CHAPTER 5: A New You

2027 Words
-=Naya's Point of View=- "Nandito na po tayo Ma'am." nagulat naman ako nang marinig kong magsalita si Kuya Arthur, sa sobrang kaba ko kasi ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa school, at nang tumingin ako sa labas ay doon ko napagtanto na nasa mismong gate na kami ng school. Ilang sandali akong nanatili sa kotse habang tahimik naman na naghihintay si Kuya Arthur. Makailang ulit din ang ginawa kong paghinga ng malalim bago ako pikit matang bumaba sa kotse, hindi ko alam kung bakit ko ba naisipan gawin at ituloy ito sa sarili ko, hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang pagsisihan ang hiningi kong tulong kay Mommy. Bigla akong natigilan ng magmulat ako ng mga mata, agad ko kasing napansin ang pagtitinginan ng mga taong nakakakita sa akin, mas lalo tuloy akong kinabahan ng mga oras na iyon, bigla tuloy akong napayuko ng dahil sa paraan ng pagtingin ng mga tao sa paligid. Dali dali akong naglakad papunta sa entrance gate, at matapos isuot ang ID ko ay agad na akong pumasok sa loob. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng nakayuko kaya naman hindi ko na masyadong napapansin ang dinadaanan ko, hindi ko tuloy napansin nang may tumigil sa harap ko at gaya ng inaasahan ay ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbunggo ko at dahil biglaan ay hindi ko agad nabalance ang sarili ko na naging dahilan para mapaupo ako sa sahig. "Sorry.." nahihiya kong paghingi ng paumanhin dito, agad naman ako nitong inalalayan at nang tuluyan ko itong matitigan ay saka ko lang nalaman na si Hadley pala ang nabangga ko. Labis na pagtataka ko naman ng bigla itong naglakad palayo, awtomatikong kumilos naman ang kamay ko para hawakan ito sa bag upng hindi ito tuluyang makalayo. "Yes? May kailangan ka ba sa akin?" nakangiti pa din nitong tanong, muli ay hindi ko maiwasang mamesmerized sa kulay brown na mga mata nito, sobra talaga nitong ganda na hinding hindi mo pagsasawaan tignan. Ilang sandali lang ang pagkakatulala ko sa kanya nang marealized kong parang kakaiba ang kinikilos nito, mukha kasing hindi ako nito nakilala. Hindi ko akalain na hindi ako nito makikilala gayong ang tanging pinagawa ko lang kay Mommy ay ang ipaputol ng kaunti ang mahaba kong bangs  na tumatakip sa halos kalahati ng mukha ko. Iyon ang hiningi kong tulong kay Mommy kagabi at sa totoo lang ay hindi ko pa din alam kung bakit ko nga ba naisipan iyon,. siguro ay gusto ko lang maging maayos ako sa paningin ni Hadley at sa mga kaibigan namin. "Hi... hindi mo pa din ba ako nakikilala?" hindi makapaniwalang tanong ko dito. "Sorry Miss, pero hindi talaga eh. Kilala mo ba ako?" tanong naman nito, sa reaksyon sa mukha nito ay masasabi kong hindi talaga ito nagbibiro. "Ano ka ba Hadley. Ako ito, si Naya." pagpapakilala ko sa sarili, pinigilan ko naman ang matawa nang biglang manglaki ang maganda at kulay brown nitong mga mata, nakailang ulit din itong tumingin sa mukha ko na para bang gusto nitong makasigurado. "Woah Naya! Ikaw ba talaga yan? Sobrang ganda mo." nakangiti na nitong sinabi, bigla ko naman naramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong mga pisngi ng dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam, pero parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ko sa sinabi nitong sobrang ganda ko, na para bang sobrang halaga sa akin ang magiging tingin sa akin ni Hadley. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang ng bigla na lang ako nitong inakbayan, biglang kumabog ng mabilis ang puso ko, ngunit agad iyon napalitan ng hiya ng ipakilala na ako nito sa mga nakakasalubong namin. "Sobrang ganda ng friend ko no?" mayabang nitong sinasabi sa mga nakakasalubong namin, bigla naman akong nakaramdam ng disappointment nang marinig ko ang sinabi nitong friend nito, naguguluhan na ako sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko at kung bakit nagiging ganito ang epekto sa akin kapag sinasabi nitong kaibigan ako nito. Nagpatuloy ang pagyayabang nito sa akin sa ibang tao hanggang sa makarating na kami sa tambayan ng mga kaibigan nito, I mean kaibigan namin pala. Naabutan naman namin ang mga kaibigan namin doon maliban kay Seven na mukhang wala pa din. "Hey hey hey! At sino namang magandang binibini ang kasama mo ngayon Hadley?" simpatikong tanong ni Aziel habang nakatingin sa akin, agad itong naglakad palapit sa amin ni Hadley. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Aziel nang bigla na lang tumawa ng malakas si Hadley, napahawak pa ito sa tiyan nito ng dahil sa kakatawa. "I knew it! Sabi ko nga ba at hindi mo din siya makikilala." patuloy na pagtawa nitong sinabi, sa narinig naman ni Aziel ay agad nitong nilapit ang mukha nito sa mukha ko na lalong nagpailang sa akin. Hindi ko alam pero ibang iba ang nararamdaman ko ngayong tinitignan ako ni Aziel ng malapitan sa nararamdaman ko kapag si Hadley ang tumitingin sa akin. "No way! Ikaw ba yan Naya?" hindi makapaniwalang tanong nito, hindi ko naman mapigilan ang mapangiti sa naging reaksyon nito. Napaisip tuloy ako kung ganoon na lang ba talaga kalaki ang naging pagbabago ng itsura ko ng dahil sa pinagawa ko kay Mommy. "Oo ako nga ito." nahihiyang sagot ko dito. Sa narinig ay agad nagsilapitan ang iba pa naming mga kaibigan at kagaya ng reaksyon ni Aziel ay ganoon din ang reaksyon nila ng matitigan ng mabuti ang itsura ko, hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang pinagawa ko, pero sa tuwing makikita ko ang approval sa mukha ni Hadley ay bigla akong napanatag. Nagpatuloy naman ang pagkukulitan ng mga kaibigan ni Hadley hanggang sa tumunog na ang bell para sa pagsisimula ng mga klase. "Puwede ba kitang ihatid sa klase mo Naya?" seryosong tanong ni Aziel. Bigla naman akong kinabahan ng makita ko ang seryoso sa mukha nito, hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin dito, pero mabuti na lang at agad na pumagitna si Hadley. "Back off Aziel, kilala ko buong pagkatao mo. Huwag mong idagdag si Naya sa mga wawasakin mong puso." natatawa man ay naramdaman ko ang pagbabanta sa boses ni Hadley habang sinasabi iyon. "Possessive much?" biro naman ni Aziel, matapos iyon ay sabay na kami ni Hadley na naglakad. "Huwag mong intindihin si Aziel, mukhang may gusto talaga sayo iyon, pero hindi na magtatangka iyon, unless kung gusto mo din siyang manligaw sa iyo?" nananantiyang tanong nito, sandali pa kaming tumigil para matitigan ako nito sa mga mata. "Naku wala... wala akong gusto sa kanya." natatarantang sagot ko dito, ayokong isipin nito na may gusto ako sa kahit na sinong kaibigan nito, mukha naman na nasatisfied ito sa sagot ko. Naghiwalay lang kami ng makarating na ako sa building ng course namin, agad itong nagpaalam at nagpatuloy na sa paglalakad, gaya ng dati ay binabati ito ng kahit na sinong nakakasalubong nito. Muli ay nakaramdam ako ng pagkailang nang mapag-isa na naman ako, muli ko kasing napansin ang pagtingin sa akin ng mga tao sa paligid ko, nagmamadali na lang akong naglakad hanggang sa makaratng ako sa unang klase ko. Akala ko matatapos na ang awkwardness kong iyon, pero simula palang pala iyon nang makarating na ako sa classroom, literal kasing tumahimik ang lahat ng makita nila ako, kaya dali dali akong naglakad papunta sa upuan ko, ngunit hindi nagtagal nang mga ilang kalalakihan na lumapit sa akin. "Hi miss? Transferee ka ba? Bakit ngayon ka lang pumasok?" ang magkakasunod na tanong ng tatlong magkakaibigan. "Oo kakalipat ko lang. Ilang araw na din akong pumapasok." sagot ko naman dito, mukhang ngayon lang nila napansin na bago ako. Mabuti na lang talaga at dumating na si Professor kaya naman dali daling nagsibalikan ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan. Saka lang ako nakahinga nang maluwag, parang pagsisisihan ko talaga ang pinagawa ko, pero sa tuwing maalala ko ang reaksyon ni Hadley ay agad iyong nagbabago at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko ng maalala ko si Hadley. Nagpatuloy ang mga klase ko ng umagang iyon at gaya nang una kong klase ay talaga naman nagugulat ang mga kaklase ko kapag nakikita ako. Kahit noon pa ay alam kong madaming nagkakagusto sa akin noong bata pa lang ako hanggang sa magsenior year na ako, pero kung noon ay natutuwa ako sa mga papuri ng mga tao ay iba na ngayon na