CHAPTER 8: The Confession

2021 Words
-=Naya's Point of View=- "You don't look so good Princess." agad naman akong napatingin kay Mommy sa sinabi nito, sabay sabay kasi kaming nag-aalmusal ng mga magulang ko ng Lunes na iyon. Agad naman akong napatingin kay Mommy, napansin ko ang pag-aalala sa mukha habang nakatingin sa akin, nang mapatingin naman ako kay Daddy ay makikita din ang pag-aalala sa mukha nito. "Ok lang po ako Mommy, medyo late lang po ako nakatulog kaya medyo inaantok pa ako." sagot ko dito, pinilit kong ngumiti para ipakita na ok lang talaga ako. Agad ko naman binalik ang atensyon ko sa pagkain, simula kasi ng marealized ko ang totoong nararamdaman ko kay Hadley ay hindi na ito maalis sa isip ko, mas nadagdagan nga ang isip ko sa tuwing maalala ko na baka magkasama si Hadley at Skyler. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kapag naiisip ko kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ni Hadley para kay Skyler. Natatakot ako na baka nga magkatotoo ang kinakatakutan ko na talagang may gusto si Hadley dito, hindi ko maiwasang masaktan kapag naiisip ko iyon, pero alam ko naman na wala akong karapatan kung magkatotoo nga iyon. "Kaibigan lang naman niya ako." sa loob loob ko. "Mauna na po muna ako." paalam ko, halos hindi ko nga nagalaw ang pagkain ko nang magdecide na akong pumasok sa school. Nag-aalala kasi ako na baka lalong mapansin ng mga magulang ko ang pananamlay ko kung sakaling hindi pa ako umalis. Tahimik lang ako habang sakay ng kotse papuntang school, pinilit kong huwag isipin si Hadley, pero kahit na anong gawin ay nananatili siya sa isip ko. "Nandito na po tayo Ma'am." nagulat naman ako nang marinig ko ang sinabing iyon ni Kuya Arthur, at nang tumingin ako sa labas ay nakita ko ngang nasa tapat na kami ng school, sobrang lalim kasi ng iniisip ko kaya parang wala ako sa sarili. "Salamat po Kuya Arthur." mahina kong sinabi dito Matapos magpasalamat ay dali dali akong lumabas ng kotse at naglakad papasok ng school. Sobrang lalim kasi ng iniisip ko kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Wala pang masyadong mga estudyante, dahil maaga pa naman, gusto ko lang talagang umiwas sa mga magulang ko, dahil masyado ko na silang napag-aalala at ayoko nang dagdagan pa iyon. Minabuti kong dumiretso na lang muna sa usual na tambayan ng grupo, at gaya nga ng inaasahan ay wala pang tao doon.  Habang naghihintay ay nag message na din ako kay Hadley na nasa school na ako, agad naman itong nagreply at sinabing paalis pa lang ito ng school. Lumipas ang mahigit twenty minutes nang magsidatingan na ang mga iba pa naming kaibigan sa tambayan. "Good morning. Ang aga mo naman yata nyaon." ang nakangiting bati ni Aziel, at katulad dati ay nakatayo na naman ang buhok nito. Bahagyang natigilan naman ako ng dumating si Seven, at katulad dati ay hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin, hindi na big deal sa akin ang bagay na iyon dahil nasanay na din ako sa pakikitungo nito sa akin. Lahat ng mga kaibigan namin ay dumating na maliban na lang kay Hadley, hindi tuloy ako mapakali habang hinihintay ito. Ilang sandali lang ay nakatanggap ako ng text message kay Hadley na malapit na ito, kaya naman parang sasabog ang dibdib ko sa excitement na makita ito. Siguro nga masyado na akong over acting, pero iyon talaga ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, ito ang unang bases na maramdaman ko ang ganitong emosyon at hindi ko akalain na sa kapwa babae ko pa ito mararamdaman. Ilang sandali lang ay natawag naman ang atensyon namin nang isa mamahalin na sasakyan, agad itong huminto kung saan kami nakapuwesto, at ilang sandali nga lang ay bumaba na ang taong nagpapagulo ng puso at isipan ko. Awtomatikong gumuhit ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko ang magandang mukha ni Hadley, nakangiti ito habang nakatingin sa akin, kaya naman mas lalong nagrigodon ang puso ko, ngunit hindi naman nagtagal iyon nang makilala ko ang lalaking nasa driver seat. "Hi guys! Kanina pa ba kayo?" ang nakangiting tanong nito, nasa likod naman nito si Skyler, hindi naman nakaligtas sa akin ang tila kinikilig na mga boses sa paligid ng dahil sa pagdating ni Skyler. Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag nakita ito, nandito na halos ang lahat ng pinapangarap na isang babae, guwapo ito, matangkad at malakas ang appeal in a rugged way. Siguro kung noon ay kahit ako ay magkakagusto dito lalo na't ganitong ganitong lalaki ang pinapangarap ko noon, pero iba na ngayon, lalo na't nakikita ko siya bilang isang rival. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng sama ng loob sa tuwing napapatingin ako dito. "Kanina ka pa ba?" nakangiting tanong nito sa akin, kitang kita ko ang kakaibang saya sa mga mata nito nang lumapit sa akin. Kung noon ay parang lumulundag ang puso ko sa tuwing nakangiti ito sa akin ay kabaliktaran naman ngayon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Alam ko naman kasi ang dahilan ng kakaibang ngiti nito ngayon, alam ko naman na dahil kay Skyler kaya ito masaya, sobrang sakit lang isipin na hindi ako ang dahilan ng kasiyahan na nararamdaman nito, na hindi ako ang nagpapasaya dito kung hindi ibang tao. "I'm sorry, I really need to go." nagmamadali kong paalam sa kanila, hindi ko na pinansin ang pagkagulat sa mukha ni Hadley nang basta na lang akong umalis at iwan ito. Sobrang bilis ng mga lakad ko na halos para na akong tumatakbo para lang makalayo sa lugar na iyon, pinilit kong huwag pansinin ang nag-aalalang pagtawag sa akin ni Hadley. Dali dali akong dumiretso sa pinakadulong bahagi na comfort room sa campus, mabuti na lang at walang ibang taong naroon. Nang makapasok sa cubicle ay saka ko lang malayang pinakawalan ang mga luha na nag-uunahan sa pagpatak sa magkabila kong mga mata. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganito na lang kasakit ang nararamdaman ko, kahit ilang uling kong pinapamukha sa sarili ko na wala akong karapatan na masaktan ay hindi nabawasan kahit na kaunti man lang ang sakit sa puso ko mas lalo pa nga atang lumalala ang nararamdaman ko. "Naya! Nandito ka ba?" narinig kong pagtawag ni Hadley. Agad kong tinakpan ang bibig ko sa takot na makagawa ako ng ingay, ayokong makita ako ni Hadley sa ganitong estado. Mas lalo atang lumakas ang daloy ng mga luha ko nang madinig ko ang pag-aalala sa boses nito habang tinatawag ang pangalan ko. Sandali pa itong nanatili sa comfort room kung nasaan ako, pero ilang sandali lang umalis na din ito. Saka ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko, nanghihina akong napasandal sa pintuan ng cubicle. Hindi ko ata kakayanin na pumasok sa mga klase ko, at maliban pa doon ay siguradong pupuntahan ako ni Hadley sa mga klase kong iyon. Hindi ko alam kung kaya ko bang makaharap ito ngayon, lalo na sa emosyon ko na pilit kumakawala sa dibdib ko. Kaya naman nagdesisyon akong huwag na lang munang pumasok, naisip ko ngang maaga na lang umuwi, pero siguradong magtataka si Mommy kung sakaling magpasundo ako kay Kuya Arthur. Kaya naman naisipan kong pumunta na lang sa garden na nadisukubre ko noong hinihintay kong dumating si Hadley. Natigilan naman ako ng abutan kong meron nang nauna sa akin sa lugar na iyon. Makikita ang pagkagulat sa guwapo nitong mukha ng magtama ang mga mata namin, ngunit sandali lang iyon at muli wala na akong mabasang kahit na anong emosyon sa guwapo nitong mukha. "Anong... gina...gawa mo dito?" hindi ko maiwasang marattle ng tanungin iyon. Sandali itong matiim na tumingin sa akin, bago sagutin ang tanong ko. "Masama bang pasyalan ko ang mga halaman ko?" biglang nanglaki ang mga mata ko nang malaman na siya pala ang mga nagtanim ng mga bulaklak sa hardin na iyon, malayong malayo kasi sa itsura nito na mahilig pala itong maghalaman. Sinong mag-aakala na ang isang cold and aloof na si Seven Montefalco ay may ganitong side pala.  