CHAPTER 2: Hadley Lastimozo

2014 Words
-=Naya's Point of View=- "Kilala mo ba ako?" nagtataka kong tanong dito, sa paraan kasi ng pagkakatingin nito sa akin ay para bang namumukhaan ako nito, pero kahit anong isip ko ay wala akong maalala na kilala ko ito o nakita ko man lang. No... it's just that... kamukha mo lang kasi ang... never mind." nalilito nitong paliwanag, ngunit mas naguluhan ako sa sinasabi nito. "We better leave." sagot naman nito matapos ang isang malalim na paghinga, mukhang sa wakas ay natauhan na din ito. Muli ay hinakawan ako nito sa palapulsuhan ko at agad ako nitong hinatak palayo. Bigla naman akong natigilan ng may kakaiba akong naramdaman habang nakahawak ito sa akin. Hindi ko din maipaliwanag ang kapanatagan ng loob ko habang kasama ito, dahil na din siguro sa ginawa nitong pagliligtas sa akin sa dalawang lalaking iyon. "I think safe na tayo dito." nagulat na lang ako ng bigla itong huminto sa pagtakbo, saka ko lang din napansin na nasa lugar na kamu kung saan merong mga security guards sa paligid. "Maraming salamat uli sa pagliligtas mo sa akin." nahihiya kong sinabi dito, hindi ko kasi maiwasang hindi mahiya ng dahil sa abalang dinulot ko sa kanya. "Huwag mong intindihin iyon, pero sa tingin ko ay dapat kang magfile ng complaint sa ginawa sayo ng dalawang iyon." seryoso naman nitong suhestiyon habang matiim na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nakatingin ito ng diretso sa akin ay hindi ko kayang makipagtitigan dito ng diretso, kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin dito. Ilang sandali pa ang nakalipas bago tuluyan pumasok sa isip ko ang sinabi nito. "Naku! Huwag na!" todo pagtangging sinabi ko dito, ayoko na kasing palakihin pa ang nangyari lalo na't hindi na naman natuloy ang masamang balak sa akin ng dalawa, pero ang totoong dahilan ay ayokong malaman ng mga magulang ko ang nangyari sa akin. "Muntik ka nang pagsamantalahan ng dalawang iyon, pero wala kang gagawin laban sa kanila?!" hindi naman makapaniwala nitong tanong. Muli akong natigilan nang marinig ang sinabi nito, sa totoo lang ay pilit kong inaalis sa isip ko ang imaheng iyon na nagpupumilit sumiksik sa isipan ko. "Stop it Naya!" galit kong sita sa sarili ko, pilit kong nilalabanan na magbalik sa isip ko ang mga bagay na pilit kong kinakalimutan. "Are you ok?" saka lang ako natauhan nang marinig ko ang nag-aalalang boses nito, parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko ng marinig ko ang pag-aalala sa boses nito, at nang mapatingin ako sa magandang mukha nito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko ng mapayakap ako dito. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang natulak sa akin, pero namalayan ko na lang na mahigpit na pala akong nakayakap sa kanya habang malayang dumadaloy ang mga luha sa magkabila kong mga mata. "Don't worry, ligtas ka na, hindi ka na masasaktan ng dalawang iyon, nandito na ako." sa narinig ay mas lalo akong napaiyak, hindi ko alam kung bakit o kung saan ba talaga nanggagaling ang pakiramdam kong ito, pero habang nakayakap ako dito ay nararamdaman ko ang kaligtasan at kapanatagan ng loob na matagal ko nang inaasam asam. Hinayaan lang ako nitong umiyak ng umiyak, nararamdaman ko naman ang marahan nitong paghagod sa likod ko na para bang pinaparamdam nito sa akin na magiging maayos na ang lahat. Hindi ko na alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon, nawala nga sa isip ko kung nasaan kami ng mga oras na iyon. "Sorry..." nahihiya kong sinabi dito nang sa wakas ay mahimasmasan ako, mas lalo akong nahiya ng mapansin kong nabasa ko ng luha ko ang suot nito. "It's ok, you don't have to say sorry. Natural lang makaramdaman ka ng ganyan, pero ok ka na batalaga?" nag-aalala pa din nitong tanong. "Yes, ok na ako." nakangiti ko nang sagot dito, sandali naman akong natigilan nang may marealized ako. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang kauna unahang beses na ngumiti ako mula nang mangyari sa akin ang masamang bagay na iyon. Muli ay napatingin ako sa maamo at maganda nitong mukha. Muli ay naramdaman ko ang mainit na bagay sa dibdib ko habang nakatingin dito. Minabuti na nitong samahan na ako sa una kong klase, nanatili naman akong walang imik hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin, ngunit nang nasa pinto na kami ay tila may isip ang kamay ko na awtomatikong kumapit sa suot nitong blouse. Agad naman itong napatingin sa ginawa kong iyon, nakita ko ang pagtataka sa mga mata nito habang nakatingin sa akin, ngunit sandali lang ang pagtataka nito at muli na itong napangiti. Again I felt a gentle tugged in my heart when I saw her smile, naramdaman ko din ang pag-iinit ng mukha ko ng dahil doon, bigla tuloy ako napabitaw sa pagkakahawak ko sa blouse nito. "Gusto mo ba munang huwag na lang pumasok ngayon?" nakangiti nitong tanong, mukhang nabasa kasi nito ang pag-aalinlangan ko kanina. Sinubukan kong magsalita, pero parang hindi naman nakikisama ang bibig ko na walang lumabas na salita at dahil doon ay sunod sunod na tango na lang ang ginawa ko, hindi naman nito naiwasang matawa sa ginawa kong iyon. Muli ay hinawakan na nito ang kamay ko na para bang normal lang para dito ang hawakan ang kamay ko, ilang sandali lang ay hinahatak na muli ako nito, hindi ko nga alam kung saan ako nito dadalhin, basta ang alam ko ay kahit kakikilala lang namin ay sobrang laki na ang tiwala ko dito, at maliban pa doon ay hindi pa din nawawala ang kakaibang emosyon na binibuhay nito sa puso ko, isang emosyon na hindi ko agad mabigyan ng pangalan. Mahigit sampung minuto na din siguro kami naglalakad ng sa wakas ay tumigil na din ito, agad naman itong humarap sa akin. "Hand me your registration card." utos nito, nagtataka man ay agad kong inabot ang registration card ko dito nang walang tanong tanong. "Ok! I think it is better for me to show you around the campus, para kahit paano ay maging pamilyar ka naman sa school." nakangiting paliwanag nito, that explains the registration card. Matapos sabihin iyon ay nagpatuloy na kami sa paglalakad, at gaya ng sinabi nito ay pinuntahan namin ang lahat ng classroom na nasa classcard ko, inabot na nga din kami ng pagtatapos ng unang klase sa ginawa naming iyon. Sobrang laki ng pasasalamat ko dito sa pagliligtas nito sa akin at ngayon nga ay nagdecide na din itong hindi na muna pumasok para lang samahan ako na lihim kong pinagpapasalamat dito. Kain na muna tayo, kanina pa kasi ako nagugutom." narinig kong sinabi nito, sandali naman akong napatingin sa wristwatch ko at saka ko lang napansin na past ten na pala. Kanina pa kami naglalakad nito at sa sinabi nito ay nakaramdam din tuloy ako ng gutom lalo na't hindi naman ako nakakain ng maayos ng almusal dahil sa anxiety ko ng dahil sa pagbabalik school ko. Naisipan namin na sa cafeteria na lang sa loob ng campus kumain, nasa bandang gilid iyon ng guadrangle, may iba ding mga stores ang restaurant ang naturang cafeteria. "What would you like to eat?" tanong nito nang nasa tapat na kami ng counter. Sandali ko naman tinignan ang menu na nasa itaas. ""Baked mac na lang siguro." mahina kong sagot dito, agad naman itong nag-order ng dalawang baked mac, nag-order na din ito ng dalawang garlic bread para daw may kapartner ang order namin. Kukunin ko na sana ang wallet sa bag ko nang pigilan ako nito. "Don't worry, it's my treat, isipin mo na lang na welcome treat ko ito sa first day mo sa school." nakangiti nitong sinabi. "Pero... ako dapat ang manlibre sayo, I mean it's the least thing I can for you." pagpupumilit ko dito, nakakahiya naman kung ito pa ang magbabayad sa pagkain namin gayong niligtas na nga ako nito kanina, tapos sinamahan pa ako nito. Wala nang nagawa ang pagpupumilit ko dito, kaya naman hinayaan ko lang ito sa gusto niya, at matapos makuha ang order ay agad kaming dumiretso sa bandang gilid na table kung saan matatanaw ang malawak na field. Mangilan ngilan lang ang customer ng cafeteria na iyon dahil nga sa maaga pa naman, maliban pa doon ay kanina pa din nagsimula ang kasunod na klase. "So... base sa nakita at napansin ko. I assumed na kapapasok mo pa lang, tama ba?" tanong nito habang kinakain ang inorder nito. "Oo, late enrollee kasi ako kaya ngayon lang din ako nakapasok." sagot ko na lang dito. "I see... well huwag ka sanang matakot sa school na ito. Maganda naman ang school na ito, maganda ang facilities at mababait din ang mga estudyante, iyon nga lang meron pa ding mangilan ngilan na... alam mo na." mahabang paliwanag nito. Kahit hindi diretsa nitong sinabi ay naintindihan ko naman ang sinabi nito, muli ko tuloy naalala ang dalawang lalaking nagtangka sa akin ng hindi maganda kanina, muli ay nakaramdam ako ng labis na takot. "Don't worry about it, sisiguraduhin kong mananagot ang dalawang iyon." determinado nitong sinabi, marahil ay napansin nito ang naging reaksyon ko kaya nalaman nitong naalala ko ang nangyari kanina. Nagpatuloy ang pagtatanong nito sa akin, kung ano anong bagay lang naman ang tinatanong nito. Kahit nahihiya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong din dito, para kasing naging interesado akong makilala ito ng mas mabuti. Nang matapos kumain ay minabuti naming magpahinga na muna, matapos ang mahigit fifteen minutes ay nagpatuloy na kami sa pamamasyal namin sa buong campus. Habang naglalakad ay nagpatuloy ito sa pagsasalita habang pinapaliwanag nito ang mga lugar na pinupuntahan namin, para tuloy naging personal tour guide ko ito. Hindi naman nakaligtas sa akin na para bang kilalang kilala ito ng mga nakakasalubong namin na mga estudyante. Lahat kasi ng nakakasalubong namin ay nginingitian ito na sinusuklian din naman nito ng ngiti. By the looks of it ay masasabi kong sikat ito sa school. Hindi na din kataka taka dahil maliban sa sobrang ganda nito ay sobrang bait pa nito. Hindi ko naman maiwasang mainggit dito, dahil ganito din ako dati sa dati kong school. Sikat ako sa dati kong school at marami akong kaibigan. Halos lahat ng tao sa dati kong pinapasukan ay gusto ako, nagbago lang ang lahat ng iyon dahil sa nangyari sa akin noon at ngayon nga ay pilit kong binabangon ang sarili ko. Sobra kong naenjoy ang pamamasyal naming iyon na hindi ko na namalayan ang oras, para ngang hindi ako nakaramdam ng pagod kahit na nga ba kanina pa kami sa paglalakad. Tuluyan nawala sa isip ko ang oras dahil kasama ko ito, ang sarap kasi nitong kasama at masarap din itong kakuwentuhan, kaya naman laking gulat ko nang marinig ko ang sunod nitong sinabi. "So... I guess, that's it. Napuntahan na natin ang mga kailangan mong mapuntahan at malaman na lugar sa school." nakangiti nitong sinabi, saka ko lang narealized ang oras at doon ko lang napagtanto na mag-uuwian na pala. Minabuti nitong samahan ako sa waiting area kung saan ko hihintayin ang pagdating ni Kuya Arthur, hindi ko alam kung bakit, pero parang mabigat sa loob ko na magkakahiwalay na kami nito. Ilang sandali nga lang ay dumating na din si Kuya Arthur, kaya naman nagpaalam na din ito. "Oh siya maiwan na kita dito  Naya, may kailanga pa kasi akong asikasuhin na mga basura." misteryoso nitong sinabi. "Maraming salamat talaga sa pagliligtas mo sa akin. Thank you sa pagtotour mo sa akin sa school." nakangiti kong sinabi dito, tatalikod na sana ito nang may bigla akong naalala. "Wait!" nabibigla kong tawag dito, agad namang humarap ito pabalik sa akin, at hinintay na magsalita ako. "Sorry... nakalimutan kong itanong, anong pangalan mo?" gusto kong batukan ang sarili ko, kanina pa kami nito magkasama, pero hindi man lang pumasok sa isip ko na itanong ang pangalan nito. "My name is Hadley... Hadley Lastimozo." nakangiting sagot nito, at matapos nga noon ay agad na din itong umalis, nanatili lang akong nakatanaw dito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. "Ma'am Naya, tara na po?" narinig kong tanong ni Kuya Arthur. Agad naman akong sumakay sa kotse hanggang sa makaalis na kami sa school. "Kamusta po ang school?" muli ay narinig kong tanong ni Kuya Arthur habang nagmamaneho. "Great." nakangiti kong sagot dito, oo nga't may hindi magandang nangyari kanina, pero napatungan iyon ng dahil kay Hadley. "Hadley Lastimozo......." sa isip isip ko habang inaalala ang maganda ang maamo nitong mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD