CHAPTER 1

2493 Words
SA Kasalukuyan... "Serafina! Tanghali na, Hija. Mahuhuli ka na sa klase mo. Ngayon pa naman ang first day mo," tawag ni Cornelia sa pamangkin. "Nariyan na po, Tita Cory," sagot ni Fin sa tiyahin sabay sungaw sa pintuan ng kaniyang kuwarto. Naku, baka mahuli na ako. Nagkumahog sa pagbibihis, nag-ayos, dinampot ang bag saka lumabas ng kwarto. Unang araw niya ngayon sa bagong eskwelahan dito sa Barrio Manibay. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit na silang nagpalipat-lipat ng bahay at ilang ulit na ring nag-transfer ng school. Hindi niya rin alam kung paano nakukumbinsi ng mga tiyahin niya na tanggapin siya sa gitna ng school year ng lahat ng school na nilipatan niya. September na, pero tinanggap pa rin siya sa Alcantara High University. Isang private school sa Barrio Manibay sa dulong bahagi ng San Isidro. Pang-fourth year na ni Fin sa Junior High ngayon, grade 10, pero naka-anim o pito na yata siyang school sa loob lang ng dalawang taon. 'Di na niya talaga mabilang. Lumipat sila matapos magkagulo sa isang museum sa Antipolo na pinuntahan nila noong nag-tour sila na ni-require sa school. Iyong isang estatwang lalake na nakahubad ay bigla na lang gumalaw sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ang naalala lang ni Fin ay tinitingnan niya iyong estatwa na iyon, "Magtakip ka nga ng kuwan mo!" pabiro niyang sabi sa estatwa. Pagtalikod ni Fin ay may kumaluskos sa likuran niya na tila nagpatili sa mga estudyante. Gumalaw ang estatwa at tinakpan ng dalawang kamay ang harap nito. 'Di malaman ni Fin kung paano iyon nangyari pero sa sobrang takot niya ay kumaripas siya ng takbo palayo. Ikinuwento niya iyon sa Tita Cornelia niya pag-uwi sa bahay. Napansin ni Fin na ang takot na rumehistro sa mukha nito pero ipinagwalang-bahala na lamang niya dahil kahit siya ay natakot din. Kinabukasan ay bigla na lamang nitong dineklara na lilipat na sila ng tirahan. Ilang beses nang naulit na may weirdong pangyayari mula noon kaya hanggang ngayon ay palipat-lipat na sila sila ng tirahan. "Nasaan na po pala si Tita Nitz?" tanong ni Fin habang sumusubo ng hotdog. "Naro'n at nasa herbal store natin. Ngayon ang opening." "Si Franz?" Anak ng Tita Cory niya at matanda lang siya ng walong buwan. Ang Tito Ed naman niya na asawa ng Tita Cory niya ay nasa business trip daw. "Nauna na sa'yong pumasok sa school. Excited makita ang bago nyong papasukan. Hala sige na at bilisan mo na diyan. Ihahatid kita sa school." "Okay po. Tara na, Tita." ☆ "MAIWAN na kita dito, ha," habilin ni Tita Cornelia. Binuksan ni Fin ang pintuan ng kotse upang bumaba. "Sabihin mo sa akin 'pag nagkaroon ka ng problema, tulad noong mga nangyari noon." "Tita, wala naman po sigurong multo dito. 'Di naman siguro susunod dito ang estatwa na 'yon." Natatawang sabi ni Fin. "Ah basta, sabihan mo agad ako 'pag may nangyaring 'di maganda, okay?" Pangungulit ni Cornelia. "Okay po." Sabay halik sa pisngi ng tiyahin. Malaki at malawak ang school. May limang building na tanaw mula sa gate, nakapalibot ito sa buong campus. Isa sa gitna na mayroong malaking orasan sa bandang taas na bahagi at tig-dalawang building sa magkabilang bahagi ng campus. Mukhang bagong renovate pa. Ang gitna ng campus ay may malaking fountain at mini-garden. May pathways papuntang main building sa magkabilang gilid ng fountain na napapaligiran ng mga puno. May parking space sa kaliwang gilid ng campus katabi ng pinakabagong building. May mangilan-ngilang pumapasok doon na naka-civilian. Mukhang mga college na sila. Naglalakad si Fin sa campus ground papunta sa main building nang mapansin niyang pinagtitinginan siya ng mga estudyante. Nahihiya siya kapag tinitingnan siya ng gano'n kaya 