Sandali akong napatingin dito habang dinidiligan ang mga alaga nitong halaman. Matapos ang ilang segundo ay minabuti ko nang iwan ito at maghanap na lang ng ibang lugar. Paalis na sana ako ng muli itong magsalita. "Saan ka pupunta?" wala pa ding emosyon na tanong nito. "Aalis na ako." maikling sagot ko. "Just stay, tapos na naman ang kailangan kong gawin dito, and beside... mukhang mas kailangan mo ang lugar na ito." ang sinabi nito at matapos nga noon ay agad na itong naglakad palayo. "Why do you hate me?" hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para tanungin iyon dito. Siguro ay nagtataka ako kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo nito sa akin, kahit na nga ba lahat naman ng mga kaibigan nila ni Hadley ay tanggap ako. "I don't hate you... I just don't want Hadley to get hurt because of you." natigilan naman ako sa sinabi nito, hindi ko alam kung bakit, pero parang may iba itong gustong ipahiwatig, ngunit bago pa man ako makapagtanong uli ay tuluyan na itong nakalayo. Sa wakas ay muling nasolo ko ang lugar na ito, agad akong umupo sa bakanteng upuan, at wala sa sariling pinagmasdan ang mga bulaklak sa hardin na iyon. Natauhan lang ako ng makita ko ang tawag ni Hadley, pero hindi ko talaga alam kung anong dapat kong sabihin kaya naman agad ko iyong kinancel. Halos hindi ko na namalayan ang oras dahil gulong gulo ang isip ko. Sa buong pagstay ko sa garden na iyon ay nakatingin lang ako sa kawalan. Ilang ulit pa akong sinubukan tawagan ni Hadley, pero katulad kanina ay agad ko itong pinapatayan. Saka lang ako tumayo sa kinauupuan ko nang makareceive ako ng tawag kay Kuya Arthur na nasa school na siya.  Dali dali akong naglakad papunta sa parking lot ng school, umaasa akong hindi ko makikita si Hadley, ngunit mukhang mahina ako sa taas, dahil nakita kong naghihintay ito hindi kalayuan sa puwesto ni Kuya Arthur. Agad nanumbalik sa akin ang sakit sa puso ko, kaya naman minabuti kong bilisan ang paglalakad, pero mas mabilis ito, bago pa man ako makalapit sa kotse ay napigilan na ako nito. Hawak hawak ako nito sa palapulsuhan ko, kaya natigil ako sa paglalakad. "Naya, let's talk." pakiusap nito sa akin, nakikita ko ang paghihirap ng loob nito sa mukha nito. "Not now, I really have to go." pagtanggi ko dito, pinilit kong kumawal sa pagkakahawak nito, pero hindi ako nagtagumpay. "No! We need to talk. I tried calling you on your cellphone, but you didn't answer. Sinubukan din kitang puntahan sa mga klase mo, pero hindi ka naman pumasok. Ano bang problema?" nag-aalala nitong tanong. "There's nothing wrong. Gusto ko lang umuwi." pakiusap ko dito. "May nagawa ba akong mali? Please tell me kung may nagawa akong mali sayo. Kung meron man... I'm sorry... hindi ko sinasadya." nasasaktan nitong sinabi. Pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon, ngunit nang makita ko ang sakit sa mga mata ni Hadley ay tuluyan nang kumawala ang nararamdaman ko. "Wala... kang nagawang mali... Ako... ako ang mali." hindi ko na nakayang itago ang sakit na nararamdaman ko, kaya naman naramdaman ko ang mga luha sa mga mata ko. Mas lalo tuloy nag-alala si Hadley sa akin, akmang pupunasan nito ang mga luha ko, ngunit agad ko itong pinigilan. "Stop." ang sinabi ko dito. "There is nothing wrong with you Hadley... Ako ang may problema..." patuloy kong pag-iyak. "Then tell me... what's wrong? Baka puwede kitang matulungan." nakikiusap nitong sinabi, ngunit sunod sunod akong umiling. "This time... hindi mo ko kayang matulungan." pagtanggi ko dito,. "Hindi mo alam kung matutulungan kita kung hindi mo sa akin sasabihin ang problema." sagot naman nito. "Can you love me?" kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Hadley sa sinabi kong iyon. "A...ano..." naguguluhan nitong tanong, awtomatikong nabitawan nito ang kamay ko. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko, habang nakatingin sa kumplikadong reaksyon sa mukha ni Hadley. "The problem is... I fell in love with you... Kaya sabihin mo... matutulungan mo ba ako?" hindi ko na kinayang itago ang tunay kong nararamdaman para dito. Halata ang pagkagulat nito sa sinabi kong iyon, nanatili lang itong nakatingin sa akin at mukhang hindi alam ang sasabihin. "Goodbye Hadley." paalam ko dito, nang wala pa din akong marinig na kahit ano dito, kahit alam kong walang pag-asa ay umasa pa din ako na kahit paano ay baka may chance na pareho kami ng nararamdaman, ngunit base sa reaksyon nito ay alam kong malabong mangyari iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD