CHAPTER 2

1936 Words
ISLA ORA MAGO "Ano, hindi n'yo pa ba nahahanap si Alicia? Ang anak niya, nasaan na?" Galit na galit na tanong ni Luisa sa kaniyang mga Nigrum Ariolos. Nagpakawala ng pulang apoy si Luisa gamit ang mga kamay at pinahagingan ang mga alagad. "Ipagpaumanhin niyo po, Dea Luisa. Hinalughog na namin ang lahat ng lugar na mayroong gumagamit ng mahika subalit bigo kami. Ibang mga Wiccan ang aming natatagpuan." Dea Luisa ang nais niyang itawag sa kaniya bilang pinuno ng buong Isla Ora Mago. "Kasalanan n'yo ito. Kung hindi siya nakatakas sa inyo labing dalawang taon na ang nakararaan, eh 'di sana nakuha n'yo na siya at ang medalyon! Nahanap n'yo na, nakatakas pa! Mga inutil!" Sabay pahaging ulit ng nagngangalit na apoy. "Mahal ko, kaunting hinahon. Mahahanap din natin sila," saad ni Deus Janus. Silang dalawa ang nagpakasal at namuno ng mahigit labing limang taon na mula nang mapabagsak ang mga Mago, mabihag ang amang si pinunong Amadeo at mapalayas ang magkakapatid na Mago. "Hindi na ako makapaghihintay, Janus. Paano kung matupad ang hula ng Orakulo na ang bagong sibol na Mago ang tatalo sa akin? Hindi maaari 'yon! Ahhhh!" Sabay pakawala ng malakas na enerhiya na halos sumira sa mga pader ng bulwagan. "Ang tagal kong hinintay ang araw na mapasa-akin ang lahat. Pinakisamahan ko sila ng maraming taon para sa pagkakataong ito. Ito ang hiling ng aking ina at ng aking lola. Ito ang ganti ng aming lahi sa pang-aapi ng mga Mago sa aming mga ninuno! Ahhhh!" Pinasabog ni Dea Luisa ang rebulto ni Asarea na nasa kanang bahagi ng bulwagan. "Huwag kang mag-alala. Naghahanap din si Jeffer kay Alicia. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng anak kong iyon at nahumaling ng husto kay Alicia kahit isang beses pa lamang niya ito nakita. Magagamit natin ang paghahanap niya para matunton natin sila. Pasusundan ko siya," saad ni Janus habang hinihimas-himas ang baba at balbas nito. Guwapo ito, oo, pero mukhang hindi gaggawa ng mabuti sa kapwa. Parang kontrabida sa pelikula ang dating. "Sana nga, Janus, at nang hindi masayang ang mga sakripisyo natin. Alalahanin mong tumiwalag ka rin kay Narreus upang mamuno sa Ora Mago," walang emosyong pahayag ni Luisa. "Dea Luisa, magandang araw." Bungad ni Osualdo nang biglang sumulpot mula sa hangin, ang high priest ng Isla Ora Mago. "Ano ang maganda sa araw, Osualdo?" pang-iinis na tanong ni Luisa sa high priest ng kaniyang Ama. Alam niyang tutol ito sa naganap sa tribo ngunit hindi ito gumagawa ng hakbang para suwayin si Luisa kung kaya't hinayaan na lamang niya itong mamalagi sa isla o mabuhay pa. Hangga't may pakinabang ito, mananatili itong buhay. "Nakatakas ang ilang salamangkerong naninirahan sa kapatagan. May isang maliit na portal sa dulong bahagi ng isla at doon sila dumaan. Walang may alam kung sino ang lumikha ng portal na ito," pahayag ni Osualdo. "Ano?! Anong kapabayaan na naman ito? Sino ang traydor dito? Ikaw ba Osualdo?" galit na tanong ni Luisa. "Wala akong alam diyan, Dea Luisa. Kung ako'y may alam, hindi ko na ibabalita pa ito sa inyo. Huwag kayong mag-alala sapagkat nagawan ko na ng paraan ang portal. Ito ay nasarahan na kanina lang. Subalit hindi namin alam kung ilang salamangkero ang nakatakas." "Hmmm... May isang taksil na nasa aking tabi. Malalaman ko rin kung sino ka. Janus, siguraduhin mong walang ibang makakalabas o makakapasok muli sa isla ng wala nating pahintulot. Mahirap na." Tumalikod si Luisa at dumiretso sa kaniyang silid. ☆ "NAHANAP mo na ba si Ate Alicia?" tanong ni Nitz kay Cory. "Hindi pa rin, Benita. Hindi siya makita ng aking pendulum at ng ating pinagsamang dugo. Hindi ko magawang gamitin ng todo ang aking kapangyarihan at baka matunton tayo ng mga tauhan ni Luisa." Nag-aalalang sagot ni Cory. "Sinabi ng Nitz, Ate, masyado kang