CHAPTER 1: The Broken Princess
-=Naya's Point of View=-
"Are you sure you're ready to go back to school Princess?" narinig kong tanong ni Mommy.
"Oo nga naman hija, puwede ka pa naman na mag skip pa ng isa pang taon, kung nag-aalalangan ka pa din." susog naman ni Daddy sa sinabi ni Mommy.
Halos paulit ulit kong naririnig ang mga bagay na iyon sa mga magulang ko. Magmula kasi ng magpasya akong bumalik na sa school ay hindi nila maiwasang hindi mag-alala para sa akin.
Dalawang taon din ang nakalipas nang tumigil ako sa pag-aaral nang dahil sa isang pangyayaring nagpabago ng malaki sa buhay ko, at ngayon lang ako nagkalakas ng loob para bumalik sa pag-aaral.
Sa narinig ay agad akong napatingin sa mga magulang ko lalong lalo na kay Mommy. Muli kong naramdaman ang sakit sa puso ko ng makita ko ang pa-aalala sa mga mga nito habang nakatingin ito sa akin.
Minabuti kong lumapit sa kanila, at mahigpit ko silang niyakap. Gusto kong maramdaman nila na handa na ako, na kakayanin ko na nang harapin ang mundo at hindi na magtago pa.
"Don't worry, I will be fine. I promise, and besides I really need to do this." halos pabulong na sinabi ko sa kanila, at kahit labag pa din sa loob nila ay wala na din silang nagawa at hinayaan na nila ako.
Matapos magpaalam sa kanila ay agad na akong sumakay sa naghihintay na kotse, nandoon na din si Kuya Arthur na naghihintay sa akin. Si Kuya Arthur ang family driver ng pamilya.
Gusto nga sana ni Daddy na siya ang maghatid sa akin sa school, pero tumanggi ako. Kailangan ko kasing simula na huwag umasa sa mga ganitong kaliit na bagay sa mga magulang ko.
Kahit hindi ko sila lingunin ay ay nararamdaman kong nanatili silang nakatayo at tahimik na nakatanaw sa amin, hanggang sa tuluyan na nga kaming makaalis.
Isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan ko ng tuluyan na kaming makalabas ng bahay.
Habang nasa biyahe ay nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana, hindi ako makapaniwala na sa loob ng dalawang taon na pananatili ko sa bahay ay sobrang dami nang nagbago sa mga nadadaanan namin. Dalawang taon akong nagkulong sa bahay, sa bahay na din naman kasin ginagawa ang mga session ko kapag kinakailangan.
Dalawang taon, dalawang taon ang nawala at nasayang sa buhay ko. Second year college na ako nang nangyari ang masamang bagay na iyon, at ngayong taon nga ay dapat na incoming fourt year na ako, graduating na dapat ako kung hindi lang nangyari iyon. Biglang binalot ng labis na lungkot ang puso ko sa dalawang taon na ninakaw sa buhay ko.
Dali dali ko naman inalis sa isip ko ang bagay na iyon, hindi ko na dapat alalahanin ang mga nangyari noon, wala na ding mangyayari kung patuloy kong panghihinayangan ang isang bagay na hindi ko na maibabalik pa, ang maari ko lang gawin ay ang magsimula muli. Start a new life ika nga, at ang pagbabalik ko sa pag-aaral ang naisip ko para simulan iyon, pero sabi nga nila easier said than done.
"Ma'am nandito na po tayo." nagulat naman ako nang marinig ang sinabing iyon ni Kuya Arthur, saka lang ako nagising mula sa malalim kong pag-iisip at nang tumingin ako sa labas ay saka ko lang napansin na nakarating na pala kami sa school.
"Maraming salamat po Kuya Arthur." magalang kong sinabi dito.
"Sige po Ma'am, susunduin ko lang po kayo mamayang uwian ninyo." sagot naman nito, kinakabahan man ay nilakasan ko na ang loob ko ng lumabas ako ng kotse, agad namang umalis si Kuya Arthur .
Isang pagkalalim lalim na paghinga ang ginawa ko habang nakatingin sa bago kong school. Minabuti kasi ng mga magulang ko na ilipat na lang ako ng school at huwag nang bumalik sa dati kong school na agad ko namang sinang-ayunan, hindi ko kasi alam kung paano ko ba pakikiharapan ang mga naging kaibigan ko sa dati kong school kung sakaling bumalik pa ako doon, ni hindi ko nga din sigurado kung alam na nila ang totoong nangyari sa akin.
