Nanlamig ang buong katawan ni Charlotte,hindi siya makapaniwala sa nakikita, imagine ang lalaking ilang taon na niyang paulit-ulit na pinapanood sa video heto at abo't tanaw lamang niya ngayon. Inabot ng crew ang nakaplastik na pagkain dito, nagpasalamat at saka nagmamadaling lumabas.
Dina nagpatumpik-tumpik pa si Charlotte, hinabol niya ito. Ngunit pagkarating niya sa labas ng fast food, tamang-tama namang nagmamaniobra na ito ng kotse paalis ng parking lot.
Nasundan nalang niya ng tingin ang kotse nito ng tuluyan na itong makaalis sa parking lot. Ewan niya kung bakit parang nais niyang maiyak, ng tuluyang makalayo ito.
Laglag ang balikat na bumalik siya sa loob ng fastfood.
" Hoy bruha! Bakit sobrang tagal mo naman yatang maghugas ng kamay? Malamig nalang itong pagkain natin." tanong ni Leslie sa kanya, pero nananatiling nakatingin lamang siya dito.
" Haller! Bakit napipi kana yata? " muling sabi nito.
" Les, nakita ko na sya. " parang wala sa loob na sabi niya dito,napakunot naman ito ng noo.
" Anong nakita? Sino?" takang tanong nito.
" Yong lalaki sa video,andito sya kanina." nagniningning ang matang sabi niya sa kay Leslie.
Natawa ng malakas si Leslie sa sinabi nya. Natampal pa siya sa balikat nito.
" Alam mo Bekla,malala ka na talaga kelangan mo ng magparehab. Hallerrr! Sa sobrang kaadikan mo diyan sa video na yan! Kung ano-ano na nakikita mo. Yaan mo na nga yan! Kain na tayo, nagutom tuloy ako sayo. " mahabang sabi nito ng mahimasmasan na sa kakatawa. At nagsimula na itong kumain.
" Les, seryoso ako. " nakalabi niyang sabi dito. Napatigil ito sa pagsubo,at tinitigan sya.
" Di nga? Totoo talaga?" parang nagulat na sabi nito,sa tagal kasi nilang magkaibigan kilalang-kilala na siya nito. Parang may kakayahan na nga itong basahin ang nasa utak niya,titigan lang siya nito sa mata.
Tumango siya. " Hinabol ko pa nga sya sa parking lot ei,kaya lang hindi ko naabutan. Tsaka kung naabutan ko man sya,hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. " tila nanghihinayang na sabi niya.
" Sayang ga! Pagkakataon mo ng ilahad ang matagal mo ng nararamdaman sa kanya!" eksehaderang sabi nito sa kanya. Napalakas pa kaya naman napalingon ang ibang mga costumer na kumakain sa kanila.
" Luka-luka ka talaga! Ano? Kulang pa ba yong lakas? Baka naman kelangan mo pa ng mic,sabihin mo lang." pairap na sabi niya sa kaibigan.
" Sorry, napalakas ba?" hinging paumanhin nito.
" Ay hindi, ayan oh tumingin ka sa paligid mo." natatawang sabi niya dito. Luminga naman ito sa paligid at nakita nito na nakatingin nga dito ang ibang costumer doon.
Napangiwi ito sa kanya sabay peace sign.
" Anong itsura niya Cha? Gwapo ba sa personal?" sabik na tanong nito.
" Oo,pero nagmatured na sya. Parang seryoso sya sa buhay,tipid na tipid ngumiti. " sagot niya.
" Makita mo pa kaya ulit sya?" tanong nito ulit sa kanya.
" Ewan ko, sana nga magkita pa kami. Pero wala naman ako lakas ng loob magpakilala sa kanya." walang siglang sagot niya sa kaibigan.
" Hayaan mo na nga yon, kain na tayo tsaka tungkol nga pala don sa raket na sinasabi ko." sabi nito.
" Oo nga pala,ano nga ba yon?" tanong niya dito.