'di na lamang niya pinansin at naglakad na lamang ng mabilis. "Sino 'yon? Ang ganda, oh! Ang tangkad, ang sexy pa, nakakainggit!" Usal ng isang babaeng estudyante na maliit. "Oo nga, nakakahiyang tumabi." Saad naman ng isang estudyanteng cute pero may katabaan. Nahiya si Fin pero ayaw niyang masabihang suplada. Nginitian niya ng simple ang dalawa saka pumasok sa loob ng main building. Hinanap ng kaniyang mga mata ang Principal's Office para mag-report. Nakita niya ang signage na "Principal's Office" kaya marahan siyang kumatok. Narinig niya ang salitang "Come in" kaya pinihit niya ang door knob at pumasok sa loob. Nakita niya ang isang babaeng nasa edad kwarenta na nakaupo sa likod ng desk paharap sa pintuan. Nakasalamin ito at nakapusod ang buhok. Mukhang strikto pero mukha rin namang mabait. Nakasulat sa name plate nito ang pangalang Mrs. Precy dela Peña Alcantara- Principal. May isa ring lalakeng nasa harap ng principal at mukhang estudyante rin doon. Guwapo ito, malago ang kilay, malamlam ang mata at may matangos na ilong. Ang labi ay natural na pula at mamula-mula ang pisngi. Mukha siyang manikin na nakikita ni Fin sa malls dati. Perpekto ang mukha. Inalis niya ang mga mata niya sa binata dahil sa pagkapahiya sa sarili at ibinalik ang tingin sa principal. "Good morning po, Ma'am. Transfer student po ako, Serafina Espiritu po." Magalang na pakilala ni Fin sa Principal. "Good morning din, Hija. Maupo ka." Naupo si Fin sa upuan kaharap ng lalaking estudyante. "Teka. Sandra!" Tawag ng Principal sa intercom. "Akina ang schedule ni Ms. Espiritu. Pakikuha sa registrar." Ilang minuto lang ay may pumasok na babaeng naka-pencil cut at long sleeves blouse. Maganda ito at mukha ring mabait. "Siya si Sandra, ang Asisistant ko." Ngumiti sa akin ang babae at magalang na lumabas. "Hijo, pakisamahan mo nga si Ms. Espiritu sa klase niya. Magkaklase naman pala kayo. Sige na at marami pa akong gagawin." Sabay yuko ni Mrs. Alcantara. Tulala naman si Jacob habang pinagmamasdan ang babae. Hindi nito maialis ang mga mata sa magandang mukha ng dalaga. "Jacob!" Ulit ng Principal. Tila nahimasmasan si Jacob at napakamot mg ulo. "Tara na, sabay na tayo pagpasok sa klase." "Sige, salamat." Iyon na lang ang nasabi ni Fin. "Ehem. Ako nga pala si Jacob. Jacob Alcantara. Ikaw si... Serafina Espiritu, tama?" Pagpapakilala ng lalake habang naglalakad sila papunta sa classroom. "Fin na lang. Teka, Alcantara? So... mother mo si Mrs. Alcantara?" Tanong ng dalaga. "Yup. She's my Mom. Strikto 'yon pero mabait 'yon," natatawang saad ni Jacob. "Ah. Sabagay mukha nama siyang mabait," simpleng sagot ni Fin. Binuksan ni Jacob ang pintuan ng pangatlong kwarto sa kanang bahagi ng hallway. Aircon don kaya hindi siya magkakaproblema sa init. Ayaw niya ng mainit. Takot siya sa mainit, lalo na sa apoy kaya siguro hindi rin siya nagluluto. Pagpasok nila ay nagbulungan ang mga babaeng estudyante habang naglalakad papasok si Jacob. May mga kinikilig, may mga nagpapa-cute. “Sabagay, guwapo naman talaga ang lalakeng ito. Matangkad, at mukhang matalino.” Bulong ni Fin sa sarli. "Halika, pasok ka. Ito ang classroom natin, section 1-Emerald." "Salamat." Ngumiti ng pino si Fin. Naglingunan ang mga lalakeng nagkukwentuhan sa isang sulok habang natigilan naman ang mga lalakeng nag-aasaran sa kabilang panig ng classroom. Lahat ay napalingon sa kaniya na may paghanga. Ang mga babae naman ay napasimangot, may ilan na nakatingin lang. Maya-maya ay tumunog ang bell kaya't nagsiupuan na ang mga estudyante. "May bakante pang silya do'n sa likod. Pansamantala ay doon ka muna hangga't wala pang instruction kung saan ka pauupuin ni Ms. Tamayo. Siya ang class adviser natin at siya ang teacher natin sa