Napansin ni Denver ang wallet ni Charlotte na nakapatong sa center table kaya hinabol niya ito sa baba para sana ibigay ito sa babae. Ngunit hindi niya akalaing maabutan niya itong kayakap si Jayson, at hinalikan pa ito ng kanyang kaibigan sa buhok. Hindi siya napansin ng dalawa dahil mabilis siyang tumalikod, nangangalit ang bagang na bumalik siya sa loob. Nilingon muli niya ang mga ito na kasalukuyan ng pasakay ng kotse ni Jayson si Charlotte. Nginangatngat siya ng matinding selos, nag-uumapaw ang galit sa kanyang puso. Paanong nagagawa ni Charlotte na magpalit-palit ng lalaki? Madali langba para sa kanya ang ganong gawain? Ngayon pati silang dalawa ni Jayson ay tila naging laruan na rin nito. Sa kabila ng lahat ng kabutihang ipinadama niya dito,nakuha pa nitong sumama sa ibang la