Napailing si Denver dahil sa tinuran ng kaibigan, talagang lasing na lasing ito dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi. " Dude, matulog kana muna. Lasing na lasing ka ei,tatawagan nalang kita bukas para naman malinawan yang sinasabi mo." sabi niya dito. " Sinong lasing? Hindi ako lasing Dude! Matanong nga kita kaya mo bang magsakripisyo para sakin? Kasi parang hindi ko kakayaning mawala sya ei. Pwede bang ipaubaya mo na lang sya sakin Dude? " sabi nanaman nito,tila pumiyok pa ang boses nito ng magsalita. " Teka,ano bang pinagsasabi mo Jayson? Napapano kaba ha? Sinong ipaubaya?" sunod sunod na tanong niya,naguguluhan kasi siya sa pinagsasabi nito. " Tapusin mo na ang kontrata ni Charlotte sayo Denver, please nakikiusap ako. Kalimutan mo nalang ang lahat,kung gusto mo hahanapan nalang