Math, English at Science. Mamaya ay makikilala mo pa ang iba nating teachers," nakangiting litanya ni Jacob. "Okay, sige, salamat ng marami." Naglakad si Fin sa likurang bahagi ng classroom. May dalawang bakanteng upuan, isa sa row 2 at isa sa row 3. May tatlong rows sa classroom, at sampung pares ng upuan kada row. Uupo na sana si Fin sa bakanteng upuan sa row 2 ng may nagsalitang mallim na boses sa likuran niya. "That seat is taken," malamig na sabi ng lalaki sa likuran niya. Nilingon niya ito. "Sorry." Sabay lipat sa bakanteng upuan sa row 3. Guwapo ang lalake, bilugan ang mga mata, matangos na manipis ang ilong at may prominent jaw line. “Wow. Lalakeng-lalake.” Tinapik ni Fin ang sariling braso sabay bulong sa sarili, "Tse, sungit. Ang guwapo nga, masungit naman.” "Good morning, class." Bati ng babaeng naka dress ng pink na hanggang tuhod ang haba, at naka-blazer ng itim ito. Maganda, morena, sexy. Mukha ring mabait. "Nabanggit ni Mrs. Alcantara na may bago tayong estudyante. Ms. Espiritu, tama?" Habang binabasa ang class record. Nagtaas ng kanang kamay si Fin. "Maari ka bang magpakilala sa harap, pangalan, edad, hobby, anything that's interesting about you?" Tumayo si Fin at lumakad papuntang harap. "Hi, I'm Serafina Espiritu. You can call me Fin for short, fifteen years old turning sixteen this December. My hobbies are painting, playing keyboards and singing. Thank you." Paalis na sana siya sa kinatatayuan para bumalik sa upuan nang may sumigaw ng, "Sample, sample, sample!" "Oh, Fin, would you like to sing even just one line for us?" Request ng guro. Nahihiya man, kumanta din siya ng paborito kantahin ng kaniyang aunt Nitz. "Ikaw, ang tanglaw sa 'king mundo...." Sabay bow. One line lang ang nirequest kaya iyon lang ang binigay niya. Nabitin ang mga nakikinig at sumigaw ng, "more!" "Okay, class that's enough. One line lang kasi ang ni-request ko," natatawang sabi ng guro. "Ako nga pala si Ms. Sarah Tamayo." Pakilala nito. "Sige at maupo ka na. Pansamantala’y sa likod ka muna. Nagpapalit-palit ng pwesto ng upuan kada periodic test. Ang may pinakamataas na grade, may choice pumili kung saan niya gustong umupo. We shall start our lesson. Bring out your text books, class." Napatitig si Dylan habang nagsasalita si Fin sa harap. Kamukha ito ng kaniyang yumaong kinagisnang ina. Ang pinag-iba lang ay ang biloy sa pisngi ng dalaga na lumalabas kahit nagsasalita lang ito. Walang dimples ang kaniyang kinilalang ina, at mas matangkad ito kesa sa mommy niya. “Ang ganda ng tinig niya. Sayang hindi niya tinapos ang kanta. Bakit ko ba sinungitan 'to kanina? Tsk. Ang tanga mo talaga, Dylan," nasabi na lamang ni Dylan sa sarili. Bumalik na si Fin sa likuran at naupo. Binati siya ng katabi niyang babaeng mestiza na chinita at nagpakilala ng pabulong. "Hi! Fin? Ako nga pala si Belle." Inabot nito ang kanang kamay sa kaniya. Inabot din niya ito at nagpakilala. "Hello, yes, call me Fin. Nice meeting you," nakangiti niyang sambit. "Sabay tayong maglunch mamaya, ha?" "Sure," sagot ni Fin sabay balik ng mukha sa librong pinababasa ni Ms. Tamayo. ☆ NAUPO sina Fin at Belle sa bakanteng pwesto malapit sa glass wall at tanaw ang garden ng school. "Don't worry, ako ang tour guide mo. Maganda dito, maayos ang turo, advanced technology. Medyo may mga maaarteng cheer leaders na bully nga lang pero masasanay ka rin. Mamaya baka makita mo ang mga tinutukoy ko," mahabang kuwento ni Belle. "Hi, Ate Fin!" Bati ni Franz kay Fin. "Loko ka! Bakit mo ko iniwan kanina?" Sabay hampas ni Fin kay Franz. "Aray naman, Ate! May chicks, oh!" Habang hinihimas ang hinampas na braso niya. "Ate Fin, sino siya?" pagpapa-cute na tanong ni Franz. "Heh! Nakakita ka na naman ng