Malapit lang ang bahay nito mula sa pinanggalingan nila kaya wala pang sampung minuto ay narating na nila ang bahay nito.
Dali-daling bumaba ang babae at tumakbo sa eskinitang nasa tapat nila sinundan naman ito ni Jayson.
Pumasok ang babae sa gate na kahoy ng isang bahay na nandoroon, sumunod naman siya dito.
" Kuya, andito ho ang Inay ko. Maaari po bang tulungan nyo akong buhatin siya? Pasensya na po talaga sa abala. " nahihiyang sabi nito.
" Okey lang Miss. " sagot niya at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay.
Tumuloy siya sa kwarto, nakita niya ang Ina nitong hirap na hirap sa paghinga.
Linapitan niya ito at binuhat, pagkuwa'y lumabas na siya ng bahay habang kalong ang ina nitong may sakit. Ang babae naman, umiiyak na nakasunod lang sa kanila.
" Miss, dito nalang kayo ng Inay mo sa likuran para maalalayan mo siya." sabi niya sa babae, inayos niya ang pagkakaupo ng matanda at hinintay makasakay ang anak nito bago siya nagtungo sa driver set.
Nagmaniobra na siya, may malapit na ospital sa lugar na iyon kaya balak niyang doon ito dalhin.
Si Charlotte naman ay alalang-alala sa ina, hindi niya mapigilan ang pagluha. Nagising sya kaninang madaling araw dahil sa pagsinghap singhap ng kanyang ina. Hindi na pala ito makahinga ng maayos,ni hindi magawang tawagin siya. Hirap na hirap na pala ito sa paghinga.
Tumawag agad siya sa 911 ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon wala pa ring responde. Kaya napilitan siyang tumakbo sa labasan para sana kumuha ng tricycle, ngunit sa kasamaang palad walang tricycle sa pilahan dahil na rin sa dami ng mga pasahero ng mga ito. Nagbakasakali siyang may dumaang taxi,ngunit wala talagang dumadaan kaya ng dumaan ang kotseng ito.
Kahit napakabilis ng takbo nito, naglakas loob siyang harangin ito kaya tumakbo siya sa gitna ng kalsada. Mabuti nalang at hindi siya nito napuruhan, medyo masakit ang kanyang hitang nabanggaan ng sasakyan nito pero hindi na niya iyon alintana. Ang nasa isipan lamang niya ay ang kaligtasan ng kanyang ina.
Laking pasalamat naman niya at mabait ang may ari ng kotseng kanyang naharang. Tinulungan agad siya nito ng walang pag-aalinlangan.
Yakap-yakap niya ang Ina, hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama dito.
Ilang sandali lang at nasa harap na sila ng isang private hospital. Binuhat ng lalaking tumulong sa kanila ang kanyang Inay at pumasok na sa emergency room. May sumalubong agad sa kanilang Nurse at Doctor.
Inasikaso agad ng mga ito ang kanyang Inay. Dinala ito sa isang kwarto, at kinabitan ng oxygen. May kung ano-ano ding laboratory test ang ginawa dito. Hindi niya alam kung para saan ang mga iyon kaya panay ang tanong niya.
Laking pasasalamat ni Charlotte ng maging maayos na ang Ina, nakatulog na rin ito. Lumabas siya ng kwarto at hinanap ang lalaking nagdala sa kanila dito para magpasalamat. Nakita niya ito sa may mga upuan na nasa gilid ng hospital .
" K-Kuya, maraming salamat po sa pagtulong sa amin ng Inay ko. Kung hindi po dahil sa inyo baka kung napano na po ang Inay ko. " pasasalamat niya dito.
" Ayos lang yon Miss, kahit sino naman ganon din ang gagawin lalo pa at emergency. " sabi naman nito.
" Salamat po talaga, ako nga po pala si Charlotte, Charlotte Aurillo. " sabi niya dito tsaka inilahad ang kanyang kamay.
Medyo natigilan ang lalaki,napatingin sa kamay niya. Muli itong tumingin sa kanya at ngumiti sabay tanggap sa kamay niya.
" Jayson Andrade naman ang pangalan ko, nice to meet you Charlotte." sabi nito sa kanya.
Ngitian din niya ito, ewan niya kung bakit parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya sa lalaking ito.
" Jayson po pala ang pangalan mo, pwede po bang tawagin nalang kitang Kuya Jayson? Twenty two palang po ako, kayo po?"
" Twenty seven na ako, oo naman pwede mo akong tawaging Kuya." pagsang-ayon nito ngunit ewan niya kung bakit parang labas sa ilong ang sinabi nito.
" Salamat po, masyado na po yata kaming nakakaabala sa iyo Kuya. Maaari na pa kayong pumunta sa patutunguhan nyo. Ayos na po kami ni Inay dito, pasensya na po talaga. "
" Hindi ayos lang yon, mamaya nalang Charlotte. Ano kasi, ahhmm.. hintayin mo nalang kung anong sasabihin ng doctor sayo para kung kailangang i-admit ang Inay mo, makasaglit tayo sa bahay nyo. Para kasing nawalan ka na yata ng panahon magbihis, mas maganda siguro kung magpalit ka muna ng damit tsaka para makakuha ka rin ng mga kakailanganin ng Inay mo dito. " mahabang sabi nito sa kanya.
Pakiramdam niya tuloy namula ang buong mukha niya dahil sa hiya. Sa katarantahan niya kasi ni hindi siya nakapagpalit ng damit. Isang puting t-shirt na manipis at maiksing cotton short lamang ang suot niya. Lawlaw pa ang sa may leeg nito kaya makikita ang puno ng kanyang dibdib at sa sobrang kanipisan nito halos kita na rin ang nasa ilalim noon. Buti nalang hindi siya nag-alis ng bra kagabi bago matulog.
Pero hindi dapat sya mainis sa sinabi nito dahil alam niya na concern lang ito sa kanya.
Hindi naman makatingin ng deritso si Jayson kay Charlotte, ayaw niya sanang sabihin iyon sa babae pero kanina pa kasi siya naiinis sa mga matang nakatingin dito. Karamihan, paghanga ang mababasa sa mga mata nito pero ang ilan malagkit kung tumingin, akala mo hinuhubaran na ang babae.
Kahit siya,aminadong humahanga sa kagandahan ng babae. Napakaamo na nga ng mukha nito, tapos perpekto pa ang katawan nito kaya hindi rin nya masisisi ang mga kalalakihan na tumitingin dito dahil talagang kapansin-pansin ito. Lumang t-shirt na puti at maiksing cotton short lang ang suot nito pero napakasexy nitong tingnan, idagdag pa ang matambok nitong pang-upo. Sabog-sabog ang buhok pero nakadagdag pa iyon sa angking kagandahan nito.
" Charlotte, saglit lang ha. May kailangan lang akong tawagan, hintayin mo lang ako dito." paalam niya dito dahil naalala niya ang order na wedding cake sa kanya.
Tatawagan niya ang taga special niya para sabihing ito nalang ang gumawa ng order. Ewan ba niya, hindi pa niya kahit minsan itiniwala ang malalaking order dito pero sinasabi ng kanyang puso na nais pa niyang makasama ng matagal si Charlotte.
Nang matapos, bumalik na siya sa pinag-iwanan kay Charlotte.
Naabutan niya itong may kausap sa cellphone. Napansin niya ang pasa sa hita nito, sanhi sa pagkakabangga niya.
" Kailangan niya rin talagang matingnan ng Doctor. Sino kaya ang kausap niya? Marahil kaibigan niya iyon." sa isip ni Jayson.
Ngunit pinatay na nito ang tawag dahil tinatawag na ito ng doctor ng Ina nito, sumunod siya dito.
" Doc, kumusta po ang Inay ko? Ano po ba ang karamdaman niya?" nag-aalalang tanong nito sa doctor.
" Hija, ang iyong ina ay may COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Diseases.Ang sakit na ito ay walang kagamutan, pero ang agarang gamutan ay mapapabagal ang paglala ng sakit nyang ito. Sa ngayon hindi ko pa masabi kung ilang stage na pero sa nakikita ko,kailangan na niya ng agarang gamutan. Kung napapansin mo,panay panay ang pag-ubo ng iyong Inay. Hirap na rin siya sa paghinga kaya nga kinabitan natin siya ng oxygen. " mahabang paliwanag dito ng doctor.
Hindi napigilan ni Charlotte ang mapaluha, hindi niya akalain na malubha pala ang karamdaman ng kanyang ina, akala niya simpleng ubo lamang ito. Dahil sa kahirapan ni minsan hindi nito nakuhang magpacheck up, dahil ang inuuna nito ay ang mga pangunahing pangangailangan nilang mag-ina.
Kung sana may tatay lamang siya na masasandalan, ngunit wala. Lumaki siyang walang nakikilalang ama.
" Doc, m-magkano naman po magagastos sa buong gamutan ng aking Inay. " tanong niya habang pinupunasan ang luha.
" Nasa dalawang daang libong peso hija, hindi pa kasama ang bayad sa doctor diyan." sagot ng doctor na ikinagulat naman ni Charlotte, tila nawalan siya ng lakas kaya muntik na siyang mapaluhod,mabuti nalang andon si Jayson.
" Oo hija,tama ang narinig mo, mas mainam kasi kung dito sa ospital na ito gawin ang paggagamot sa Inay mo. Baka mga isang buwan lamang o wala pa ei makalabas na iyong Inay. Wag ka ng mamroblema sa doctor's fee, ako ang incharge sa iyong ina kaya ibibigay ko na sa inyo yon ng libre dahil sa nakikita ko,hirap din kayo sa pamumuhay." sabi muli ng butihing doctor.
" Diyos ko! Saan ako kukuha ng ganon kalaking halaga? Kahit nga po pambayad ngayon, parang kukulangin pa." tuluyan na siyang napahagulhol.
ITUTULOY
A/N,
Pasintabi po sa lahat ng Doctors, (waahh,at doctor pa daw)Nurses(at nurses pa daw,hahaha! Feeling ko talaga may magbabasang katulad nila nito noh?), o kung sino man po ang may kinalaman sa sakit na COPD, kung may napansin man po kayong pagkakamali sa mga nasabi sa storya ko tungkol sa sakit na yan ay ipagwalang bahala nyo nalang po. Wala po kasi talaga akong idea tungkol sa sakit na yan. Basta ko nalang po naisipan na iyan ang gawin kong karamdaman ng ina ng ating bida. Yun lang po, salamat sa pang unawa.
Lalabs ko kayo!!!