Pagkadating ni Denver sa condo,tinawagan niya agad si Jayson.
" Dude,asan ka na? " tanong niya dito ng sagutin ang kanyang tawag.
" Medyo malayo pa ako Dude, traffic kasi." sagot nito.
" Nakabili na ako ng pulutan natin, alak nalang ang kulang. Wala akong stock dito ei, beer in can lang ang nandito. "
" Don't worry Dude, may baon ako." sabi nito.
" Ah, mabuti naman. Sige na,ingat ka sa biyahe. Magshower muna ako para di ako mainip kakaantay sayo."
" Sige,salamat." yon lang at pinatay na niya ang tawag.
Kanina sa pag-alis niya sa trabaho, dumaan na sya ng lechong manok. Siya kasi palagi ang taya sa pulutan kapag nagkakayayaang mag-inuman ang dalawa.
Nagshower nga siya gaya ng balak at nagsalang ng bigas sa rice cooker, mabuti na iyong may nakaready ng kanin, dahil ang gawain ni Jayson kapag lasing ay kumain ng kumain. Nagluto rin siya ng ilang pirasong porkchop na tira sa stock niya. Mabuti na din iyong may nakaready ng ulam dahil sigurado siyang pati pulutan ei lalantakan nito.
Ilang sandali pa at narinig na niya ang pagtunog ng doorbell. Sigurado siyang si Jayson na iyon kaya nagtungo siya sa pinto at pinagbuksan ito.
Nakangiting Jayson ang tumambad sa kanya. Sa kabila hawak ang paper bag na may lamang alak at cake naman sa kabila.
" Putek pre nagdala ka pa talaga ng cake ah! Ano to celebration? Baka naman sabihin mo sakin na ikakasal ka na. Sino kaya ang malas na bride? " natatawang sabi niya dito sabay kuha sa cake.
" Sira! Anong kasal pinagsasabi mo dyan? Diko pa natatagpuan si the one ko ha, kaya tumigil ka dyan." natatawa ring sabi nito. Naupo ito sa sofa ng makapasok.
Kinuha naman niya ang lechong manok na nasa dining table,ilinagay sa plato. Naghiwa din sya ng cake na papapakin niya habang umiinom sila.
" Kakain ka muna ng dinner o start na tayo?" tanong niya sa kaibigan.
Habang ilinalapag sa center table ang pulutan at platito na naglalaman ng slice cake.
" Hindi na Denver, parang hindi mo naman alam ang trip ko kapag umiinom,hehehe."
" Haha, oo nga pala patay gutom ka kapag nakainom. Sige, okey lang marami naman akong sinaing ei tsaka may pritong porkchop diyan,talagang hinanda ko para sayo."
" Kaya ako sayo ei, namiss ko tong ganito Dude ah. Bihira nalang tayong magkasama ngayon, parehas na kasi tayong busy. "
" Oo nga, nagpapayaman kana talaga kasing masyado." biro niya dito,pero totoo ang sinasabi nito dahil talagang halos wala na silang panahon na maghappy-happy. Siya busy sa trabaho,ito naman busy sa business nitong patuloy na lumalago.
" Gages! Nagpapayaman ka diyan! Ikaw ang halos dina nagpapahinga dyan. " sabi nito,habang kinukuha ang binili nitong alak.
" Kelangan kong abalahin ang sarili ko ei,alam mo na. " seryosong sabi niya.
Napailing ito, sabay abot sa kanya ng alak nitong binili.
" Mauubos kaya natin ito? Putek,matapang yata to ah ngayon lang ako nito makakatikim." sabi niya dito. At binasa ang label ng alak.
" Fundador Ultra Smooth 1L, gages ka dude! Lulunurin mo yata ako sa alak nito ei,alam mo namang hindi ako sanay uminom ng hard. " muling sabi niya.
" Hindi naman siguro Dude, try lang natin kapag hindi natin kinaya bili nalang tayo sa baba. Parang masarap kasi ang itsura nya. " sagot naman nito.
Binuksan ito ni Denver at tinagayan si Jayson.
" Hmmm.. Dude,hindi naman masyadong matapang ei masarap nga." sabi nito sabay kuha ng hiya ng manok.
" Talaga?Tingnan ko nga." tinagayan nya ang sarili at agad na tinungga iyon. " Woah! Oo nga Dude,masarap!" naibulalas niya.
Natawa nalang ito sa kanya.
" Teka,maiba tayo Dude ano nga pala ang sasabihin mo sakin? Gaano ba kaimportante at talagang sinugod mo pa ako dito?" sabi niya habang kumukuha ng pulutan.
" Dude, wag kang magagalit ha. Bago ko sabihin sayo mangako ka na sasang-ayon ka sa binabalak ko." tila tantyadong sabi nito.
Napakunot ang noo niya.
" Hmmm,parang alam ko nanaman ang patutunguhan nitong pag-uusap na to. Sabihin mo muna sakin ang buong detalye bago ako pumayag. " sabi nya.
" Dude, balak ko umupa ng babae para matulungan ka. " panimula nito.
Napailing siya,sabi na nga ba niya at ito nanaman ang magiging topic nila.
Ngunit hinayaan lang niya itong magpatuloy.
" Ako ang magbabayad, ang gagawin mo lang magbakasyon ka ng isang buwan sa trabaho mo. Dahil isang buwan mong makakasama iyong babae dito sa condo mo. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa kanya,pag-aari mo siya ng isang buwan kaya malaya kang gawin ang gusto mo. "
Mahabang paliwanag nito.
" Alam mo, sira ka talaga Dude! Magsasayang ka lang ng pera, alam mo naman ang kalagayan ko diba? Sa tingin mo talaga makakatulong ito sakin?" natatawang sabi niya dito.
" Dude, hindi naman masamang subukan natin diba? Ito lang ang tanging paraan na alam ko para matulungan ka, tsaka nasa edad kana para magkaron na ng sariling pamilya. Maawa ka naman kina Tita, dimo ba naiisip ang nararamdaman nila? "
" Jayson,alam ko naman na concern ka lang sakin. Pero dude,buhay ko to ei. Pwede bang hayaan na natin ang kapalaran ko. Ito na ako ei,masaya na ako sa kalagayan ko. Please hayaan mo na ako, wala na ding lunas sa kalagayan kong ito at tanggap ko na iyon."
" Tanggap mo dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin mapakawalan diyan sa puso mo ang yumao mong kasintahan. Dude,hanggang kelan ka mamumuhay sa alaala nya? Sana manlang isipin mo naman mga magulang mo, wag kang selfish. Sa tingin ko kasi puro sarili mo nalang ang iniisip mo ei. " mahahalata na sa boses ni Jayson ang pagkairita.
" Tsaka Denver, may pag-asa kapa. Kung wala, pano mo maipapaliwanag ang nangyari sayo nong time na nasa bakasyon ka sa Laguna? Diba sinabi mo na nagkaron ng reaksyon dyan sa alaga mo nong makita mo iyong babae. Dude, wag kang mawalan ng pag-asa. Kahit gawin mo nalang ito para sa mga magulang mong nananaghili sa apo mula sayo."
muling pahayag nito.
Napaisip si Denver, sabagay may point naman ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Di naman masama kung susubukan niya,tsaka nararamdaman din niya ang pananabik ng kanyang mga magulang na magkaron ng apo.
Pero nasisiguro niyang napakaimposible itong mangyari dahil ilang beses na rin niya itong sinubukan.
Pero para na rin siguro sa ikatatahimik ng kanyang kaibigan, mas mabuting pumayag na siya kesa patuloy lamang siya nitong kulitin.
" Okey,suko na ako. Payag na ako sa gusto mo,pero nasisiguro mo bang safe ang babaeng ibibigay mo sakin?" pahayag niya. Napa "yes" naman si Jayson.
Dali-dali nitong kinuha ang ilang papel na nasa bag nito at iniabot sa kanya.
" Putek! Dika rin talaga handa ei no. May mga baon ka pa talagang pictures." natatawa niyang sabi dito.
" Boy scout ito Dude hehehe. Ayan,lahat magaganda ang mga yan,pumili ka na lang." masayang sabi nito.
Tiningnan niya ang mga pictures ,lahat magaganda at sexy ngunit walang kadating-dating ito kay Denver. Itinuro nalang niya ang isang pinakacute at medyo tsinita sa picture.
" Yown! Wala ka pa rin talagang kupas sa pagpili Dude! Sobrang sikip pa ng k**i nito at take note virgin pa ang pwet nyan. Galing pa sa kama!" pahayag nito.
" Gages ka! Natikman mo na pala yan ei, bakit mo pa papatikman sakin?!" pabirong sabi niya dito.
Natawa naman ito.
" Correction Dude, lahat ko na sila natikman hahaha. At syempre para subok ko na bago ko ibigay sayo,yoko namang mapahiya no." nakangising sabi nito.
" Sira ka talaga." tumatawang sabi niya dito.
Bilib din talaga siya sa kaibigan niyang ito, ito lang ang natira sa mga tinuturing niyang mga kaibigan noon. Ito lang ang hindi nang ewan nong mga panahong kailangan niya ang tunay na kaibigan. At ito lang ang tunay kong magmalasakit sa kanya.
Kaya naman,mahal na mahal niya ito.
Lumipas pa ang ilang oras at parehas na silang tinamaan ng alak. Hindi na nga nila nakuha pang kumain ng dinner dahil sa sobrang kalasingan.
Itutuloy...