-=Naya's Point of View=-
"How was school?" narining kong tanong ni Mommy, kasabay ko kasi sila ngayon na kumakain ng almusal, kahit hindi ako tumingin dito ay naririnig ko ang pag-aalala sa boses nito.
"Ok naman po." matipid kong sagot dito, hindi na nito kailangan malaman ang nangyari sa akin, at baka lalo lang ito mag-alala.
Sa totoo nga lang ay hindi ko na din masyadong iniisip ang bagay na iyon na nakakapagtaka nga dahil dapat nga natrauma ako sa muntikan kong pagkakapahamak.
Basta ang alam ko lang ay nawala ang takot ko ng dahil kay Hadley, hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga dito, kasi naman ang tapang tapang nito, hindi tulad ko na isang weakling.
Hindi naman ako ganito noon, noon nga ay madalas ako pa ang nagtatanggol sa mga kaklase at schoolmates ko sa school, pero sabi nga nila lahat ng tapang sa katawan mo ay mawawala kapag dumating na sa point na pagdaanan mo ang sisira sa pagkatao mo.
Agad ko naman binura sa isip ko ang bagay na iyon, tapos na iyon at hindi ko na dapat inaalala pa iyon. Muli ay nagpatuloy ako sa pagkain, habang manaka nakang sumasagot sa mga tanong nila Mommy at Daddy.
Nagtaka naman ako ng biglang magring ang cellphone ko, sa pagkakatanda ko kasi ay tanging mga parents ko lang at si Kuya Arthur ang nakakaalam non.
"He... hello?" hindi ko mapigilan mautal ng sagutin ko ang tawag.
"Hi Naya! Hadley ito." hindi ko alam, pero biglang naging eratiko ang kabog ng dibdib ko ng malaman kong ito pala ang tumatawag, isang ngiti naman ang awtomatikong gumuhit sa mga labi ko.
"Hi... paano mo nakuha ang number ko?" tanong ko naman dito.
"Don't underestimate me, I have my ways." natatawang sagot nito.
"I just called to tell you na on the way na ako sa school, baka gusto mo munang makipagkita bago ka pumasok?" mas lalo naman bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi nito, kaya naman agad akong napatango dito.
"Si... sige kita na lang tayo sa school." sagot ko naman dito nang marealized kong hindi pala nito nakita ang pagtango kong iyon.
Agad kong tinapos ang tawag at saka ko lang napansin na kanina pa pala nakatingin sa akin ang mga magulang ko, I can see happiness from the way they looked at me.
"Papasok na po ako ng school." paalam ko sa kanila.
"Is that your friend on the phone?" nakangiting tanong ni Mommy.
"I guess..." hindi ko siguradong sagot dito, pero mukhang natuwa na din ito sa sagot ko kaya mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito.
"I really have to go. Goodbye." muling paalam ko sa kanila, nararamdaman ko kasi na ilang sandali lang ay magiging awkward na sa pagitan ko at sa parents ko.
They mean well, at alam kong gusto nilang makita na bumalik ako sa dati, iyong tipong may mga kaibigan akong nakakasama at masaya.
Naabutan ko naman si Kuya Arthur na naghihintay na sa kotse.
"Good morning Kuya." bati ko dito.
"Good morning din po Ma'am. Alis na po ba tayo?" tanong nito na sinagot ko lang ng pagtango.
Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan at ilang sandali lang ay patungo na kami sa school.
I decided to send a text message, para ipaalam dito na on the way na ako, nagtextback naman ito at sinabi ang lugar kung saan kami magkikita.
Inabot din siguro kami ng mahigit thirty minutes nang makarating sa school, matapos magpaalam kay Kuya Arthur ay agad na akong dumiretso sa nabanggit na meeting place ni Hadley, agad ko naman itong nakita, pero bigla akong natigilan nang may makita kong may iba itong mga kasama.
Nagdadalawang isip na ako kung tutuloy ba ako, pero agad naman akong napansin ni Hadley at agad ako nitong nilapitan.
"Mabuti nakarating ka na, tara ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." nakangiting aya nito, kahit nag-aalangan ay wala na akong nagawa kung hindi sumunod dito.
"Hey hey hey... sino naman ang magandang binibini na kasama mo?" narinig kong tanong ng lalaking may weird na buhok, nakatayo kasi ang style ng buhok nito.
Bigla akong napasiksik kay Hadley ng akma akong aakbayan nito.
"Lumayo layo ka nga." kunwaring naiinis na utos nito sa kaibigan, at mukhang hindi pa ito nakuntento dahil malakas nitong binatukan ang lalaki.
"Aray ko naman! Napakabrutal mo talaga, kaya wala kang nagiging boyfriend eh." pagrereklamo nito habang hinihimas ang nasaktan batok.
"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito, marahil ay iniisip nitong baka natrauma ako sa nangyari kahapon, kaya ganoon na lang ito kaconcern sa akin.
"Oo... ok lang ako nagulat lang ako sa kaibigan mo." nakangiti kong sagot dito at sa narinig ay saka lang ito napanatag.
Isa isa namang pinakilala ni Hadley ang limang kaibigan nito. Ang lalaking may nakatayong buhok na muntik nang umakbay sa akin ay nagngangalang Aziel, katabi naman nito ang babaeng may kulay blue na buhok na ang pangalan naman ay Kendra, may kambal din sa mga kaibigan nito ang babae ay nagngangalang Joelle at ang lalaki naman ay si Jaylen.
"And this guy over here is Seven, siya ang bestfriend ko sa grupo." nakangiting pagpapakilala ni Hadley sa mga ito.
Mukha naman lahat sila ay mabait, maliban na lang kay Seven na hindi ko alam, pero para bang mabigat ang loob nito sa akin samantalang ngayon lang kami nagkita.
"Nga pala Hadley, tungkol sa inutos mo kahapon..." narinig kong sinabi ni Aziel, ngunit agad iyong pinutol ni Hadley.
"Mamaya na natin pag-usapan yan." sagot naman nito sa kaibigan, hindi naman nakaligtas sa akin ang pagbabanta sa paraan ng pagkakatingin nito kay Aziel, na pinagkibit balikat ko na lang.
Hindi naman naging mahirap para sa akin ang mapalagayan sila ng loob lalo na't ramdam na ramdam ko ang pagwewelcome nila sa akin sa grupo.
"Basta kapag may nanggulo sayo dito sa school sabihin mo lang sa amin at kami na ang bahala." nakangiting sinabi naman ni Joelle, hindi ko mapigilan na macutean dito, pareho kasing Korean ang mga magulang ng kambal.
"Salamat." nahihiyang sagot ko naman.
"Naku huwag mong alalahanin iyon, ang lakas mo kaya dito sa amazonang ito." natatawang biro ni Aziel, agad naman itong umiwas nang akmang babatukan na naman ito ni Hadley, na sinundan ng tawanan ng grupo, hindi ko na napigilan ang sarili ko na natawa na din sa kakulitan ni Aziel, natigil lang iyon nang bigla na lang tumayo si Seven.
"Aalis ka na ba?" tanong ni Hadley kay Seven.
"Oo, dideretso na ako sa first subject natin, hindi ka ba sasabay?" nananantiyang tanong nito dito.
"Mauna ka na muna, sasamahan ko muna si Naya." sagot naman nito, muli ay napansin ko ang kakaibang tinginan nang dalawa.
Hindi din naman nagtagal at nagpaalam na si Hadley sa mga kaibigan nito na sasamahan ako nito sa una kong klase, habang naglalakad ay nanatili itong tahimik na para bang may malalim itong iniisip.
"Galit ba sa akin si Seven?" tanong ko dito, agad naman itong napatingin sa tanong ko.
"Bakit mo naman nasabi yan?" balik tanong nito.
"Wala naman, para kasing ang bigat ng dugo niya sa akin at hindi siya masaya na kasama niyo ko." paliwanag ko dito, bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi kong iyon.
"Huwag mong intindihin iyon, ganoon lang talaga iyon lalo na kapag bagong kakilala lang niya, pero gagaan din ang loob non sayo." nakangiti nitong paliwanag, medyo nagduda ako kung mangyayari nga iyon, pero sinarili ko na lang iyon.
"Promise me Naya, kahit anong mangyari, tawagan mo ako agad." seryoso nitong sinabi, nagtaka naman ako sa nakikita kong determinasyon sa mga mata nito habang sinasabi ang bagay na iyon.
Naguguluhan man ay sumang-ayon na lang ako dito, hindi ko alam kung bakit ganito na lang ito kaconcern sa akin, samantalang kakakilala lang naman namin, inisip ko na lang na baka nag-aalala lang ito na baka balikan ako ng dalawang muntik nang magsamantala sa akin.
Nang mawala na ito sa paningin ko ay parang muli akong nagbalik sa dating ako, noong unang beses na pumasok ako sa school, hindi ko alam kung bakit, pero panatag lang ang loob ko kapag kasama ko si Hadley.
KInakabahan man ay pumasok na ako sa una kong subject, at dahil bago ay kinailangan kong magpakilala sa harap ng klase.
Para ko naman nalulon ang dila ko ng nasa harap na ako, mas lalo akong kinabahan nang makita kong titig na titig sa akin ang lahat, muli ay sinalakay ako ng takot, kaya naman mas lalong walang lumabas na salita sa mga labi ko.
"Ms. Alegria, please proceed." narinig kong sinabi ni Professor, pero kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang makapagsalita.
Bigla naman akong nakaramdaman na para bang may ibang tao na nakatingin sa akin at nang tumingin ako sa labas ng pinto ay nakita ko si Hadley na nakatingin sa akin, nakangiti ito sa akin na para bang pinapalakas nito ang loob ko na siyang nangyari.
"Hi everyone, my name is Naya Alegria....." pagsisimula ko, bigla akong nagkalakas ng loob ng makita ko si Hadley, hanggang sa matapos ako at dumiretso na ako sa puwesto sa bandang likod, ngunit nang tignan ko si Hadley ay wala na ito doon.
Baon ang lakas ng loob na dinulot ni Hadley ay nagpatuloy ako sa mga klase ko, may mangilan ngilan na sinubukan akong kaibiganin, pero naramdaman siguro nila na naiilang ako sa mga tao kaya naman hindi na nila ako kinulit.
Patapos na ang klase ko bago maglunch break nang makatanggap ako ng text message mula kay Hadley, inaaya ako nito na sumabay na sa kanila sa lunch na agad ko naman sinang-ayunan.
Agad naman akong lumabas ng classroom ng tumunog na ang bell para sa lunch break, habang naglalakad sa cafeteria kung saan kami kumain kahapon ay hindi ko maiwasang marinig ang usap-usapan ng mga nakakasalubong ko.
Ayon sa mga ito ay may dalawa daw estudyante ang napatalsik sa school, pero hindi daw iyon ang pinakamalalang nangyari. Ayon pa sa mga narinig ko ay bugbog sarado daw ang dalawa at nasa ospital daw sila ngayon.
Bigla ko naman naisip ang dalawang lalaking muntik nang magsamantala sa akin.
"Sila kaya iyon?" sa loob loob ko, pero agad ko iyong binura sa isip ko dahil malabong sila iyon dahil hindi naman ako nagreport sa nangyari.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa naturang cafeteria, nandoon na si Hadley kasama ang mga kaibigan nito maliban kay Seven.
"Hi.." ang nahihiyang bati ko sa mga ito, agad naman umurong si Hadley na para bang sinasabi nitong tumabi ako sa kanya na siyang ginawa ko matapos makapag-order ng kakainin ko.
"So... kamusta naman ang mga klase mo?" nakangiting tanong nito, habang titig na titig sa mukha ko, bigla naman akong nakaramdaman ng pagkailang kaya agad akong nag-iwas ng tingin dito, maliban pa doon ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko sa paraan ng pagtingin nito sa akin.
"Ano ba Naya! Pareho kayong babae, hindi mo naman siguro kailangan mailang." kastigo ko sa sarili.
"Ok naman, medyo nangangapa pa nga lang." sagot ko dito.
"Nasaan nga pala si Seven?" tanong ko dito.
"Naku missing in action, pero huwag kang mag-alala basta basta na lang iyon susulpot." balewala naman nitong sagot, ilang sandali nga lang ay sabay sabay nang dumating ang mga order namin.
Kumpara kanina ay mas magaan na ang loob ko sa lahat ng kasama ko, dahil na din siguro na nandoon si Hadley, sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako makakasurvive sa pagpasok kong iyon kung hindi ko nakilala ito.
Katulad kanina ay hinatid uli ako nito sa sunod kong klase matapos naming kumain.
"Sige mauna na muna ako sayo, kita na lang uli tayo pagkatapos ng lahat ng klase mo." paalam nito sa akin, hindi na din ito nagtagal at agad na itong umalis.
"Hi! Kilala mo pala si Hadley?" nagulat naman ako nang may dalawang babaeng lumapit sa akin.
Kung hindi ako nagkakamali ang dalawang ito ay sina Sabrina at Veronica, mag-best friend ang dalawa at laging updated sa mga nangyayari sa school.
"Ah oo, nakilala ko siya kahapon." sagot ko naman sa kanila, agad ko naman tinuon ang tingin ko sa ibang direksyon, umaasa kasi akong titigilan na din ako ng mga ito, pero nagkamali ako at tumabi pa sila sa bakanteng silya sa puwesto ko.
"Ang suwerte mo naman, friendly naman si Hadley, pero ilan lang ang masasabing kaibigan niya at base sa nakita ko ay masasabi kong close kayo." paliwanag ng isa sa mga ito.
"Hindi ko alam kung close na ba kami, kasi naman kakakilala ko lang sa kanya kahapon." sagot ko naman, mabuti na lang talaga at natigil na ang pagtatanong nila nang dumating na ang Professor namin sa subject na iyon at gaya sa mga naunang klase ay nagpakilala ako sa unahan ng klase.
Nagpatuloy ang klase ko ng araw na iyon na walang kakaibang nangyari hanggang sa dumating na ang huli naming subject, naghihintay ang lahat na dumating na si Professor, ten minutes na kasi ang nakakalipas, pero wala pa din ito at base sa mga naririnig ko ay kapag nagfifteen minutes na at wala pa din ito ay puwede na kaming umalis.
Habang naghihintay ay patingin tingin lang ako sa cellphone sa kamay ko, iniisip ko kasi kung magtetext ba ako kay Hadley para ipaalam dito na maaga akong makakalabas, nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig ko ang dalawang babae na nasa kanan ko.
"Grabe pala nangyari kela Chad no?" narinig kong sinabi ng babaeng may mahabang buhok.
"Oo nga eh, biruin mo na kicked out na sa school, grabe pang bugbog ang naexperience nila." sagot naman ng kasama nito.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lumapit sa kanila.
"Sorry... puwede ko bang makita ang picture ni Chad?" naiilang kong tanong sa kanila, nahihiya man ay mas nanaig sa akin ang kuryosidad.
Balewala naman nilang inabot ang cellphone para makita ko ang tinitignan ng mga ito at laking gulat ko sa nakita kong picture ng dalawang lalaki na nasa ospital.
Kahit kasi bugbog sarado ang mga ito ay agad kong nakilala ang dalawa na siyang nagtangka sa akin ng masama kahapon.
Hindi ko namalayan kung paano ako nakabalik sa upuan ko, nagising na lang ako ng mapansin kong naglalabasan na ang lahat.
Patuloy akong naguguluhan sa nakita kong picture, hindi ko maiwasang hindi isipin na si Hadley ang nagpabugbog sa dalawang iyon.
"Hi!" nagulat na lang ako ng sa pagliko ko ay nakasalubong ko naman si Hadley, medyo hinahabol pa nito ang paghinga.
"Paano mong nalaman na maaga kaming matatapos?" nananantiyang tanong ko dito.
"Professor ko din kasi si Professor Castro kanina kaya alam kong wala siya at maaga kayong makakalabas." nakangiti naman nitong paliwanag.
Minabuti kong tahimik na sumunod na lang dito hanggang sa makarating kami sa isang bench na nasa quadrangle.
Naisipan kasi nitong doon na lang kami tumambay habang hinihintay namin dumating ang sundo ko.
Tahimik lang kami habang pinapanood ang mga naglalaro ng basketball doon, hanggang sa hindi ko na napigilan tanungin ito.
"I want you to be honest with me..." ang sinabi ko dito, agad naman itong napatingin sa akin, habang hinihintay akong magpatuloy.
"Pinabugbog mo ba ang nagtangka ng masama sa akin?" tanong ko dito, hindi agad ito sumagot at nanatili lang nakatingin ng diretso sa akin.
"No." sagot nito matapos ang ilang minutong pananahimik, nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito, ayoko lang kasing isipin na baka mapahamak ito kung sakaling ito nga ang nag-utos para ipabugbog ang dalawa, ngunit sandali lang iyon nang muli itong nagsalita.
"Hindi ko sila pinabugbog... ako ang nanakit sa dalawang iyon." seryoso naman nitong sinabi.
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito na ito mismo ang may kagagawan kung bakit nasa ospital ang dalawang iyon, pero nang matitigan ko ito sa mga mata ay nakita ko ang katotohanan sa sinabi nito.
"Pe...pero bakit? Bakit ganoon ka na lang kaconcern sa akin?" naguguluhan kong tanong dito.
Bakit nga ba ganoon na lang siya sa akin?