kung puwede nga lang kay Hadley lang ako magpakita ay ginawa ko na, pero alam ko naman na malabo iyon. Sa wakas dumating na ang lunch break, at gaya ng sinabi ni Hadey sa text nito ay dumiretso agad ako sa kaparehong cafeteria kung saan kami naglalunch. Agad gumala ang mga mata ko sa paligid, natigilan naman ako nang makita ko si Seven na mag-isa sa table, mukhang wala pa ang ibang mga kasama namin, nagdalawang isip pa nga ako kung hihintayin ko na lang si Hadley sa labas, pero naisip kong kailangan kong pakisamahan si Seven dahil kaibigan din ito ni Hadley. "Sorry Miss, pero nakareserve ang table na..." bigla itong natigilan sa sinasabi ng matitigan ako nito ng diretso. "Hi Seven, wala pa ba sila?" ang naisipan kong itanong dito, mukhang nagwork naman dahil nakilala nito ang boses ko. "Parating na sila." sagot naman nito, agad akong napayuko sa matiim na pagkakatingin nito sa akin, pero bakit may pakiramdam ako na hindi paghanga ang nilalabas ng mga mata nito, malayong malayo sa reaksyon ng ibang mga kaibigan nito. Hanggang sa magsidatingan na ang iba kasama si Hadley, doon lang ako tuluyang napanatag, agad tumabi sa akin si Hadley. "Nakaorder ka na Seven?" tanong nito sa kaibigan, kahit hindi ako tumingin ay nararamdama ko pa din ang pagsulyap sulyap nito sa akin. "Hindi pa, hihintay kita." seryosong sagot naman nito. "Aw, sweet! Bakit hindi na lang kaya maging kayo?" nanunuksong sinabi ni Aziel. Natigilan naman ako sa birong iyon ni Aziel na agad kong winaksi sa isip ko. "Siraulo!" natatawang sagot nito sa kaibigan kasunod ng malakas na batok. "Anong gusto mong kainin?" masuyong tanong nito sa akin, at hindi na nito pinansin ang pagrereklamo ni Aziel. "Kung ano na lang din kakainin mo." sagot ko naman dito, agad naman nitong tinawag ang waiter at agad na itong umorder. Sa tuwing nagsasalita si Hadley ay awtomatiko akong napapatingin dito na para bang ang sarap nitong panoodin sa kahit na anong gawin nito, sakto naman nang may maramdaman akong nakatingin at nang tignan ko ay sandali nagtama ang mga mata namin ni Seven. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa loob nito, pero agad akong napayuko nang mahuli nito ang pagtingin ko kay Hadley. Pinilit kong huwag pansinin si Seven at ienjoy na lang ang pagkain sa harapan ko kasama nila Hadley. Nang matapos ang lunch break ay agad na akong nagpaalam sa kanila at gaya ng mga nakaraang araw ay sabay kami ni Hadley naglalakad papasok sa mga susunod naming klase. "I'm happy na nakikita kong nagbabago ka na Naya." narinig kong sinabi nito habang naglalakad kami. "Paanong nagbabago?" tanong ko naman dito. "Nagbabago, hindi ka na masyadong takot sa tao at hindi ka na takot ipakita ang mukha mo sa iba." kahit hindi ko tignan ay alam kong nakangiti ito ng mga oras na iyon. Minabuti ko nang manahimik habang nangingiti na din, dahil ang pagbabago kong ito ay dahil sa kanya. Agad naman akong pumasok sa sunod kong klase at pinilit kong huwag pansinin ang iba't ibang reaksyon ng mga kaklase ko. Hanggang sa matapos ang klase, ilang mga invitations ang natanggap ko ng araw na iyon na agad kong tinanggihan, gusto ko na lang umuwi, pakiramdam ko kasi nakakapagod ang araw na ito. Nagtext din sa akin Hadley na kinakailangan nitong umuwi ng maaga kaya hindi na ako nito nahintay, medyo nalungkot naman ako sa nangyari pero pinilit kong ipagkibit balikat na lang iyon. Naglalakad na ako palabas para puntahan ang sundo ko ng maramdaman ko na may nakasunod sa akin, nilakasan ko na lang ang loob ko, kaya huminto ako at hinarap ito, laking gulat ko naman nang tumambad sa akin ang serysong mukha ni Seven. "Se... ven." ang nauutal kong nasabi, nagpatuloy ito sa paglapit hanggang tuluyan na kaming nitong nagkaharap. "Layuan mo na si Hadley." mahina lang ang pagkakasabi nito, pero para namang bomba sa pandinig ko ang sinabi nito, hindi na ako nakapagreact dahil agad na itong nagpatuloy sa paglalakad, nakatingin na lang ako sa papalayong likod nito. Hindi ko alam kung bakit nasabi iyon ni Seven, pero isa lang ang alam ko, ayaw sa akin ni Seven, kung bakit ay hindi ko alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD