Tila nanigas ang katawan ni Charlotte ng bigla siyang hapitin ng lalaki, akala niya kung ano lamang ang gagawin nito kaya ganon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng bigla nitong sakupin ang kanyang mga labi. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nangahas na halikan siya kaya't hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Andon ang kagustuhang itulak ito pero bakit tila nasasarapan siya sa paraan ng paghalik nito. Napakalambot ng labi nitong mapangahas na nagpapasasa sa kanyang labi. Kakaiba ang init na hatid niyon , napakasarap,tila nakalalasing at parang ayaw na niyang tumigil pa ito sa ginagawa. Kaya naman pumikit siya at ninamnam ang tamis ng halik ng lalaki, kalaunan ginaya niya ang ginagawa nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang susunod na pangyayari. Marahas siya nito