Bagsak ang balikat na sumakay muli ng elevator si Jayson. Ano bang klaseng biro ito ng tadhana ito sa kanya, siya rin pala ang gagawa ng paraan para malayo sa kanya ang babaeng kaytagal na niyang hinahanap. Ang babaeng sa tingin niya ay nararapat para maging kanyang kabiyak. Kaya pala parang nakita na niya ito kung saan dahil pala kamukha ito ni Maxine,ang kasintahang namayapa ni Charlotte. " Ah! Hindi maaaring mangyari ito! Kailangan kong gumawa ng paraan para umalis si Charlotte sa poder ni Denver! Hindi maaaring madevelop siya sa kaibigan ko. Kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat." tiim bagang na sabi ni Jayson sa sarili. Samantala. Lumapit si Charlotte sa pintuan ng kwarto ni Denver para ipaalam niya na bumalik na siya pero wala pa rin itong reaksyon. Ni sagutin nga