" S-Sir, patawarin nyo po ako kung nakatulog ako. Pero please lang po, wag nyo po akong pauwiin. Promise po,gagawin ko ang lahat ng gusto nyo. Maawa na kayo kailangan ko ang trabahong ito. " maluha-luhang pagmamakaawa niyang sabi sa lalaki na hanggang ngayon hindi niya alam kong ano ang pangalan. Nais niyang batukan ang sarili dahil sa katangahan niya. Kung bakit kasi nakatulog siya habang hinihintay ito. Wala pa kasi siyang tulog magdamag dahil binantayan pa niya ang kanyang Inay. Kanina ng sabihin nito na napuyat siya dahil sa mga sinasabi niyang costumers,nais talaga niyang barahin ito pero nanahimik na lamang siya dahil baka magalit ito sa kanya. Pero hindi naman niya ito masisisi dahil ang pagkakaalam talaga nito ay isa rin siyang babaeng bayaran. Hindi maaaring tanggalin siya