CHAPTER 7: Jealous Like Hell

2032 Words
-=Naya's Point of View=- "I like her." Hindi ko alam kung kailan nagsimula na mahulog ang loob ko kay Hadley, pero ngayon ko lang nakumpirma na mas malalim na pala ang nararamdaman ko para sa kanya, malaki nga ang posibilidad na mahal ko na siya. Ang buong akala ko ay tanging paghanga kang ang nararamdaman ko para kay Hadley, hinangaan ko kasi ang tapang nito na para bang wala itong kinakakatakutan, maliban pa doon ay mabuti itong tao at isa na nga ako sa patunay kung gaano nito kabuti. Tinulungan ako nito na bumalik sa dating ako, dating ako na hindi takot na makisalamuha sa ibang tao. I never imagined myself falling to the same s*x, kaya din siguro hindi naging malinaw sa akin ang nararamdaman ko para kay Hadley, pero nakumpirma ko ang totoong damdamin ko sa kanya nang makita ko kung gaano siya kasaya habang yakap yakap si Skyler. Si Skyler ang lalaking niyakap kanina ni Hadley, at ng mga oras na iyon ay parang sasabog ang puso ko sa sakit na naramdaman ko, kasunod nang pagbangon ng labis na pagseselos, at kung hindi ko talaga gusto si Hadley ay hindi ako makakaramdam ng ganito. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Jaylen kanina na merong hinihintay si Hadley na bumalik galing America at sigurado akong si Skyler ang taong iyon base sa saya na nakita ko sa mukha nito. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulala at nakatingin lang sa kawalan, nagulat na lang ako ng marinig kong magsalita si Mommy. "Are you alright Naya?" saka lang ako natauhan sa malalim na pag-iisip kong iyon nang marinig ko ang nag-aalalang tanong ni Mommy. "Ok lang po ako." isang pilit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko, ayokong mag-alala pa sila dahil lang sa nalaman kong mahal ko na pala ang malapit kong kaibigan at nasasaktan ako na baka may gusto ito kay Skyler.  Alam ko naman na wala akong karapatan para magselos, ang dapat nga ay maging masaya ako dahil bumalik na ang hinihintay ni Hadley at sigyurado akong sobrang saya nito ngayon. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa, pinagpatuloy ko naman ang hapunan ko, naisip ko bigla kung ano kayang magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag nalaman nila na ang unica hija nila ay nagkakagusto sa kapareho nitong babae. Matapos kumain ay agad na akong nagpaalam sa mga ito  at dumiretso sa kuwarto ko. Hindi ko maiwasang maisip na baka magkasama sila ngayon at dahil doon ay mas lalo akong natatakot at nagseselos. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, kahit sa dati kong nobyo ay hindi naman ako nakaramdam ng ganito. Kay Hadley lang. I really want to call her right now, pero para namang may pumipigil sa akin na gawin iyon, hindi ko kasi alam kung makakaya ko kapag nagkatotoo ang naisip kong magkasama pa din silang dalawa. Halos sampung minuto din ang lumipas, pero hindi pa din ako makapagdecide kung tatawagan ko ba ito o hindi. Lumipas pa siguro ang panibagong limang minuto nang sa wakas ay nagkalakas loob na ako. I was about to dial her number, nang bigla naman magring at isang malapad na ngiti ang nanilay sa mga labi ko nang makita kong si Hadley ang tumatawag. "Hi!" ang nakangiti ko nang sagot dito, hindi ko alam kung nasisiraan na ako ng bait samantalang kanina ay sobra akong nag-aalala, pero ngayon naman ay sobrang saya ko na kausap ko uli ito. "Sorry kung hindi na tayo nakapag-usap masyado kaninang uwian, sobrang tagal ko na kasing hindi nakita si Skyler, kakauwi lang niya galing America." lalo kong nakumpirma na si Skyler nga ang tinukoy ni Jaylen kanina na taong hinihintay nitong bumalik. "Ok lang iyon magkikita naman tayo bukas." masaya kong sinabi dito, napag-usapan kasi namin na mamasyal bukas, kaya naman sobrang excitement ang nararamdaman ko para makasama ito bukas, ngunit agad ding naglaho iyon ng marinig ko ang kasunod nitong sinabi. "About that... Puwedeng next time na lang tayo lumabas?" biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig iyon, pero pinilit kong huwag nitong mahalata ang disappointment ko. "Ahhh bakit?" tanong ko dito. "Nagpapasama kasi sa akin si Skyler, at hindi ako makahindi kasi sobrang tagal naming hindi nagkita." nahihiya nitong sagot, pinigilan kong manginig ang boses ko ng dahil sa tila pinong kurot sa dibdib ko. "Ganoon ba? Maybe sa Linggo na lang?" umaasang tanong ko dito, gusto ko kasi talagang makasama ito. "I'm really sorry Naya, pero may lakad naman kami ni Seven." sagot nito. "Kasama ninyo si Skyler?" hula ko. "Yes, kasama namin si Skyler, Skyler is Seven's older brother." paliwanag nito, sobrang pagpipigil ang ginawa ko para pigilan ang nararamdaman ko, sobrang higpit nga ng pagkakahawak ko sa cellphone ko. "I guess... enjoy na lang." ang sinabi ko dito. "Promise babawi ako sayo." pangako naman nito. "Don't worry may gagawin din kami ni Mommy. I really sorry, pero tinatawag na ako ni Mommy. Kita na lang tayo sa school sa Monday." nagmamadaling sinabi ko dito, hindi ko na ito hinintay at agad kong tinapos ang tawag nito. Tuluyan nang naglanda ang mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Alam ko naman na wala akong karapatan na magselos at masaktan dahil magkaibigan lang kami ni Hadley, pero ang kulit kasi ng puso ko eh, patuloy na sumasakit kahit wala naman akong karapatan. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog, patuloy lang kasi ako sa pag-iyak habang hawak hawak ko ang puso ko hanggang sa napagod na ako at tuluyan na akong nakatulog. Around ten na nang magising kaya, agad akong dumiretso sa banyo at napahilamos naman ako sa mukha ko ng makita ko ang namumugto kong mga mata. Dali dali akong naghilamos at matapos nga noon ay agad akong bumama, naabutan ko si Mommy na nasa sala at may binabasang libro. "Good morning Mom." alangang bati ko dito, sabay halik sa pisngi nito. "Good morning din Naya. Mukhang late ka nang nakatulog ah." nakangiting sinabi nito. "May pinanood po kasi akong movie kagabi." pagsisinungaling ko dito. Nahiga naman ako sa sofa, habang nakaunan sa hita ni Mommy. Nagpatuloy lang ito sa pagbabasa habang banayad nitong hinahagod ang buhok ko. "Paano mong nalaman na si Daddy na ang papakasalan mo? Paano mong nalaman na mahal mo na siya?" nag-aalangan tanong ko nang lumipas ang ilang minuto. Nakangiti naman nitong binitawan ang binabasang libro at  agad itong tumingin sa akin. "To be honest, hindi ko din sigurado. Basta naramdaman ko na lang na kapag kasama ko ay sobrang saya ko na parang ayoko nang matapos ang araw na magkasama kami at kapag magkahiwalay naman kami ay sobra ko siyang namimiss." sagot nito. Nanatili lang akong tahimik kaya naman nagpatuloy ito sa pagsasalita. "The main reason kung bakit nalaman kong mahal ko na siya ay nang magselos ako na may kasama itong iba, kaya naman nalaman kong mahal ko na siya, kaya agad ko siyang kinausap, but the funny part of it ay pinsan lang pala niya ang kasama niyang babae." natatawa nitong sinabi habang inaalala ang nangyari noon. Kung sana nga lang ay pareho kami ng sitwasyon ni Mommy. Kung nainlove lang ako sa lalaki ay baka mas madali ang sitwasyon, at maliban doon ay alam kong hindi naman magkaano ano si Skyler at Hadley. "Why are you asking me? May nagugustuhan ka na ba sa school?" nanunudyong tanong nito. Agad naman akong napabangon at kita ko ang panunukso sa mga mata nito. "Wala po... and besides sino ba naman ang magkakagusto sa tulad ko?" mahinang tanong ko dito. Agad naman nalungkot at mga mata nito kasunod ng labis na pag-aalala sa sinabi kong iyon, hindi ko gustong mag-alala ito, pero hindi pa din mawala sa isip ko na walang makakatanggap sa isang tulad ko. "Please Naya... Don't say that, kahit sino ay gugustuhin kang makasama, you deserve to be love and it's not your fault.. if..." naiiyak na nitong paliwanag sa akin. "Let's just drop it." putol ko sa sinasabi nito. Hindi na nga nito tinuloy ang sasabihin at nag-aalala na lang itong nakatingin sa akin. Paalis na sana ako, dahil sa nararamdaman kong awkwardness sa pagitan namin ni Mommy nang sa wakas ay nagsalita na ito. "Let's go to the mall. It's been so long since we went out just to have fun." nagsusumamo nitong pakiusap, at hindi ko kayang pahindian ito lalo na't alam kong ako ang dahilan kung bakit ito ganito. "Sure..." nakangiti kong sagot dito, mabuti na din siguro na umalis ako kaysa naman patuloy kong maisip kung ano kayang ginagawa ni Hadley ngayon kasama ni Skyler. Agad akong bumalik sa kuwarto para mag-ayos at matapos nga ang halos isang oras ay sakay na kami ni Mommy sa sarili nitong kotse. "You look lovely in that dress." narinig kong sinabi ni Mommy, sabay hawak sa kamay ko. "Thank you." tipid kong sagot dito, actually ito sana ang gusto kong suotin kung natuloy ang pamamasyal namin ni Hadley. "Saan mo gustong pumunta?" tanong ko kay Mommy nang makarating na kami sa mall. Sandali itong nag-isip at matapos nga noon ay agad ako nitong hinatak sa floor kung saan naroroon ang mga boutique. I can see how excited my Mom is, while picking clothes for me. This used to be one of our bonding, before of what happened to me. Hindi ito tumigil hanggang hindi na namin halos mabuhat ang mga dala namin, mabuti na lang at nag offer ang mall na ideliver na lang ang mga pinamili namin. "What do you want to do next?" nakangiting tanong ko dito. "Let's have lunch, hindi ko namalayan ang oras." sagot naman ni Mommy, saka ko lang din namalayan na mag aalas tres na pala ng hapon at hindi pa din kami nito kumakain ng lunch. Minabuti naming kumain sa paborito naming Italian restaurant, medyo madami dami na din ang kumakain ng mga oras na iyon kaya bahagya akong naiilang, pinilit kong huwag ipahalata iyon kay Mommy. We ordered our usual at matapos nga noon ay agad nang umali ang waiter. "So after this, maybe we can watch a movie or we can go back shopping?" tanong ni Mommy. "Maybe we can watch a movie, sobrang dami na nang pinamili natin kanina." sagot ko kay Mommy. Hindi naman nagtagal at dumating na din ang mga inorder namin, nang makita at maamoy ko ang mga pagkain ay saka ko lang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko. Kitang kita ko ang saya nito sa pamamasyal naming iyon at pinangako ko sa sarili na mauulit ang paglabas namin, hindi fair para sa mga magulang ko na madamay nang dahil sa nangyari. Matapos kumain ay agad nang nagbayad si Mommy, palabas na sana kami sa naturang restaurant ng matigilan akong makita ko ang kasalubong namin. "Naya?!" malapad na ngiting tawag nito sa akin, dali dali itong lumapit sa amin ni Mommy, agad ko naman napansin ang kasama nitong lalaki. "Hadley..." tawag ko sa pangalan nito. Hati ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Masaya ako na makita ito and at the same time ay nasasaktan ako na makitang kasama nito si Skyler, kahit na nga ba alam ko naman na magkasama itong dalawa ngayong araw. "I can't believe na makikita kita dito." masayang masaya nitong salubong sa akin. "Hello po." bati nito kay Mommy na mukhang ngayon lang nito napansin. Tinignan naman ako ni Mommy na para bang hinihintay nitong ipakilala ko sila sa isa't isa. "Mom this is Hadley, my friend from school. Hadley this is my Mom." pakilala ko sa kanila. "Nice meeting you Hadley, masaya akong makilala ang kaibigan ng anak ko... And this handsome man must be your boyfriend?" nanunuksong  tanong ni Mommy, at muli ay nakaramdam na naman ako ng kurot sa puso ko. I can literally see her face going red sa sinabi ni Mommy na lalong nagpatindi ng sakit na nararamdaman ko. "No Ma'am, he's just a friend." nahihiyang sagot ni Hadley. Ngayon ko lang nakitang nagkaganito si Hadley. Ngayon ko lang itong nakitang namula dahil sa hiya. Hindi din naman nagtagal ang dalawa at agad na din silang umalis. "Bagay sila." tila kinikilig na sinabi ni Mommy habang papunta kami sa sinehan. "Mom, I'm tired, can we go home now?" tanong ko dito. Agad naman itong sumang-ayon, gusto ko pa sanang mamasyal kasama nito dahil alam kong masaya ito, pero dahil sa pagkikita namin ni Hadley ay tuluyan na akong nawalan ng gana. Habang nasa biyahe ay muli kong naisip ang dalawa, I must admit they do look good together, kaya naman mas lalo akong naging miserable. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin para mawala ang nararamdaman kong ito para kay Hadley. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD