Inalalayan ni Jayson si Charlotte paglabas sa silid. Awang-awa siya dito, alam niya na malaking halaga ang kakailanganin nito ngunit batid din niya na wala itong kakayahang makalikom ng ganon kalaking halaga. Pinaupo niya ito, at hinagod ang likod patuloy pa rin kasi ang pagluha nito. " Tahan na Charlotte, magiging okey din ang lahat. " sabi nalang niya. " Salamat po Kuya. " sabi nito. Kinuha ang cellphone at may tinawagan. Pinahid muna ni Charlotte ang luha bago nagsalita. " Les, puntahan mo naman ako dito oh. Nakausap ko na iyong Doctor ni Inay, kakailanganin ng malaking mahalaga para magamot siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko Les." sabi nito sa kausap. " Sige, kahit mamayang hapon nalang pagnakauwi kana. Bye na, ingat ka sa biyahe." muling sabi nito,marahil nasa malayong