NAGTUNGO sina Fin at Duncan sa Student Council Assembly (SCA) upang makapagfile ng report.
"Pasensya na, Miss Espiritu. Sira ang CCTV camera sa locker room. Hindi napansin ng katiwala na may sira ang camera doon." pahayag ni Dylan, habang nasa SCA sila.
"I'm really sorry for what happened, Miss Espiritu. Two weeks ka pa lang dito pero may nangyari ng ganito. Paiimbestigahan pa rin namin kung sino ang may gawa nito. Hopefully may nakakita sa salarin," sabi ng nagpakilalang Seb de Vera, secretary ng student council, iyong lalaking nakasalamin at sarado ang polo hanggang leeg na tinawag din ni Dylan sa Cafeteria.
"Sige, naiintindihan ko. Sana lang huwag nang maulit ito, at sana hindi tinotolerate ng student council ang bullying. I heard there are some who do bullying to weak students here." pahayag ni Fin na tinatantya ang reaksyon ng dalawang kaharap. She has this feeling na ang grupo ng cheer leaders ang gumawa nito. Wala siyang ebidensya pero malakas ang sinasabi ng instinct niya lalo na at napag-initan na siya nito.
"We never tolerate bullying, Miss Espiritu," naiinis na wika ni Dylan.
"Oh, really? Kaya pala mayro'ng alipin ngayon iyong isang grupo ng cheer leaders. O baka naman takot lang ang student council dahil may "kapit" sila?" Sumenyas pa ng quote and quote si Fin habang sinasabi ang salitang kapit.
"Are you accusing us, Miss Espiritu?" pagbabantang tanong ni Dylan.
"No, I'm asking you."
"ehem... iimbestigahan namin ang bagay na iyan, Miss Espiritu. Salamat at ini-report mo sa amin ito." Singit ni Seb. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang kaharap.
"Salamat, Mister Secretary. Mauuna na ako." Paalam ni Fin sabay tayo at irap kay Dylan. "Kainis. We never tolerate bullying daw." Sa loob loob na ulit ni Fin.
☆
"ANO ang nangyari, Fin? Bakit galing ka sa SCA? May violation ka ba? May kalokohan kang ginawa? May masakit ba sa'yo?" may pag-aalalang tanong ni Belle.
"Ay, isa-isang tanong lang," Natawa si Fin sa reaksyon ni Belle. Sa saglit nilang pagkakaibigan ay alam niyang conrcern ito at totoo sa kaniya. Swerte niya at ito ang nakatabi niya sa upuan. "Someone pulled a prank on me. They put tons of cockroaches sa locker ko. Iyon ang nangyari. Kaya ako nagpunta sa SCA to file a report. Wala akong kalokohang ginawa at wala namang masakit sa akin. Nandiri lang ng konti. I hate cockroaches," naaaliw na sagot ni Fin sa lahat ng tanong ni Belle.
"C-Cockroaches?" namumutlang tanong ni Belle. "As in kadiring ipis to the highest level? Marami ba? Ew!" OA na reaksyon ni Belle. "Oo, as in maraming-marami. May box pa nga sa locker ko so sa tingin ko ay do'n nilagay ang madaming ipis." Pananakot ni Fin habang minumuwestra ng mga kamay ang laki ng box. "Ganyan kalaki ang box? Ew! Ang dami no'n! Andaming germs no'n! Yuck! Magpalit ka ng ng locker tapos tapon mo na lahat ng gamit mo do'n!" Kinikilabutang tili ni Belle.
"Hahaha! OA? 'Wag namang itapon. Sayang ang mga gamit ko. Idi-disinfect daw ng maintenance ang locker at gamit ko."
"Sino daw ang may gawa? May CCTV doon kaya makikita nila 'yon," curious na tanong ni Belle, napaangat pa ang puwit sa upuan habang nagtatanong.
"Sira ang CCTV." Nanlulumong sagot ni Fin.
"What? Kay malas mo naman. May balat ka ba sa puwit? Na-bully ka na nga, sira pa ang CCTV."
Nagsipasukan na ang iba nilang classmate at kasunod si Miss Tamayo. "Class, I have an announcement to make," panimula ni Miss Tamayo habang sumesenyas na umupo ang mga estudyante. "We are going to have our Yearly Acquaintance Party next week, so prepare your long gowns and tux to look great, okay? Magkakaroon din tayo ng King and Queen of the Night, kaya magpaganda at magpapogi na kayo. Hindi lang titulo ang makukuha n'yo. May cash at lunch treat pa sa Eat-All-You-Can Diner sa bayan para sa buong klase kung saang section galing ang mananalo." Habang tinitingnan isa-isa ang mga estudyante niya.