Kapansin pansin naman na halos lahat ng mga nakikita kong estudyante ay may mga kaibigan na, dalawang linggo na din kasi ang nakakalipas nang magsimula ang school year, kaya nga mas lalo akong kinakabahan, being a new student and all.
"Kaya mo ito Naya. You need to do this!" sa loob loob ko, pinilit kong palakasin ang loob ko, kung hindi ko kasi gagawin iyon ay baka tawagan ko ang mga magulang ko para magmakaawang sunduin nila ako.
Ilang minuto din ang nakalipas nang sa wakas ay nahanap ko na ang lakas ng loob para magpatuloy, ginawa ko naman ang lahat para makaiwas sa mga tao na sa paligid, sa ginagawa kong iyon ay alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao at paniguradong naweweirduhan na sila sa mga kinikilos ko.
Maliban sa mga kinikilos ko ay paniguradong naweweirduhan din sila sa itsura ko. Halos kalahati kasi ng mukha ko ay natatakpan ng buhok ko, na para bang ayokong talagang ipakita ang mukha ko sa kanila.
Mahigit thirty minutes akong maaga sa una kong klase, sinadya ko talaga ang bagay na iyon dahil siguradong mahihirapan akong hanapin ang pasikot sikot sa campus na siyang mismong nangyayari sa akin ngayon.
Natatakot kasi akong magtanong, kaya naman pinili kong hanapin mag-isa ang classroom sa una kong klase, ngunit gaya nang inaasahan ay naligaw lang ako hanggang sa ilang sandali ay narinig ko na ang bell to signal the start of the classes.
"Damn!" sa loob loob ko nang mapansin kong pangatlong beses na akong dumaan sa naturang corridor na iyon, sandali akong napatingin sa relo at nakita kong late na ako ng mga ten minutes.
"Excuse me. Naliligaw ka ba?" laking gulat ko naman ,nang may marinig akong nagsalita sa bandang likuran ko at nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses na iyon ay tumambad sa akin ang dalawang lalaki, base sa suot nila ay masasabi kong mga estudyante din sila sa school na ito.
"Ahhh... hindi... hindi ako naliligaw." nauutal kong sagot sa kanila, hindi ko mapigilan marattle habang sinasabi iyon ng dahil sa takot. Hindi ko kasi inaasahan na meron pa palang estudyante sa labas kahit na kanina pa tumunog ang bell.
"Huwag kang mag-alala, sasamahan ka na lang namin sa first class mo." nakangisi naman na sinabi ng kasama nito, parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa kilabot na dulot ng ginawa nitong pagngisi, hindi ko napigilan mapapikit nang may bigla akong maalala ng dahil sa ngising iyon.
Sa ginawa kong iyon ay hindi ko namalayan ng hawakan ako sa magkabila kong braso, pinagigitnaan nila ako na para bang sinisigurado nilang hindi ako makakatakas.
"Please just let me go." pagmamakaawa ko sa kanila, ngunit kahit anong hatak na ginawa ko ay hindi nila binibitawan ang mga braso ko, agad naman akong napaglinga linga sa paligid at umaasang may makita akong ibang tao na puwedeng tumulong sa akin.
"Don't be scared, tutulungan ka nga namin ni Brader na mahanap ang classroom mo, and besides delikado kaya dito, kaya nga walang tao dito dahil nga under renovation dito." paliwanag naman nito, doon ko napagtanto ang malaking pagkakamali ko.
"Pakawalan niyo na ako parang awa niyo na. I just want to go home." nagpatuloy ako sa pagmamakaawa sa dalawa, pero parang wala silang naririnig na patuloy lang sa pag-akay sa akin.
"Ano ka ba naman, hindi kaya magandang magskip ng klase." nagawa pang magbiro ng lalaking nasa kanan ko na tinawanan naman ng kasama nito, mas lalo akong natakot ng maramdaman ko ang pagdausdos ng kamay ng isa sa kanila sa bandang likod ko.
Hindi naman nakaligtas sa akin ang bahagyang pagluwag sa pagkakahawak sa akin ng isa sa mga ito sa ginawa nito, kaya naman ubod lakas kong sinubukang kumawala.
"Paanong..." gulat na gulat na sinabi ng isa sa mga ito, ngunit hindi ko na inintindi ang bagay na iyon at dali dali akong tumakbo palayo, palayo sa dalawang lalaking may masamang balak sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko ay kailangan kong makalayo sa kanilang dalawa. Naririnig ko pa ang pag-uusap ng dalawa habang patuloy pa din sila sa paghabol sa akin, mas lumalakas ang naririnig kong pag-uusap nila kaya naman masasabi kong mas napapaliit na nila ang distansiya sa pagitan namin.
Dahil hindi ako pamilyar sa lugar ay sa kung saan saan na lang ako nagtatakbo na siyang naging maling pagkakamali ko at naging dahilan para lalo akong mapahamak.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa may makita akong likuan, ngunit sa mali kong paglikong iyon ay sumalubong sa akin ang isang nakalock na pinto, at kahit anong pilit kong buksan iyon ay hindi man lang iyon natinag.
Sinubukan kong bumalik, ngunit agad nanglaki ang ulo ko nang makita ko ang mga humahabol sa akin.
"Ano ba naman yan? Bakit ka naman tumakbo eh ihahatid ka pa naman namin sa una mong klase." hinihingal ngunit nakangisi nitong sinabi.
Mas lalo akong napaurong, hanggang sa tuluyan na akong napasandal sa nakasaradong pinto ng makita kong unti unti nilang paglapit.
I feel like a trapped gazelle, looking and waiting for those wild hungry hyenas to devour it.
Ilang sandali nga lang ay tuluyan na silang nakalapit sa akin, pero bago pa man nila ako mahawakan ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko, umaasa akong may makakarinig na sa akin sa pagkakataong ito.
"Tulong!" halos manakit na ang lalamunan ko sa lakas ng pagkakasigaw kong iyon, parang nawawalan na ako ng pag-asa na maliligtas pa ako mula sa kamay ng dalawang ito, pero pilit akong umaasa sa maliit na pag-asang may magliligtas sa akin.
"Sinasayang mo lang ang pagod mo. Kahit anong sigaw mo ay walang makaka..." ngunit hindi na nito natapos ang sasabihin sana nito, ng bigla na lang itong bumagsak sa lapag.
Sa gulat ay hindi agad nakapagreact ang kasama nito, nagkaroon naman ng pagkakataon ang bagong dating na mahampas sa ulo ang isa pang lalaki, at katulad nang nangyari sa kama nito ay wala din itong malay na bumagsak sa sahig.
Sobrang bilis ng mga pangyayari kaya naman sandali akong natulala, bigla na lang akong napapiksi ng maramdaman ko ang paghawak at paghatak nito sa braso ko.
"Lets' go!" ang narinig kong sinabi nito, gulong gulo ang isip ko ng mga oras na iyon, ni hindi ko nga magawang mag-isip ng matino.
Ilang sandali din ang nakalipas bago nagsink in sa akin ang nangyari na sinundan ng relief, dahil sa nararamdaman ay hindi ko masyadong napagtuunan ng atensyon ang itsura ng taong nagligtas sa akin.
Nakasunod lang ako dito habang patuloy ito sa paghatak sa akin, hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa lugar na iyon, agad ako nitong dinala sa open quadrangle sa school.
Hindi ko mapigilan mapayuko habang nakatukod naman ang dalawang kamay ko sa mga tuhod ko, habol habol ko ang hininga ko mula sa pagtabo naming iyon.
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko ng dahil sa muntik muntikanan kong pagkakapahamak, at kung hindi dahil dito ay baka ano nang nangyari sa akin.
"Ma.....raming.... salamat sa pagkakaligtas mo sa akin." ang paputol putol kong sinabi dito, saka lang ako nagtaas ng tingin at saka ko lang nalaman na babae din pala ang nagligtas sa akin, pareho kami ng uniform na suot kaya nalaman kong pareho kami ng course na kinukuha nito, mahaba ang buhok nito na umabot na sa bewang nito. kagaya ko ay hinahabol din nito ang paghinga.
"What the hell were you thinking?" galit na galit nitong singhal sa akin, hindi pa din ito tumitingin sa akin kaya hindi ko makita ang itsura nito.
"I'm Sorry..." ang tanging nasabi ko sa narinig kong galit sa boses nito, natigilan naman ako sa galit sa boses nito.
"Sa tingin mo ba......." sa wakas ay humarap na din ito sa akin, ngunit nagtaka naman ako ng bigla itong tumigil at nang tignan ko ang mukha nito ay bigla akong natigilan, sobra kasi nitong ganda, kulay brown ang mga mata nito na napapalibutan ng mga mahahabang pilikmata, matangos ang ilong nito naisip ko ngang baka may spanish blood ito at sobrang pulang mga labi nito na sigurado akong walang bahid na lipstick, pero hindi iyon ang pinagtaka ko, naguguluhan kasi ako sa paraan ng pagtingin nito sa akin, na para bang kilala ako nito, kahit na nga ba hindi ko matandaan na nakita ko na ito.
A beautiful face like her is quite hard to forget.