanggagawa niya.
-
"Salamat sa tulong, Vlad." may halong lungkot nang sabihin ko iyon sa kaniya nang tumigil ang sasakyan sa kanto. "Medyo hindi ko lang ineexpect na kilala mo pala ang lalaking kasama ni Zora."
"Nakikita ko siya sa kumpanya ni tito Kyros." marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Natigilan ako nang dampian niya ang halik ang likod ng aking palad. "Alam kong importante sa iyo ang pinsan mong iyon kahit mali ang trato niya sa iyo."
Yumuko ako. "May parte din sa akin na nagagalit din ako sa kaniya dahil sinasayang niya ang buhay niya. Kung tutuusin pa nga ay maswerte pa siya dahil may mga magulang pa siya at kayang bilhin kung anuman ang gugustuhin niya." bumuga ako ng isang malalim na hininga. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti. "Bale, wala na akong choice. Sasama na ako sa sinasabi ng directress. Kita nalang tayo bukas."
Ngumiti din siya. "I'll pick you up tomorrow. Ako na bahala sa lahat ng kakailanganin mo pagdating natin doon." he paused for a seconds. "Magiging maayos din ang lahat, ganda. Tiwala lang."
Tumango ako pero hindi mawala ang mga ngiti sa aking mga labi. "Salamat ulit sa paghatid." lumabas na ako sa kaniyang sasakyan at kumaway pa hanggang sa pinagsarhan ko na siya ng pinto. Hindi ko na hinihtay pa na umalis siya. Anong oras na at baka pagalitan pa ako ni tita dahil late na yata ako nakauwi.
Pero iisa lang ang nararamdaman ko ngayon. Nagiging masaya ako dahil sa tulong ni Vlad. Hindi lang dahil sa pagligtas namin sa pinsan ko. Nasabi ko rin sa kaniya kung gaano kabigat ang nararamdaman ko. Ewan ko ba, kakakilala lang namin pero nagawa kong i-open up sa kaniya ang mga bagay na iyon. Lalo na ang sikreto ko.
-
Dumating ako sa bahay ay nadatnan ko si tita na nakaupo sa sofa at nanonood ng telebisyon. Siya lang. Mukhang nasa kuwarto na si tito at natutulog na. Bigla ako ginapangan ng kaba baka mapagalitan niya ako.
"T-tita...S-sorry po kung ngayon lang po ako..."
Tahimik siyang tumayo at humarap sa akin. Mas lalo kinabahan. Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. Wala akong mabasang emosyon doon. "Kumain ka na ba?"
Natigilan ako. Kasabay na parang nadudurog ang puso ko nang marinig ko mula kay tita ang mga salita na iyon. "T-tita?"
Kung kanina ay wala akong nababasang emosyon sa kaniyang mga mata, ngayon ay nakikita ko an ang lungkot sa mga iyon. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Alam kong hirap na hirap ka na nang dahil sa amin, Inez." naging malumanay niyang sabi. "Pasensya na kung hindi man maganda ang ipinapakita ko sa iyo... Kung ipinaparamdam ko na sampid ka sa pamamahay na ito. Kung inisip mo na masyado akong istrikto sa iyo, iyon ay dahil sa pangako ko sa mga magulang mo na hinding hindi kita pababayaan...." nabasag ang kaniyang boses. "Kaya lang naman kita pinagbubuhatan ng kamay dahil ayokong pagselosan ka ni Zora dahil alam kong hindi kayo malapit sa isa't isa..."
"Tita..." hindi ko na rin mapigilang maiyak sa harap niya.
Hinawi niya ang mga takas kong luha. "Pasensya ka na... Kung hindi ko pa nalaman kay Mr. Ho ang lahat, mukhang tanga ako nagbabayad ng matrikula ng pinsan mo pero hindi na pala siya napasok."
S-si Vlad ang nagsabi sa kaniya? Kaya ba niya sinabi niya kanina na magiging maayos din ang lahat? Kaya pala madali niyang makumbinsi ang tiyahin ko na payagan ako para bukas?
"Masaya ako para sa iyo, Inez dahil nagkaroon ka ng kaibigan na tulad ni Mr. Ho, may taong masasandalan ka sa mga problema mo sa amin..."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dahil sa bugso ng damdamin ay niyakap ko siya nang mahigpit. Siguro dahil sa nangungulila ako sa pagmamahal ng mga magulang. Ngayon ko lang narealize kung bakit nangyayari din sa akin ito. Kailangan ko lang maging matatag. Kailangan ko lang maging matigas sa mga bagyo na hahagupit sa buhay ko. Isa na siguro ito.
"Nagluto ako ng paborito mong ulam. Ginisang ampalaya na may itlog. Tama ba?" sabi niya nang kumalas na siya ng yakap sa akin. "Kumain ka na para makapagpunas ka na ng katawan. Kailangan mo din gumising maaga dahil aalis kayo ni Mr. Ho."
Pinunasan ko ang mga takas kong luha. Tumango ako at ngumiti.
"Hindi ko na uulitin ang mga masamang ginawa ko sa iyo, Inez. Pangako iyan. Sana mabigyan mo pa ako ng pagkakataon na maging ina para sa iyo."
"Opo, tita..."
At nang gabi ding iyon. Gumaan ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa sunod-sunod na magandang bagay na nangyari sa buhay ko. Dahil sa nagkaayos kami ni tita, lalo na sa tulong ni Vladimir. Makakatulog na ako ng maayos nito.
-
Kinaumagahan din iyon ay maaga nga ako nagising. Ang mas hindi ko inaasahan ay nauna pa sa akin si tita na nagising. Nadatnan ko siyang nag-aayos ng mga gamit ko kahit hindi naman dapat. Binigyan din niya ako ng pera, pocket money daw. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat sa kaniya. Ang mas hindi ko inaasahan na binilhan pala niya ako ng brand new phone. Noong una ay ayaw ko sanang tanggapin pero nagpupumilit siya. Regalo daw niya iyon sa akin dahil ni isang beses daw ay hindi daw niya ako pinaghanda noong mga nagdaan kong birthday. Sa huli ay tinanggap ko iyon at sobrang nagpapasalamat.
"Vlad!" masayang tawag ko sa kaniya nang pumasok na ako sa kaniyang sasakyan. Susunduin daw niya ako, eh. Hindi rin nagtagal ay umalis na kami.
Matamis siyang ngumiti sa akin. "Mukhang maganda ang umaga mo, ah?" puna niya. "Anong meron?"
Ginantihan ko din siya ng ngiti. "Okay na kami ni tita." ngumuso ako. "Pero, hindi pa nauwi si Zora." may bakas na kalungkutan sa boses ko.
"Hmm..." patangu-tango siya. "Hayaan mo na muna siya. Choice pa rin niya naman kung itutuloy pa niya ang masamang gawain o magbabago na siya."
"Nasabi din sa akin ni tita kung bakit ganoon ang trato niya sa akin. Alam mo 'yung feeling na gumaan ang kalooban ko? Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib." dagdag ko pa.
"Sabi ko naman kasi sa iyo, magiging okay din ang lahat. Tiwala lang." he said.
Lihim ko kinagat ang aking labi habang nakatitig sa kaniya. Nakaside view siya sa akin. Busy siya sa pagmamaneho. May naglalarong nakakalokong ideya sa aking isipan. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya at walang sabi na idinampi ko ang mga labi sa kaniyang pisngi na alam kong matitigilan siya!
Iniliko niya ang sasakyan sa tabing kalsada at malakas niyang itinigil ang sasakyan. Napahawak ako sa dashboard! Mabuti nalang hindi ako napasubsob. "Dahan-dahan naman, Vlad!" malakas kong suway sa kaniya at bumaling.
"H-hinalikan mo ako... Inez..." hindi makapaniwalang sabi niya. "W-why?"
Umiwas ako ng tingin. "Nalaman ko kasi na ikaw din ang humarap kay tita at nasabi mo sa kaniya ang kalokohan ni Zora... I-ikaw din ang dahilan kung bakit naging okay na kami..." ngumuso ako't ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Ganti ko din iyan sa dalawang beses mo akong hinalikan!"
Unti-unti sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mukhang nasiyahan pa siya. "Dahil hinalikan mo ako pabalik, akin ka na. Girlfriend na kita." deklara pa niya.
"O-oi! Walang ligaw-ligaw man lang?"
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin na ikinaatras ko! Susko, muntik na niya akong halikan! "Kahit girlfriend na kita hanggang sa maging asawa na kita, araw-araw pa rin kitang liligawan, ganda." hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. "I love you, ganda."
"M-manyak..." hindi ko na alam kung anong sasabihin ko!
Kailan ba ako mananalo sa lalaking ito?! He always left me dumbfounded!