"Wow! Eat all I can!" sagot ng lalaking pinakamataba sa klase habang hinihimas ang tiyan. Tawanan ang lahat sa kakyutan at kakulitan ng kaklase nilang binansagan nilang Balang, dahil kahawig nito ang Youtube Sensation star.
"Fin, excited na 'ko. May damit ka bang pang-party?" tanong ni Belle habang nag-iimagine na ng susuotin.
"Wala akong mga gano'n. 'Di ako mahilig umattend ng party, eh," walang interest na sagot ni Fin.
"Ay, umattend ka please. Madami akong gowns. Pahihiramin kita. Para may kasama ako do'n. Ikaw lang ka-close ko dito, eh. Wall flower ako noong wala ka pa. Papasok at uuwi na parang hindi nageexist. Galit nga yata ang mga tao dito sa magaganda." Natatawa pa habang hinahawi ang buhok nito.
"Wow, ha! Taas ng confidence ha!" Biro ni Fin. Pero totoo namang maganda ito. Chinita, maputi, katamtaman ang height at slim. Maliit na matangos ang ilong, pinkish ang natural na lips. Hindi nga lang pinagpala sa hinaharap pero nadadala naman niya ng maayos.
"Pero mas maganda ka, Fin. Wala akong panama sa beauty mo. May lahi ba kayong Espanyol?" may paghangang tanong ni Belle.
"Ang sabi ng mga Tita ko, galing daw sa Inglatera ang ninuno namin sa side nila. Sa father side ko naman ay may halong espanyol daw. Pero Pinoy ako. Proud Pinoy."
"Oh, eh 'di ikaw na ang makabayan." Sabay tawa ni Belle.
Tumunog ang bell, hudyat na uwian na. Tumayo na ang dalawa palabas ng room.
"Hi Fin, ano, sabay na tayong umuwi?" Nakangiting salubong ni Jacob habang papasok ito ng classroom.
"Ay teka, ako ba ay bawal sumabay? Kayo lang?" Nagtatampong nakangusong singit ni Belle.
Napakamot sa ulo ni Jacob.
Biglang sumungaw si Franz sa classroom at nakita niya ang hinahanap niya.
"Hi Belle! Huwag ka munang mang-istorbo sa kanila. Sa akin ka na lang sumabay." Bungad ni Franz habang nagpapa-cute.
"Hmm... bakit hindi na lang tayo sabay-sabay umuwi?" Singit ni Fin.
"Oo naman. Saka kumain muna tayo sa mall diyan sa bayan bago tayo umuwi. 'Di ako nakuntento sa pagkain sa Cafeteria." Suggestion ni Belle.
"Ay, gusto ko 'yan." Sabay apir nina Fin at Belle.
"Kayo lang yatang dalawa ang hindi conscious sa figure n'yo. Ang tatakaw n'yo, eh." Biro ni Franz.
"Heh! Kahit tumaba kami, maganda kami!" singhal ni Belle.
"Oo na, tara na. P're," baling ni Franz kay Jacob,"ihanda mo na ang wallet mo, malakas kumain 'yang si Ate Fin." Pang-aasar ni Franz.
"'Di nga? Parang 'di naman halata." Sagot ni Jacob habang tinitingnan si Fin. Slim ito, mahubog ang katawan. 'Di halatang malakas kumain. Napailing si Jacob, sinaway ang sarili. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. "Halika na nga." Aya nito sa lahat.
☆
NAPANGANGA si Jacob habang tinitingnan ang mga pagkain sa mesa.
"Oh, 'di ba, sabi ko sa'yo na malakas kumain 'yang si Ate Fin." Pang-aasar ni Franz. "'Di ko alam kung saan niya nilalagay ang kinakain niya pero malakas din palang kumain si Belle." Sabay nganga habang nakatingin sa food choices nito.
4 pieces shanghai with egg rice, palabok, 8 pcs siomai, 1 slice ng rainbow cake, fruit salad at papaya shake ang order ni Fin samantalang spaghetti, fried chicken, clubhouse sandwich, S'mores at Buko shake naman ang kay Belle.
"Kailangan ko palang mag-doble kayod para sa future," bulong ni Jacob.
"Ano'ng sabi mo?" tanong ni Fin na hindi masyadong narinig ang sinabi ni Jacob.