makaluma. Anyway, Saan na kaya siya napunta? Bigla siyang naglaho matapoos niyang gamitin ang medalyon upang iligtas si Serafina." nagtatakang tanong ni Nitz. "Hindi ko alam. Ilang henerasyon na rin mula ng huling ginamit ang medalyon laban sa isang masamang bruha, kaya walang nasusulat sa ating lumang Carta kung ano ang epekto nito sa ginamitan o sa gumamit. May ilang bahagi ng Carta ang napunit, posibleng naroon ang sagot sa ating katanungan... Posibleng na-trap sila sa ibang dimensyon, o napunta sa ibang lugar. Hindi ko alam. Pero mas mainam na iyon basta buhay si Ate Alicia." "Si Fin, malapit na ang ika-labing anim na taong kaarawan niya. Hindi ba natin sasabihin sa kaniya ang lahat? Unti-unti nang lumalabas ang kapangyarihan niya pero wala siyang ideya sa totoong pagkatao niya at sa totoong nangyari sa mga magulang niya. Tatlong taon pa lamang siya ng pagtangkaan siyang patayin ng mga tauhan ni Luisa." May pag-aalala sa tono ni Nitz. Ang alam ni Fin ay patay na ang kaniyang mga magulang nuong bata pa lang siya. "Malapit na. Sa takdang panahon." Habang nakatingin ni Cornelia sa Salamin ng Hinaharap. Ito ay may basbas ng sinaunang Orakulo at tubig mula Balon ng Kalinisan na nasa tagong silid ng kaniyang Ama. "Si Franz, may nakikita ka ba sa kaniya na kapangyarihan? Kahit ordinaryong tao lang ang asawa mong si Ed, sigurado akong may makukuha si Franz na kapangyarihan mula sa dugo nating mga Mago." Biglang naalala ni Nitz. "Hindi ko alam. Malihim sa akin ang batang iyon. Mas malapit 'yon kay Fin. Susubukan kong tanungin si Fin kung may napapansin siyang kakaiba kay Franz." Nag-iisip na saad ni Cornelia. Tumayo si Nitz at nagtangkang gamitin ang Berbo (teleport) papunta sa herbal shop subalit naalala niyang bawal nga pala. "Maglalakad na nga lang pala ako." Sabay kamot sa ulo. Napailing na lang si Cornelia habang ibinalik ang paningin sa mapa at pendulum. ☆ NAGLALAKAD sa hallway si Fin papunta sa classroom nila ng may humarang sa daanan niya. "So, ikaw pala ang lumalandi kay Jacob." Mataray na bungad ni Cassey. "Excuse me, hindi ko siya nilalandi. Siya ang lumalapit sa akin at nakikipagkaibigan." Taas-noong sagot ni Fin. Mabait ako, oo, pero 'pag maldita sa akin, maldita din ako. Bulong nito sa sarili. "Layuan mo siya, akin lang si Jacob!" Utos ni Cassey. "Hindi ko alam na maaari palang angkinin ang isang taong ayaw naman sa'yo." Nagkamot ng ulo si Fin na parang nagtataka. "Iniinis mo ba 'ko?" Nanggigigil na parang nagbabanta si Cassey. "Hindi. Nagtatanong lang." Tumunog ang bell. " Oh siya, maiwan na kita. Pag-aaral kasi ang inuuna ko at hindi pag-aangkin ng lalakeng 'di naman ako gusto." Sabay talikod ni Fin. "Aba't..." Akmang sasabunutan ang nakatalikod na si Fin ng dumating si Ms. Tamayo. "Oh, Cassey, Terry, Pinky, ano pa ang ginagawa n'yo dito? Tumunog na ang bell, hindi ba? Pasok na sa classroom nyo." "Opo." Sabay tingin ng masama kay Fin na dumila sa kanila bago ulit tumalikod at pumasok sa classroom. "May araw ka rin." Pagbabanta ni Cassey. ☆ "HI Ate, hi Belle." Sabay kindat ni Franz sa dalaga. "Heh! Franz, 'wag tong kaibigan ko, ha. Ang dami mong pinaiyak sa dating school natin." Natatawang pang-aasar ni Fin sa pinsan. "Ate naman, wala pa kong pinaiyak kahit isa. Ako nga ang pinaiyak nila, eh." Umarteng umiiyak si Franz habang pupunas-punas ng mata. "Ang pangit ng ganap mo!" Sabay pukol ng binilot na napkin kay Franz. "Belle, huwag kang maniwala kay Ate Fin. Sinisiraan lang ako n'yan paano hindi pa nagka-lovelife 'yan kaya bitter. " Tatawa-tawang biro ni Franz. "Seryoso, Fin? NBSB member ka?" natatawang tanong ni Belle. "Hindi lang member, founder pa!" Lakas-tawang sagot ni Franz. "Ah gano'n, um!" Sabay batok sa pinsan. "Aray, ate malakas na 'yon ha! Yung coconut shell ko baka mabasag! Mabawasan ang talino ko niyan, lagot ka kay Mama." Sabay himas sa ulo na tatawa-tawa. "Aba, nagkakasiyahan ulit kayo, ah. Pasali naman diyan," Naaaliw na bati ni Jacob sa tatlo. "Oh, tara upo ka. Oy, Franz, tabi tayo. Jacob, do'n ka sa tabi ni Fin." Nanunuksong utos ni Belle sa dalawang lalake. "Hoy, babae, ano ka ba? Nakakahiya," pabulong na sabi ni Fin habang pinandidilatan si Belle. "Hayaan mo na, Ate, gusto lang talaga akong makatabi ni Belle, nahihiya lang siyang diretsuhin ako." Sabay pagplantsa ng mga kamay sa kwelyo nito. "Wow ha, lakas ng hangin ha. Feeling ka rin eh, ano?" Pairap na sagot ni Belle sa binata. "Kuuuu, kunwari ka pa." Kumindat naman si Franz. "TSE!" Sabay belat ni Belle. Nagtawanan ang grupo habang kakamot-kamot ulit ng ulo si Franz. "Excuse me, Jacob. Tawag na tayo ni Mrs Alcantara. May meeting ang student council para sa darating na Acquaintance Party," walang buhay na tawag ng lalaking nagsungit sa kaniya no'ng first day niya sa school. Sino nga ba ito? "Sige Dylan, susunod na ako," tipid na sagot ni Jacob. Tumalikod na ang lalaking masungit at tinawag ang isa pang mukhang nerd na lalake na nasa kabilang mesa. Sarado ang polo hanggang leeg, nakasalamin at may hawak na ilang piraso ng libro. "Siya ang presidente ng Student Council, Vice President ako. May pinagdadaanan lang si Dylan pero mabait naman siya. Kasama ang Stepmom niya sa bumagsak na eroplano last week. 'Di pa nahahanap ang katawan pero sabi ng rescuers, malabo ng makaligtas pa. Do'n na siya lumaki kaya parang tunay na ina na niya ang turing niya. Inaanak siya ng Mama ko so kinakapatid ko siya... Ah, Fin, puwede ba tayong sabay umuwi mamaya?" tanong ni Jacob na nahihiya pa. "Ah, e, s-sige. Sige," tipid na sagot ng dalaga na namumula pa. "Talaga? Yes! Sige, see you later." Sabay talilis ng masayang binata. "Naku, naku, ano na 'yan? Mukhang magiging ex-NBSB ka na! Sabog confetti!" Pumapalakpak pang tukso ni Franz. "Heh!" natatawang singhal ni Fin. Naalala niya si Dylan. Kawawa naman pala siya. Kaya pala ang sungit. ☆ SAMANTALANG sa locker room ay may pinagkakaabalahan ang grupo ng Cheerleaders. "Ano, girls, ayos na ba 'yan?" nagmamadaling tanong ni Cassey. "Oo teka lang. Ang hirap buksan ng padlock niya eh. Oh, hayan, bukas na," sagot ni Terry. "Oh, ilagay niyo na ang mga ipis na nasa box. Ibudbod n’yo sa loob." Utos ni Cassey. "So, ew! Kadiri ka talaga, Cassey!" Nandidiring hawak ni Pinky ang isang box na puno ng ipis at naka-gloves pa 'to. "Huwag ka nang maarte! Bilis na ibudbod mo na 'yan sa locker!" Nagmamadaling utos ni Cassey habang sumisilip sa labas ng locker room. "Heto na." Pagkabukas ng box ay biglang sinaboy ang maraming ipis sa locker ni Fin, isinama na ring inihagis ang box sa loob sabay sara ng locker. May ilang pang gumapang sa kamay ni Pinky kaya napatili siya sa kilabot. "Eeeek!" Tinakpan ni Cassey ang bibig ni Pinky. "Ano ba, h'wag kang maingay! Halika na!". Sabay hatak sa dalawang kaibigan paalis ng locker room. PAPUNTA ng locker room si Fin nang nakasalubong niya sa entrance si Dylan. Diri-diretso lang ng lakad ang lalake na tila hindi kaklase ang nakasalubong. Guwapo talaga ito, sayang lang at masungit. Sabagay, may pinagdadaanan nga pala. Sinusian ni Fin ang padlock niya. Pagbukas niya ay tumambad sa kaniya ang napakaraming ipis na gumagapang sa mga gamit niya. "Ahhhhhhh!" tili ni Fin. "What happened?" nag-aalalang tanong ni Dylan. Narinig niya ang tili sa locker room kaya napahangos siya ng takbo. "Someone is playing prank on me. Look," naiiyak na sabi ni Fin. Ipis pa naman ang pinakaayaw niya sa lahat ng creatures. "Don't worry. Ipapalinis ko na lang at ipapa-disinfect ang locker mo. Tahan na." Sabay akbay ng pag-aalo sa dalaga. "Mag-file tayo ng report sa Student Council. Halika."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD