Nakaupo sa sofa si Denver habang hinihintay ang babaeng bayaran na inupahan ni Jayson. Hawak-hawak nya ang chique na iniwan ni Jayson pambayad sa babae. Napag-usapan din nila na dodoblehin nila ang bayad kung sakaling mapagaling siya ng babae na alam naman niyang imposibleng mangyari kaya sinabi niya na siya na ang bahala sa bunos. Mga ilang sandali lamang ay tumunog na ang kanyang doorbell, sigurado siyang ito na ang hinihintay niya. Tila walang kagana-ganang tumayo si Denver at tinungo ang pinto. Binuksan niya ito bumungad sa kanya ang isang babaeng nakatalikod, nakahantad ang bilugan,mahaba at makinis nitong mga hita dahil sa maiksing dress nitong suot.At kapansin-pansin din ang matambok nitong pang-upo. Kusang napakunot ang noo ni Denver ng mapansin niya ang pagbabago ng kanyang