Feel na feel ni Charlotte ang pagkanta kaya naman gulat na gulat siya ng biglang marinig ang boses ng kanyang boss. Natakot siyang magsungit nanaman ito kaya magpapaliwanag sana siya ngunit pinigilan siya nito at suminyas na ipagpatuloy ang pagtipa. Sinunod niya ito kahit medyo kinakabahan pa, ngunit ng marinig niya ang magandang boses nito habang kinakanta ang bridge ng fall for you. Tila nawala ang kabang kanyang nararamdaman, napalitan iyon ng masayang pakiramdam at paghanga sa lalaki. Napakaganda ng boses nito na sa tingin niya kapag sibayan niya itong kumanta ay babagay ang boses nito sa boses niya. Kaya naman ng huling chorus na sinabayan na niya itong kumanta. At hindi nga siya nagkamali,masarap sa pandinig ang naghahalong boses nilang dalawa. Isa pa hindi niya mawari kung b