-=Naya's Point of View=-
Mabilis na nagdaan ang mga araw hanggang sa tuluyan na ngang napanatag ang loob ko habang nasa school ako. Hindi pa din naman nagbabago ang pananahimik ko, pero hindi nakatulad dati na sobrang takot akong makihalubilo sa mga tao na para bang any moment ay may mananakit sa akin, at ang pagababago kong iyon ay dahil kay Hadley na labis kong pinasasalamatan.
Hindi ko alam kung anong puwedeng mangyari sa akin kung hindi ko ito nakilala noong unang araw nang pumasok ako sa school na ito, noong unang araw na muntik na akong mapahamak.
She was my savior, my friend and also my sister, katulad nga nang sinabi nito noon. Sa tuwing maiisip ko ang salitang sister ay hindi ko maipaliwanag ang pagtanggi sa puso ko na para bang hindi ko matatanggap na tanging kapatid lang ang turing nito sa akin.
"Mauna na muna ako sa inyo." ang walang emosyon na sinabi Seven, ni hindi man lang nito hinintay na may sumagot sa sinabi nito at basta na lang itong umalis.
Mukha naman sanay na ang mga kaibigan nito sa mga kinikilos nito kaya naman hinayaan na lang nila itong makaalis.
Kasalukuyan kasi kaming nasa tambayan ng barkada, after lunch break kasi ay nag announce na cancel na ang lahat ng klase para sa afternoon classes at dahil iyon sa event na gaganapin mismo sa school, at imbes na umuwi ng maaga ay naisipan naming lahat na tumambay na lang dito.
Hindi ko naman napigilan ang sarili kong sundan ito nang tingin hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.
"Layuan mo na si Hadley."
Muli kong naalala ang sinabi nito sa akin mahigit isang buwan na ang nakakalipas. Sinabihan kasi ako nito na layuan ko daw si Hadley. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang trato nito sa akin, kahit na nga ba tanggap naman ako ng lahat ng kaibigan nito. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama dito para tratuhin nito ng ganito.
Minabuti kong sarilinin na lang iyon at huwag nang ipaalam pa kay Hadley, ayoko naman na magkaroon ng hindi pagkakaunawanan ang dalawang ng dahil sa akin. Inisip ko na lang na hindi naman lahat talaga ay mapiplease mo.
"Gaano na kayo katagal magkakilala ni Seven?" wala sa sariling tanong ko kay Hadley habang pinagmamasdan ang papalayong si Seven. Saka ko lang binalik ang tingin ko dito ng tuluyan ng mawala sa paningin ko si Seven.
"Well... mag bestfriend ang mga Daddy nmin, kaya naman masasabi kong since birth ay magkakilala na kami or I mean nang magkaisp kami. natatawa naman nitong pagtatama sa sarili.
Napatango na lang ako sa narinig kong sinabi nito, hindi ko naman alam kung paano ko ba susundan nang panibagong tanong ang sinabi ko dito kanina, kaya naman minabuti ko na lang na tumahimik na lang, ngunit mukhang nahalata naman ni Hadley na may gumugulo sa akin.
"Is there something wrong Naya? May nagawa ba o nasabi ba sayo si Seven? biglang naging seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
"Wala... wala naman, nagtataka lang kasi ako dahil hanggang ngayon ay para bang ayaw sa akin ni Seven, na para bang mabigat sa loob niya nandito ako at kasama ninyo." minabuti kong sabihin dito ang nararamdaman ko, alam ko kasing hindi titigil si Hadley hanggang hindi nito nalalaman ang totoo.
Bumuntung hininga muna ito bago nagpasyang magsalita.
"Pagpasensyahan mo na si Seven, ganoon talaga iyon. Matagal bago niya matanggap ang ibang tao." mahinahon nitong paliwanag.
"Naging ganito din ba ang pagtrato niya kay Aziel at sa iba pa nang magkakilala kayo?" curious kong tanong dito, bigla naman itong natigilan kaya kahit hindi na ito magsalita ay nababasa ko na ang sagot sa mga mata nito.
Nabasa ko sa mga mata nito na sa akin lang ganito si Seven. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ito sa akin, minsan nga ay naiisip kong baka nagseselos ito dahil madalas kong kasama si Hadley, best friend ni Hadley si Seven kaya hindi malabong magselos ito dahil mas madalas na kaming magkasama ni Hadley kumpara dito.
"Basta, huwag mo na lang intindihin si Seven, sigurado akong matatanggap ka din non one of these days." pagpapalakas nito sa loob ko.
Sa totoo lang ay hindi ko naman gustong isipin ang bagay na iyon, dahil ang mahalaga naman ay tanggap ako ni Hadley, pero mas ok sana kung maging kaibigan ko din si Seven since siya ang best friend ni Hadley.
Nagpatuloy ang pagtambay namin doon, twenty minutes na siguro ang lumipas nang umals si Seven, nang may isang guwapong lalaki naman ang lumapit sa puwesto namin.
Hindi pamilyar sa akin ang naturang lalaki, pero aminado akong guwapo naman talaga ito at base sa reaksyon ng mga babaeng nakakakita dito ay masasabi kong sikat ito sa school.
Hindi naman kataka taka dahil talaga namang guwapo ito at maliban pa doon ay matangkad din ito at may magandang pangangatawan.
"Hi Hadley. Puwede ba kitang makausap?" nakangiting tanong nito kay Hadley, lumabas tuloy ang pantay pantay at mapuputi nitong mga ngipin.
"Uhmm... sige ba." pilit na ngiting sagot nito, halata sa reaksyon nito na napipilitan lang itong sumang-ayon.
Sandali naman itong nagpaalam sa amin at matapos nga noon ay agad na itong sumamasa bagong dating na lalaki.
"Sino iyon?" tanong ko naman sa kambal nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang dalawa.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing may lumalapit na lalaki kay Hadley ay may kung ano akong inis na nararamdaman sa dibdib ko, mas lalo ko iyong napansin habang tumatagal ang pagkakakilala ko kay Hadley.
"Iyon ba? Si Dash iyon, captain ng Taekwando team. Matagal nang may gusto iyon kay Hadley." balewala namang sagot ni Joelle na patuloy pa din sa pagcecellphone nito.
Sa narinig ay mas lalo ako nakaramdaman ng pagkainis sa lalaking iyon, hindi ko pa din maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko, hindi kataka takang madaming magkagusto kay Hadley dahil talaga namang sobrang ganda nito.
Hindi naman ako mapakali nang lumipas ang sampung minuto, ngunit wala pa din silang dalawa, pabalik balik ang tingin ko sa dinaanan ng mga ito na para bang umasa akong makikita ko na sila.
"Uyyy! Hindi mapakali si Naya! Namimiss mo naman agad si Hadley." narinig kong panunukso ni Aziel nang mapansin nitong pabalik balik ang tingin ko sa direksyon na iyon.
"Hindi kaya! Bakit naman ako hindi mapapakali. Ikaw talaga Aziel oh, kung ano ano na lang ang naiisip mo." pagtanggi ko sa sinabi nito, ngunit naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi ko sa pagsisinungaling kong iyon.
Naisip ko na lang na kaya ako nagkakaganito ay dahil sa sobrang kumportable ako kapag kasama ko si Hadley kaya naman kapag wala ito ay hindi ako mapakali gaya ngayon. Oo nga at hindi na ako masyadong naiilang na kasama ang mga kaibigan nito , pero iba pa din ang kapanatagan ng loob ko kapag kasama ko si Hadley.
Pinigilan ko na ang sarili kong tignan ang pinuntahan ni Hadley, lalo na at nararamdaman ko pa din ang nanunuksong mga tingin ni Aziel sa akin.
Limang minuto pa ang lumipas hanggang sa wakas ay mapansin ko ang pabalik na si Hadley na naglalakad sa puwesto namin.
"Sorry Naya, kung pinaghintay kita." agad na hinging paumanhin ni Hadley sa akin, agad naman itong umupo sa tabi ko.
"Ang tatag din talaga ni Dash no. Biruin mo ilang taon nang nangliligaw sayo iyon at ilang beses mo na ding binabasted pero ayaw pa ding tumigil sa panliligaw sayo." amazed na sinabi ni Aziel habang nakatingin kay Hadley.
Nagkibit balikat lang si Hadley sa sinabi nito at wala na itong iba pang sinabi, ngunit mukhang ayaw tumigil ni Azlel at nagpatuloy ito sa pangungulit. Lumapit pa nga ito sa puwesto namin.
"Bakit kasi hindi mo man lang bigyan ng chance si Dash? Mukhang sincere naman siya sayo, I mean hanggang ngayon ay ayaw kang sukuan. I get it, hindi siya ganoon kaguwapo kumpara sa akin, pero guwapo pa din naman siya." seryoso nitong sinabi, ramdam na ramdam ko ang confidence nito ng sinabi iyon.
Hindi ko naman alam kung maiiling o matatawa na lang ba ako sa sinabi nito, pero mas nanaig sa aking curiousity sa magiging sagot ni Hadley.
"Not a chance, he's not my type." balewalang sagot naman ni Hadley dito.
Pinigilan ko naman ang mapangiti ng marinig iyon, bigla akong nakahinga ng maluwag ng malaman kong hindi nito type ang naturang lalaki, ngunit agad naman naputol ang relief kong iyon ng marinig ang sinabi ni Jaylen.
"Naku naman Aziel, bago ka ng bago kay Hadyley, alam mo naman na matagal nang may hinihintay si Hadley na bumalik galing sa America." natigilan naman ako sa sinabing iyon ni Jaylen.
Awtomatiko namang lumipad ang tingin ko kay Hadley ng marinig iyon at hindi ko nagustuhan ang ngiting nakikita ko sa mga labi ni Hadley sa sinabing iyon ni Jaylen, parang pakiramdam ko ay may malaking kamay na pumiga sa puso ko habang nakatingin dito.
"Sinong hinihintay mong bumalik galing America?" nananantiyang tanong ko dito.
"Naku wala! Wala akong hinihintay na kahit sino. Huwag mo na lang intindihin yang mga yan." napapailing naman na sagot dito, pero kahit ganoon ay nanatili pa din ang ngiti sa mga labi nito.
Hindi ko alam, pero nararamdaman ko na talagang mahalaga para kay Hadley ang taong hinihintay nito, at hindi ko naman maipaliwanag kung bakit ba nasasaktan ako ng mga oras na iyon.
Pinilit kong kumilos ng normal at huwag ipahalata sa kanila ang nararamdaman ko, pero sa loob loob ko ay nandoon pa din ang labis na sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng ganoon lalo na ng malaman kong may hinihintay pala itong bumalik.
Lumipas ang mga oras na ang tanging nasa isip ko ay tungkol sa taong hinihinray ni Hadley, nagulat na lang ako ng malaman kong kailangan ko na palang umuwi.
Katulad ng mga nagdaang araw ay sabay kami ni Hadley na naglalakad papunta sa kung saan naghihintay si Kuya Arthur.
Ito na ang pinakaaabangan ko sa buong araw, ang araw ng uwian, kung saan kaming dalawa lang ni Hadley ang magkasama. Oo nga at nakakasama ko ito, pero iba pa din sa pakiramdam kapag kaming dalawa lang.
Naeenjoy ko na kasama ito at ang mga kaibigan namin lalo na at kumportable na akong kasama sila, pero iba pa din kapag kaming dalawa lang, parang maspecial ang mga mnutong magkasama kami hanggang sa maihatid na ako nito sa kotse.
"Gusto mo bang mamasyal bukas?" narinig kong tanong nito, bigla naman ang sayang naramdaman ko sa dibdib ko, ngunit sandali iyong nawala nang maisip kong baka kasama namin ang iba.
"Kasama ba natin ang iba?" nananantiyang tanong ko dito.
"Hindi, tayo lang dalawa." sagot nito. Sa narinig ay mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko at muling nanumbalik ang sayang nararamdaman ko.
Bigla akong naexcite para bukas dahil masosolo ko si Hadley sa pamamasyal.
"Oo..." nakangiti kong sagot dito, ngunit naputol ang sasabihin kong iyon nang may marinig akong malakas na boses hindi kalayuan sa puwesto namin.
"Hadley!" laking gulat ko nang marinig kong may sumigaw sa pangalan ni Hadley.
Agad ko namang nilingon ang pinanggalingan ng sigaw na iyon at tumambad sa akin ang isang lalaki na nasa six two ang taas, sobrang guwapo nito na may pagkarugged ang itsura. Kung guwapo si Dash kanina ay mas hamak na mas guwapo ito.
Laking gulat ko naman ng makitang nagmamadaling tumakbo palapit dito sa Hadley, ngunit mas lalo akong nagulat nang mahigpit na niyakap ni Hadley ang naturang lalaki.
Sobrang sakit ang nararamdaman ko nang makita ko ang sobrang sayang reaksyon sa mukha ni Hadley. Hindi ko na kailangan itanong kung sino it dahil base sa naging reaksyon ni Hadley ay masasabi kong ito na ang taong hinihintay nito. Tama nga ako ng maisip kong importante para kay Hadley ang lalaking ito.
Kung sa mga nakalipas na araw ay hindi ko pa din maintindihan ang nararamdaman ko at naguguluhan ako kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ko sa tuwing may lumalapit na lalaki kay Hadley, pero ngayon ay agad na iyong nasagot habang nakatingin sa dalawa.
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang nararamdaman ko para kay Hadley, pero narealized ko na ngayon kung bakit ganoon na lang ang sakit na nararamdaman ko habang nakatingin sa masayang itsura ni Hadley habang mahigpit na nakayakap sa bagong dating.
At iyon ay dahil sa nagseselos ako.