" Malaki kita dito bekla! Bale, may kasamahan ako sa club na may kontak don sa nag-aalok ng trabaho medyo hindi pa detalyado kasi hindi pa daw pumapayag iyong pinaka magiging boss . Pero beshie, 100k agad ang unang bayad sa loob lang ng isang buwan yon. Ako ang inaalok nya,pero naisip ko na ikaw nalang kasi nagkataong pumayag na ako sa alok ni Mr. Tantico na samahan siyang magbakasyon. Hindi ko pwedeng pahindian yon,galante pa nman ang panot na iyon." mahabang pahayag nito sa kanya.
" Grabe naman! Isang buwang trabaho,100k agad?! Aba Leslie,baka kung ano yan ha!" nagulat talaga siya sa sinabi nitong sahod.
" Sira! Ipapahamak ba naman kita? Naisip ko kasi malaking tulong iyon sa inyo ng Inay mo, para mapacheck up mo na rin ang ubo nya."
" Sabagay, ano bang klaseng trabaho yan Les?"
" Iyong magiging boss daw ei,may kapansanan."
" Anong kapansanan?pilay?bulag?" tanong niya dito.
" Hindi, ano,yong parang impotent sya. Ewan ko kung ganon nga ang tawag don dahil matikas naman daw yon dati, naaksidente lang sya kaya nagkaganon." sagot ni Les.
" Ah, ei anong magiging trabaho ko?" muling tanong niya dito sabay subo ng pagkain.
" Ayon nga, tutulungan mo lang syang ibalik ang dating tikas ng "ano" nya."
" Ano?!" gulat na bulalas niya, at di sinasadyang naibuga niya ang pagkaing sinubo niya kanina.
Napatingin nanaman tuloy sa kanila ang ibang kumakain.
" Naririnig mo ba ang sinasabi mo Les? Ako talaga ha,ei kung batukan nalang kaya kita dyan! Alam mo namang kahit holding hands sa lalaki diko pa nararanasan. Tapos ako pa talaga ipapasok mo dyan ha." inis na sabi niya dito. Ngunit pabulong lang baka kasi mapalingon nanaman ang mga kumakain.
" Bruha! Sa tingin mo ipapasok kita dito kung mapapahamak ka? Les, ang gagawin mo lang naman ei,magsuot ng sexy na damit, habang nakatira ka sa bahay nya. Landiin siya pero yong tama lang, hindi ko sinabi na halikan mo sya,hawakan mo sya. Kasi alam mo ang mga taong may ganyang karamdaman ei wala ng interes sa mga ganyang bagay,kaya safe na safe ka sa kanya. After 1 month may 100 thousand ka ng tumatagingting." mahabang paliwanag nito.
Napaisip si Charlotte.
" Sabagay, may point naman si Les. Tsaka kelangan ko rin talaga ng pera para maipagamot si Inay. " sa isipan niya.
" Safe ba talaga ako dyan?" tanong niya sa kaibigan.
" Yes po." nakangiting sagot nito.
" Sigurado?" tanong niya ulit.
" Opo,kaw talaga,syempre pinag-isipan ko muna ito bago ko ialok sayo no. Hindi ko magagawang ipahamak ang pinakamamahal kong bestfriend." sabi muli nito habang patuloy sa kumakain.
Bigla siyang tumayo at yinakap ito.
Nagulat naman ang huli.
" Hoy! Pasaway ka kumakain kaya ako." tumatawang sabi nito.
" Salamat talaga Les ha, at sorry kung pinagdudahan ko yang inaalok mong trabaho sakin. Diko manlang naisip na para sa kabutihan ko iyong ginagawa mo. Na gusto mo lang akong tulungan, d'best ka talaga." naluluhang sabi niya dito.
" Ay sus, nagdrama nanaman ang bestfriend ko. Pumapayag kana ba?" tanong nito.
.
Tumango siya. Tsaka bumitiw sa pagkakayakap dito at naupo ulit.
" O sya sige na, tapusin na natin itong pagkain ng makauwi ka na at ako naman ei makapunta na sa club." sabi nito, at masayang pinagpatuloy na ulit nila ang pagkain.
ITUTULOY