maganda, playboy 'to." Sagot ni Fin. Natatawa naman si Belle sa dalawa. "Oo nga pala Belle, si Franz, pinsan ko. Anak ng Tita Cory ko. Franz, si Belle. Oh, masaya ka na?" Pandidilat ni Fin sa pinsan. Inabot ni Franz ang kamay sa dalaga upang makipag-kamay. Inabot din naman 'yon ni Belle. Matagal hinawakan ni Franz ang kamay ni Belle bago tinapik ni Fin ang kamay ni Franz. "Hoy, tama na 'yan. Ay naku, 'wag kang magpaapabola d'yan, Belle." Natatawang biro ni Fin. "Ate naman, eh, 'wag mong sirain ang diskarte ko!" Nakanguso na sabi ni Franz. Tawa ng tawa si Belle sa kulitan ng magpinsan. Habang nagkakasiyahan ang tatlo ay may biglang isang grupo ng mga babaeng maiingay ang pumasok sa Cafeteria. Mga naka-paldang maigsi ito at sleeveless. Mukhang mga dancer o cheer leader. "Excuse me, pwesto namin 'yan, alis!" sabi ng isa sa apat na babaeng mukhang leader ng grupo. Maganda ito, may katangkaran din, maputi, makapal ang namumutok na labi sa lipstick, kuntodo make-up at mukhang inabot ng isang oras para kulutin ang buhok na hanggang kalahati ng likod. Umalis ang tatlong estudyanteng kumakain sa dulong table ng dahil sa takot. "Uhm, Jenny, can you take our order?" sabi ng kasama nito na namumutok naman ang pisngi sa blush on. Parang sinapak ni Pacman. Sayang, mestiza pa naman. "What are you going to order, guys?" tanong naman ng isa na morena at maliit na babae. "Sila ang sinasabi ko sa'yong mga cheer leader na maaarte at bully dito. Iyong matangkad ang leader nila. Si Cassey. Anak siya ng Head ng faculty natin na si Mrs Ellen Gonzales. Si Pinky naman iyong namumutok sa blush on ang pisngi. Pinangatawanan talaga ang pangalan, at si Terry iyong maliit. Ang isang iyon nakasalamin ay si Jenny, ang bagong alipin nila. Ganyan silang tatlo, 'pag napagtripan ka nila ay kawawa ka. Inis sila sa pangit pero mas inis sila sa mas maganda sa kanila." Mahabang paliwanag ni Belle. "Di naman sila magaganda, makakapal lang kolorete nila sa mukha," sagot naman ni Franz. "Sa kabilang classroom natin sila. Section 2-Pearl. Naku, 'Wag ka kayang magpakita sa kanila? Baka pag-initan ka nila, Fin," nag-aalalang sabi ni Belle. "Bakit naman? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila," sagot naman ni Fin na walang pag-aalala. "Kasi maganda ka, Ate Fin. Sobrang ganda. Maiinsecure sila sa 'yo," natatawa si Franz habang pinupuri ang pinsan. "Oh sige, magbuhatan tayo ng bangko, Franz. Ang guwapo-pwapo mo eh, 'no?" Natatawang pang-aasar ni Fin sabay kurot sa pisngi nito. "Naman!" iniusli pa ni Franz ang dibdib nito. "Mukhang nagkaksiyahan kayo ah. Maaari bang makiupo?" sabi ni Jacob habang bitbit nito ang tray ng pagkain niya. "Oo naman, Jacob," pag-sang-ayon ni Fin. Napanganga si Belle, gulat, tuwa at takot ang makikita mo sa mukha nito. "Oh, bakit Belle?" nagtatakang tanong ni Fin. "Isang Jacob Alcantara, makikupo sa atin? At yari tayo sa cheer leader. Patay na patay kaya ‘yan kay Jacob." May pag-aalalang sabi ni Belle. "Wala naman kaming relasyon. Hindi ko siya gusto. Ayoko sa maarte at matapobre," sagot naman ni Jacob. "Cassey, tingnan mo," sabi ni Terry sabay nguso sa dulong bahagi ng Cafeteria, nakaturo ang nguso sa gawi ng grupo nila Fin. Nilingon ni Cassey ang grupo sa lamesang iyon at napasimangot sa nakita. Si Jacob, may kausap na babae. At 'di niya kilala ito. Nagsalubong ang kilay ni Cassey at nanggigil. "Maganda siya. Papuri ni Pinky, sabay siko ni Terry sa kaniya. "Hindi ito maaari. Who's that girl?" galit na tanong ni Cassey. "No idea, she must be new," sagot naman ni Terry. "Alamin n'yo kung sino siya. Lagot sa akin ang babaeng ‘yan." Pagbabanta ni Cassey na nagpupuyos sa galit. "Akin lang si Jacob."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD