Chapter 6

1198 Words
" Inay,okey ka lang po ba talaga? Bakit parang hindi na po normal ang paghinga nyo halos sunod-sunod na rin po ang pag-ubo ninyo." nag-aalalang tanong ni Charlotte sa ina. " W-wala ito anak, mabuti pa m-matulog na tayo bukas wala na rin i-ito." putol-putol na sabi ng kanyang Inay, halata ang hirap sa mukha nito. Awang-awa naman siya dito. " Sige po Nay, pero dito po ako matutulog sa tabi nyo para mapanatag ako." sabi niya dito. Hindi naman ito tumutol kaya nahiga na siya sa tabi nito. Hindi siya natulog hanggat hindi nakakatulog ang kanyang Inay. Sobrang nag-aalala na siya dito kaya naipangako niya sa sarili niya na kapag natuloy iyong raket na sinasabi sa kanya ni Leslie, susubukan niyang mag-advance sa magiging boss niya. Kelangan na talagang mapatingnan sa doctor ang kanyang Inay. Tumingin siya dito, puro paghihirap nalang ang dinaranas nito. Kaya pangarap niya na mapalasap dito ang maalwang buhay,ngunit pano nga ba gagawin ng isang kagaya niyang ni hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Napatingin siya sa sira-sirang kisame ng kwarto, tila nabuo doon ang mukha ng estrangherong lalaki na matagal na niyang hinahangaan. Sa ayos nito kanina,alangang-alangan ang katulad niya dito. Napailing siya, pinasya niyang matulog na lamang kesa mag-isip pa ng kung ano-ano. Kaya pumikit na siya at ilang sandali lamang nakatulog na siya. Kinabukasan. Nagising si Denver na masakit ang ulo, ngunit pinilit niyang bumangon sa higaan para makapag-init ng tubig at makapagluto ng almusal. Hindi kasi sila kumain ng gabihan ni Jayson,hindi kasi nila akalain na nasa huli pala ang tama ng alak na dala nito. Nagshower muna siya ng mabilisan bago nagsimulang magluto. Isinangag niya ang bahaw na kanin na hindi nagalaw kagabi at, nagluto siya ng itlog at hotdog. Pinainit na rin niya ang ilang porkchop na niluto kagabi. Naghayin muna siya at nagtimpla na rin ng kape bago nagtungo sa guest room kung saan natulog si Jayson para gisingin ito. Kumatok siya sa pinto bago binuksan iyon. Nagising na pala ito sa katok niya kaya nakaupo na ito sa kama ng mabuksan niya ang pinto. Ngunit nananatili itong nakapikit ng bahagya,halata na inaantok pa ito. " Anong oras na Dude? " tanong nito. " Alas sais palang, maaga pa para pumasok ka. Tamang-tama nakaluto na ako ng almusal. " sagot niya dito. " Patay!" bulalas nito, "may mga order pa naman akong cakes ngayong umaga." Dali-dali itong bumangon. " Hayaan mo yong orders na yon, kumain muna tayo ng almusal. Alam mo ikaw talagang tao ka, may mga tauhan ka naman na gagawa ng mga yon pero dimo pa rin mapagkatiwalaan ang mga yon. Pwede namang nagrerelax ka nalang at sila ang dapat gumagawa ng trabaho nila. " mahabang litanya nya dito. Malaro ito sa babae pero pagdating sa negosyo hindi nito basta-basta tinitiwala sa mga tauhan. Kaya hindi nakakapagtakang isang taon lang umasenso agad ito. " Oo na po, nagsermon ka nanaman father. May extra towel kaba dyan? Maliligo lang ako saglit para makapag-almusal na tayo. Tapos aalis na agad ako, dalawang wedding cake kasi ang gagawin ko at kapag mga ganon hindi ko talaga tinitiwala sa taga special ko yon. Nang sa ganon walang masabi ang costumers,para babalik ulit sila." sabi nito. " Nagpapayaman ka talaga ha. " tudyo niya. " Sira! Pahiram na ng towel." tumatawang sabi nito. " Andyan sa closet, may bagong towel ako dyan. " sabi niya. " Okey, salamat. " Yon lang at sabay na silang lumabas ng kwarto ,nasa may dining room kasi ang cr. Mabilis namang natapos si Jayson paliligo at nagmadali din siyang mag-almusal. " Salamat Dude sa super sarap na almusal ha, alis na ako. " paalam nito. " Sige, salamat din sa pagdalawa." " Okey lang, yong napag-usapan natin ha. Baka sa isang araw,mamemeet mo na yong girl na napili mo. Magfile ka na kaagad ng bakasyon for one month, alam ko namang magagawa mo kaagad yan dahil malakas ka sa boss mo. " mahabang sabi nito. " Hindi ka rin talaga nagmamadali ah, sige na. Opo,gagawin ko na ang sinasabi mo,tamang-tama monday bukas. Umalis kana baka gahulin ka sa oras pagagawa ng cake." sabi nalang niya dito. " Ay oo nga pala, sige na. " " Sige ingat ka." Tuluyan na itong lumulan sa elevator. Napapailing na bumalik na sa kanyang unit si Denver. Nasa kanyang isipan kung papanong pakikiharapan ang katulad ng babaeng napili niya. Isa itong mababang uri ng babae, na handang gawin ang lahat para lamang sa kunting pera. Samantala.. Mabilis na nagmamaneho si Jayson patungo sa lugar kung saan nakatayo ang kanyang main bakery. Wala pang traffic kaya kahit magpaharurot siya okey lang. Papaliko na siya sa may terminal ng tricycle ng biglang may babaeng tumakbo sa gitna ng kalsada. Nagulat si Jayson,ngunit mabilis naman siyang nakapagpreno pero nahagip niya ng bahagya ang babae kaya natumba ito. Napasigaw ang ilang mga pasaherong nakapila sa terminal,ngunit mapapansin na wala ni isang tricycle ang nakaparada doon. Agad-agad bumaba si Jayson sa kotse para damayan ang babae. Patihayang nakahiga ang babae sa kalsada kaya agad niya itong tinulungang makaupo. " Miss, ayos ka lang ba? " tanong niya dito. Magulo ang buhok ng babae kaya bahagya lamang ng mukha nito ang nakikita niya. Tangkang papangkuin na niya ito ngunit pinigilan siya ng babae. Narinig niyang humihikbi ito. Inayos ng babae ang tumatabing na buhok sa mukha nito at tumingin sa kanya. Napaawang ang bibig ni Jayson ng ganap ng masilayan ang mukha ng babae. Tila bumilis ang pintig ng kanyang puso. Ito na yata ang pinakamagandang babaeng kanyang nakita sa tanang buhay niya. Naawa siya dito dahil may konting gasgas sa mukha nito dahil sa pagkakabangga niya. " K-Kuya, parang awa mo na po. Tulungan mo po ang Nanay ko, tulungan mo po kami. Kanina pa po ako tumawag sa 911 pero halos magkakalahating oras na po wala pa rin sila. Nagpunta po ako dito sa sakayan sa pagbabakasakling may tricycle pero wala po ei kahit taxi walang dumadaan. Parang awa mo na po Kuya,tulungan mo po ako!" mahabang sabi nito habang umiiyak. " Bakit Miss? Napano ang Nanay mo? Nasan sya? Ano bang maitutulong ko?" tarantang tanong niya. Gusto niya itong aluin pero nahihiya naman siya, patuloy kasi ito sa pag-iyak. Mababasa sa mukha nito ang matinding pag-aalala. " Nasa bahay po Kuya, parang awa nyo na po. Puntahan po natin siya, para madala natin sa ospital. Maawa na po kayo! Huhuhu... " halos wala na ito sa huwisyo, naghahalo na ang sipon at luha nito pero bakit sobrang ganda pa rin ng tingin ni Jayson dito. Lalo pa't nasisilayan niya ang magandang kurba ng cleavage nito. Naipilig niya ang kanyang ulo. " Gago ka Jayson,may problema na nga iyong tao kung ano-ano pa iniisip mo dyan!" inis na sabi niya sa sarili. " Halika na Miss, sumakay ka na? Ituro mo sakin kung saan ang bahay nyo at ng madala natin sa ospital ang iyong ina." hinawakan niya ito sa kamay at inakay patungong sa sasakyan. Medyo paika-ika itong lumakad kaya nabatid niya na kailangan din nitong matingnan ng doctor. " S-salamat po Kuya." tipid na sabi nito ngunit patuloy pa rin sa pagluha. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD