-=Naya's Point of View=-
"Pe...pero bakit? Bakit ganoon na lang ang concern mo sa akin?" naguguluhan kong tanong dito, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na lang ang concern nito sa akin kahit na nga ba kakakilala lang naming dalawa.
Nararamdaman ko na mabuti itong tao, kaya nga siguro ganoon na lang ito kung mag-alala sa akin, pero meron akong hindi maipaliwanag na pakiramdam sa loob ko na para bang mas may mabigat na dahilan kung bakit ito ganito.
Isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan nito, habang nanatiling matiim na nakatitig sa akin ng diretso, naramdaman ko na lang ang biglang pagbilis ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin ng diretso sa mapupungay nitong mga mata.
Mas lalong nagrigodon ang t***k ng puso ko nang maramdaman ko ang paghawak nito sa magkabila kong mga balikat.
"I care so much about you Naya." I can see the honesty and sincerity behind those brown eyes of hers, kaya naman sigurado akong nagsasabi ito ng totoo.
"You are like a sister to me." ang nakangiting pagpapatuloy nito, hindi naman nito napansin ang biglang pagbabago ng reaksyon ng mukha ko ng dahil sa sinabi nito.
Bigla naman akong natigilan sa huling sinabi nito, ni hindi ko napansin na agad itong tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad nang matapos sabihin ang bagay na iyon, mukhang hindi din napansin ni Hadley na nanatili lang ako sa kinakatayuan ako at hindi ako sumunod sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit o kung saan nanggaling ang emosyon na nararamdaman ko ng mga oras na iyon sa sinabi nitong para akong isang kapatid para dito. Hindi ko maintindihan ang disappointment na nararamdaman ko dahil kapatid lang ang tingin nito sa akin.
"Snap out of it Naya! Ano bang gusto mong marinig mula sa kanya? Alin? Na higit pa doon ang nararamdaman niya na gusto ka niya?" natigilan naman ako mga katanungan na pumasok sa isip kong iyon. Inis kong binura ang mgga bagay na iyon sa utak ko.
Hindi totoo ang naiisip ko, malabong may iba pa akong nararamdaman para kay Hadley, si Hadley kasi ay isang role model para sa akin, at ang nararamdaman ko dito ay tanging paghanga lamang sa iniidolo, gusto ko kasing maging katulad nito, iyon lang at wala nang iba pang dahilan.
Hindi naman malabo ang huling naisip ko, sino ba naman ang hindi hahanga dito. Sobrang confident kasi nito sa lahat ng bagay at sa mga nakita ko ay parang wala itong kinatatakutan na kahit na ano o sino. Maliban pa doon ay para bang kayang kaya niyang makuha ang kahit na anong gustuhin nito ng walang kahirap hirap.
"Gusto ko na maging katulad ni Hadley, gusto kong maging matapang para harapin ang lahat ng pagsubok at balakid sa buhay ko, na kaya kong kalimutan at talikuran ang mga bagay na gumugulo sa akin. Gustong gusto kong maging katulad ni Hadley Lastimozo.
"Hindi ka ba sasama?" saka lang ako natauhan nang marinig ko ang taong na iyon ni Hadley, saka ko lang narealized na nakalayo na pala ito at kanina pa pala itong naghihintay na nakatingin sa likuran ko.
Dali dali naman akong naglakad palapit dito, nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan tahimik na naghihintay si Kuya Arthur.
"Salamat Hadley." pilit na ngiting sinabi dito.
"Don't mention it, and Naya..." sandali itong tumigil sa pagsasalita kaya muling bumalik ang tingin ko sa kanya.
"Don't think too much about it Naya. Katulad nga ng pinangako ko ay proprotektahan kita sa lahat ng oras at sa abot ng makakaya ko." seryosong pangako nito, ramdam na ramdam ko ang determination sa boses nito habang sinasabi ang bagay na iyon.
Sa narinig ay muli na naman may kung ano akong naramdaman sa puso ko, tila isang pag=asa na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa din mabigyan ng pangalan o paliwanag.
Hindi ko na nagawang sumagot, dahil basta na lang itong umalis ng walang paalam, wala na akong nagawa kung hindi sundan ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
Agad naman akong sumakay sa kotse, hanggang sa umandar at makalabas ng school ang kotseng sinasakyan ko ay patuloy pa din naglalaro sa isip ko ang huling sinabi nito.
Dahil sa pangako ni Hadley ay tuluyan kong naramdaman ang kapanatagan ng loob, alam ko at naniniwala ako na habang nandiyan si Hadley ay magiging maayos na ang lahat, hindi ko alam kung kailan nagsimula na makuha ni Hadley ang tiwala ko ng buong buo. Kahit na nga ba medyo namimisteryuhan pa din ako sa kanya.
Hanggang makauwi sa bahay ay si Hadley pa din ang naiisip ko, paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang pangako nito.
"Hi Mom!" nakangiting bati ko kay Mommy nang maabutan ko itong seryosong nagbabasa sa sala ng makapasok ako sa loob.
"Hi Princess, how was school?" nakangiting tanong nito, binaba na muna nito ang binabasang libro at agad lumapit sa akin para yakapin ako.
"School was great, meron na din po akong bagong mga kaibigan." sagot ko naman dito, hindi nakaligtas sa akin ang agarang pagliwanag ng mukha nito sa sinabi kong iyon, alam ko naman na matutuwa itong malaman na nakikipagkaibigan na uli ako.
Hindi ko maiwasang maging emosyonal sa nakikita kong saya sa mukha ni Mommy, hindi ko na matandaan ang huling beses na nakita ko itong masaya. I felt a little guilty for causing my parents with so much grief.
"Mom, can you prepare me some snacks please." nakangiti kong paglalambing dito na sinundan ko ng mahigpit na yakap, nanatili kasi itong walang imik na nakatingin lang sa akin.
"Of course..." saka lang ito natauhan nang marinig ang sinabi ko, agad naman itong dumiretso sa kusina. Habang naghihintay ay naisipan kong dumiretso na muna sa kuwarto ko, narinig ko pa si Mommy na ihahatid na lang daw nito ang meryenda ko sa kuwarto.
Nang mapag-isa ay naisipan kong iturn on ang computer ko, sobrang tagal ko na ding hindi nagagamit ang computer na iyon.
Agad namang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ko sa monitor screen. Punong puno ng buhay ang itsura ko sa larawan, wala pa akong kamuwang muwang sa kalupitan ng mundo.
Naisip kong panahon na para iactivate ang f*******: account ko, pero bago ko pa man magawa iyon ay agad nagbago ang isip ko. Naisipan ko kasing gumawa na lang ng bagong account, naisip ko kasi na mas mabuti na iyon para bago kong buhay.
Ilang minuto din ang ginugol ko sa pagregister ng bagong account at nang matapos ay naisipan ko namang tawagan si Hadley sa cellphone nito.
Ilang sandali lang ang hinintay ko nang sa wakas ay sagutin na nito ang tawag ko.
"Hi! Nakauwi ka na ba?" bungad na tanong nito ng sagutin ang tawag ko.
"Oo, ikaw ba nakauwi ka na din?" balik tanong ko dito nang marinig ko ang ingay sa background, hindi masyadong sigurado kung anong ingay ang naririnig kong iyon.
"Wala pa ako sa bahay. I'm... in a middle of something." nag-aalangan nitong sagot, ngunit bago pa man ako makapagtanong dito at muli na itong nagsalita.
Bakit ka nga pala napatawag?" curious na tanong nito.
Hindi ko naman maiwasang mahiya nang marinig ang tanong nito. Ngayon ko lang kasi naisip na parang ang babaw ng dahilan kung bakit ko ito tinawagan, pero minabuti kong sabihin na dito ang pakay ko.
"Umm... kaya ako napatawag ay dahil sa... itatanong ko lang kasi kung anong f*******: account mo para maadd kita?" nagmamadali kong sinabi dito, nag-aalala kasi ako na kapag hindi ko binilisan ang pagsasalita ay hindi na masasabi dito ang totoo.
Narinig ko naman ang pagtawa nito sa kabilang linya, pero matapos non ay agad din nitong binigay sa akin ang pangalan nito sa f*******:.
Sandali kong sinearch ang account nito hanggang sa makita ko iyon, agad ko itong inaadd at matapos nga noon ay nagpaalam na din ako dito.
Ilang sandali lang ay napangiti ako ng agad nitong iaccept ang friend request ko. Siya ang unang friend ko sa bago kong f*******: account na ginawa ko, at hindi ko alam kung bakit nagdulot sa akin iyon ng kaligayahan.
Ilang sandali din akong nakatingin sa profile picture ni Hadley sa computer ko, patuloy akong nakangiti habang pinagmamasdan ang maganda nitong mukha.
"Who is she?" nagulat naman ako nang bigla kong marinig ang tanong na iyon ni Mommy malapit sa tenga ko, hindi ko kasi namalayan na nakapasok na pala ito dahil ang buong atensyon ko ay nasa harap ng computer ko.
Napansin kong nakatutok ang mga mata nito sa computer screen habang hawak hawak ang dala nitong meryenda na hiniling ko dito.
"Siya po si Hadley, ang bago kong kaibigan sa school." sagot ko naman dito, minabuti kong ilocked na muna ang computer at saka ito harapin.
Nang humarap ako dito ay saka ko lang mas napagtuunan ng atensyon ang dala nitong tray ng meryenda ko, agad kong kinuha ito sa kanya, at pinatong iyon sa study table ko.
Masaya naman naming pinagsaluhan ang hinanda nitong meryenda habang patuloy kami sa pagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa akin sa school.
Kitang kita sa mga mata nito ang labis interes na malaman ang mga nangyari at nangyayari sa akin sa school.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas simula ng pumasok ako, pero parang pakiramdam ko ay sobrang dami na ang nangyari at pinagdaanan ko.
"I'm just happy na kahit papaano ay nakikita ko na unti unti nang bumabalik ang buhay at sigla sa mukha mo. Alam ko naman na sobrang hirap na makalimutan ang nangyari..." naiiyak na naman nitong sinabi, ngunit bago pa man nito matapos ang sasabihin ay agad ko na itong pinigilan.
"Mom, it's alright. Ok na ako. Naniniwala ako... sigurado ako na magagawa kong maiayos ang buhay ko dahil lagi kayong nandiyan ni Dad. I promise you.. I will do everything para maibalik na ang dating ako. Ang masiyahin at puno ng pag-asang anak ninyo." nakangiti kong sinabi dito, hindi naman na nito kinaya ang nararamdamang emosyon kaya naman mahigpit na lang itong yumakap sa akin.
I'm really sorry Mom, kung pati kayo ni Daddy ay nadamay ng dahil sa nangyari sa akin, pero maniwala kayo at pinapangako ko na magiging maayos na din ang lahat." sigurado kong pangako dito, nasasaktan kasi ako na makita naman itong umiiyak ng dahil sa akin.
Agad naman itong bumitaw sa pagkakayakap sa akin at muli ay tinitignan ako nito ng diretso. Mamasa masa pa din ang mga mata nito mula sa pag-iyak.
"You don't have to say sorry Naya, hindi mo kagustuhan ang nangyari sayo, maliban pa doon ay anak ka namin at mahal na mahal ka namin ng Daddy mo. I am just so happy and relieved, that you are giving yourself a chance, a chance to live a normal life and to stand up again." nakangiti nitong sinabi.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Mommy, at nang makita ko ang luha sa mga mata nito ay marahan ko iyong pinunasan.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon, basta ang alam ko ay masaya na ako dahil kahit paano ay mababawasan na ang pag-aalala nito sa akin, kung nahirapan ako ay nahirapan din ang mga magulang ko ng dahil sa pinagdaanan ko.
Gagawin ko ang lahat para tuparin ang pangako ko dito na buuin ang sarili ko, naniniwala akong magagawa ko iyon lalo na't nandiyan ang mga magulang ko na hindi nagsawa na gabayan ako.
At maliban sa mga magulang ko ay nandiyan si Hadley, na pinaghuhugutan ko ng lakas para maging matapang.
Muli kong naalala ang sinabi nito bago kami magkahiwalay kanina, at dahil sa sinabi nito ay as humigpit ang pinanghahawakan ko para mas lalo kong paniwalaan na tuluyan na akong makakabangon.
"Oh siya, maiwan na muna kita, baka may kailangan ka pa kasing gawin." nakangiting sinabi ni Mommy matapos ang ilang sandaling pananatili nito sa kuwarto ko.
Agad naman nitong niligpit ang mga pinagkainan namin, bitbit nito ang tray at akma itong lalabas na ng may isang ideyang pumasok sa isip ko.
"Mom wait!' tawag ko dito nang akma na itong lalabas ng kuwarto ko. Agad naman itong tumigil sa paglabas at muling bumalik ang tingin nito sa akin.
"Bakit Naya? May kailangan ka pa ba?" masuyong nitong tanong.
Sandali naman akong nagdalawang isip kung sasabihin ko ba ang naisip ko, ngunit mas nanaig ang determinasyon kong isakatuparan ang ideyang naisip ko.
"Mom, I really need your help." nakangiti kong sinabi dito.