"Ah, wala. Kako kumain ka lang ng kumain d'yan. Marami pa do'n." Sabay turo sa estante ng desserts.
"Sige, mamaya." Namimilog ang mga mata habang nakatingin sa mga dessert. Napakamot na lang si Jacob sa ulo.
Masayang kumakain ang apat nang biglang may nagkakagulo sa labas.
"Ano 'yon?" nagtatakang tanong ni Belle. Naglabasan ang apat. Nakita nilang may tatlong lalaking naka-hood ng itim ang naroon at sapilitang kinukuha ang tatlong estudyanteng babae na mukhang kasing edad nila.
"Hala! Tumawag kayo ng tulong! Iyong tatlong babae, tinatangay ng mga pangit!" hiyaw ni Belle. Sumugod sina Jacob at Franz upang tulungan ang mga kawawang babae.
"Franz! Jacob!" Nag-aalalang tili ni Fin.
Sinuntok ni Jacob ang isang matangkad na nakahood, halos mag-singlaki lang sila nito. Hindi man lang ininda ng lalake ang suntok niya. Sinipa niya ito ngunit hindi rin ito umubra. Kinuwelyuhan si Jacob ng lalakeng nakahood sabay hagis sa kaniya na para lang siyang papel. Tumilapon si Jacob sa bulto ng basura sa gilid ng kalsada. "Jacob!"
Sinunggaban naman ni Franz ang isa pang naka-hood na mataba. Gumalaw-galaw ang lalake at nagpumilit kumawala kay Franz. Nakawala ito at susuntukin sana si Franz ngunit nakailag ang pinsan. Gumanti ng malakas na suntok si Franz at tumumba ang lalake. Binalingan ni Franz ang lalakeng naghagis kay Jacob at sinipa ito. Tumilansik ito at nahirapang makatayo.
"Wow! Ang lakas ng pinsan mo, Fin!" May paghangang puri ni Belle.
Nakanganga si Fin habang nakikipaglaban ang pinsan. Ngayon niya lang nalamang malakas pala ang pinsan niya. Hindi naman ito mahilig makipag-basagan ng ulo. Mabait ito at palakaibigan. Nagtatakang bulong ni Fin sa sarili
Sumugod ang pangatlong lalake kay Franz. Hinawakan ito ni Franz sabay ibinalibag. Ginamitan ng Judo. Dinig na dinig ang malakas na bagsak ng lalakeng naka-hood. Hirap na nagtayuan ang tatlong naka-hood at takot na lumayo. Ang nakakagulat ay ang paglagos ng mga ito sa pader sa kabilang kanto. Para silang nilamon ng pader at naglaho.
"A-ano 'yon? Nakita n'yo ba 'yon?" nagtatakang tanong ni Fin sa kawalan.
Pinuntahan ni Franz si Jacob at inalalayang tumayo. "Ayos ka lang?" tanong nito.
"Oo, ayos naman ako." Ngumingiwi na sagot ni Jacob.
Ligtas na ang tatlong babaeng tinangkang dukutin ng mga lalakeng naka-hood. Nagpasalamat ang mga ito sa pagkakaligtas sa kanila at saka umalis. Nagpa-cute pa ang isa kay Franz. Sumimangot si Belle, "Natuwa ka naman?" Ismid ni Belle kay Franz.
"Selos ka?" Nangingiting tanong ni Franz.
"Heh!" Sabay irap.
"Nakita nyo ba 'yon? Lumagos iyong mga lalake do'n sa pader!" Tulala pa rin si Fin habang nakatingin sa pader. "Nakita ko. Sino ang mga 'yon? May shooting ba?" Pagtataka at nahihintatakutan pa si Belle.
"Franz, ang lakas mo, P're. Saan mo natutunan 'yan? Turuan mo nga ako." Bilib na bilib si Jacob.
"Hindi ko rin alam. Basta nagalit ako do'n sa tatlo. 'Di dapat ginagano'n ang mga babae. Saka ang pangit ng itsura nila. Ang init-init puro naka-hood. Mukhang mga tanga. Halika na, umuwi na tayo." Aya ni Franz.
Hinatid muna nila si Belle sa bahay nito bago umuwi si Jacob at sabay umuwi sina Franz at Fin. Hindi pa rin mawala sa isip ni Fin ang pagtagos nung tatlong lalake sa pader. "Sino sila? Bakit nila dinudukot ang tatlong babae? Hayy... Nasayang ang natira naming pagkain, Marami pa 'yon," sa loob-loob ni Fin.