CHAPTER 4
“TITA Nitz,” Pukaw ni Fin sa tiyahing nasa asotea na punkista ang porma. Naka-itim na leather pants at mid rib blouse ito, maraming suot na bling-bling at may suot pa na Skull Candy headset. Hindi halatang 37 years old na ito. Parang teenager pa rin. May hawig siya sa isa sa mga Sang’gre ng unang Encantadia, iyong gumanap na Danaya noon.
“Oh, Hija, may sinasabi ka ba?” Sabay h***d sa headset nito.
“Ang lakas naman kasi ng music n'yo, Tita. 'Di ba kayo nabibingi n'yan?” Natatawang nag-aalala si Fin.
“Naku, ang cool nga, eh! Try mo, dali.”
Tinangka pang isalpak ni Benita ang headset sa ulo ni Fin na umiwas naman. “Ayaw ko, Tita. Masakit sa tainga. May importante akong sasabihin.” Naupo si Fin sa katapat na upuan.
“O, ano'ng mayroon, Fin, at mukhang seryoso ka?” Tanong ng kaniyang Cory na mukhang kagagaling lang sa jogging. Tumatakbo pa papalapit sa kanila. Nasa lahi siguro nila ang youthful look. Ang ganda ng Cory niya sa skin tight jogging pants at body hugging na tank top at may suot na hoodie. Kahit manang ang tiyahin niya, kita niyang sexy pa rin ito at batam-bata ang itsura nito para sa edad na 38. Kahawig ito ni Solenn.
“Tita, alam n'yo po ba ang nangyari sa bayan kahapon?” tanong ni Fin. Hindi niya alam kung saan sisimulan ang pagku-kuwento.
“Ah oo, may tatlong kabataan daw ang muntik ng madukot. Kalat na kalat kanina sa plaza 'yon habang nagjojogging ako. Buti daw may mga binata na tumulong. Bilib nga sila do'n sa isa, ang husay daw makipaglaban,” mahabang kwento ni Cory.
“Si Franz 'yon, Tita.”
“Ano kamo? Si Franz? Si Franz ang nakipagbugbugan do'n sa mga kidnapper?” maang na tanong ng tiyahin niya.
“Nagme-meryenda kami kahapon bandang alas-sais ng marinig naming may kaguluhan sa labas. Nakita namin na may dinudukot na tatlong babae kaya sumugod si Franz at isa pa naming kaibigan para tulungan ang mga kawawang babae. Ang galing nga ni Franz eh. Napatumba niya ang mga masasamang loob na 'yon.” Pagbibida pa ni Fin.
“Paano napatumba ni Franz ang tatlong hoodloom?” kunot-noong tanong ni Nitz.
“Ang lakas niyang sumuntok at sumipa. Tapos iyong isa nabuhat pa niya at naibalibag. Wow talaga!” Pumapalakpak pang kwento ni Fin. “Pero…” Biglang natigilan si Fin.
“P-pero ano?” Curious na tanong ng Cory niya.
“Ang tatlong lalakeng nakaharap namin na naka-hood, lumusot sa pader. Naglaho sila, parang walang pader na nando'n, parang lumagos.” May halong pagtataka na salaysay ni Fin.
Napakunot-noo ang magkapatid. May kinalaman ba ang kapatid nila sa labas sa mga nangyayaring kaguluhan? Ano naman ang kailangan nila sa tatlong babaeng binalak nilang dukutin?
☆
BALITANG_BALITA sa campus ang tangkang pagdukot sa tatlong kababaihan sa bayan nung Byernes. Nalaman din nilang meron pang dalawang babaeng nawawala mula sa magkaibang barangay sa bayan ng San Felipe katabi ng San Isidro at isa sa San Simon. Nawala din ang mga babaeng ito bandang alas-sais, mga oras na papadilim na.
Nag-anunsyo ang broadcasting department ng kanilang school na pansamantala’y pagsapit ng alas-singko ay icu-cut na ang mga klase upang maagang makauwi ang mga estudyante. Pinayuhan din ang mga estudyante lalo na ang mga kababaihan na dumiretso ng uwi at huwag ng maglakwatsa pa. Ito ay hangga’t hindi pa nasosolusyunan ang misteryo ng pagkawala at pagdukot sa kababaihan.
☆
“ABA, Franz, sikat ka na, ah!” Biro ni Fin sa pinsan.
“Shhh, Ate h‘wag kang maingay. ‘Di naman nila alam na ako 'yon,” pabulong na sabi ni Franz.
“Ang lakas mo, Franz. Paano mong nagawa ‘yon?” May paghanga sa mga mata ni Belle.
“Bilib ka na sa akin, mahal ko?” Sabay kindat kay Belle.
“Sus, yabang.”
“Ginusto ko lang namang iligtas 'yong mga babae dahil kawawa naman kung matangay sila,” Pagseseryosong paliwanag ni Franz. “Ayokong may naaaping babae.”
“Kuu, ang sabihin mo, nagandahan ka lang do'n sa nagpa-cute sa’yo.” Irap ni Belle.
“Selos ka naman?” Natatawang pang-aasar ni Fin.
“Oy, hindi, ah!” Namumulang depensa ni Belle.
“Kamusta na kaya si Jacob? Hindi pumasok eh. 'Di ba 'yon nasaktan ng husto sa pagkakatapon sa kaniya? Masakit din yon, ha.” Pag-iiba ng topic ni Fin.
“Uy, nag-aalala siya.” Panunukso ni Belle.
“Huwag kang mag-alala, okay lang ako, Fin.” Biglang nagsalita ang lalake sa kaniyang likuran. “Dumiretso lang ako sa SCA para pag-usapan ang naganap no'ng Friday. We implemented the early cut-off ng klase sa hapon. Mahirap na.”
“Jacob!” Numulang bulalas ni Fin. “N-nag-alala lang naman sa ’yo. Syempre kaibigan ka namin.”
“Palusot pa.” Bulong ni Belle na nanunuksong tumingin kay Fin. Nginusuan naman ito ng dalaga.
“Puwede bang ihatid kita mamaya, Belle? Mahirap na. Babae ang puntirya ng mga tarantado.” Alok ni Franz sa dalaga.
“Hmm… Puwede naman. Sabay-sabay na tayong umuwing apat. Magkakalapit naman halos ang mga bahay natin, eh.” Suhestyon ni Belle.
☆
“THIS is alarming,” saad ni Dylan.
Tulala naman si Seb. ‘Di mapakali.
“Oy, Seb!” Pukaw ng Treasurer na si Liz.
“Isa ang kakambal ko sa mga dinukot na taga kabilang bayan. Si Sab.” Mangiyak-ngiyak na kwento ni Seb.
“Ano?!” Sabay-sabay na reaksyon ng mga SCA members na naroon.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako maghahanap. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa amin. Hindi naman kami mayaman.” Napasubsob na sa iyak si Seb.
“Paki-lakasan nga ang TV, may nakalagay na San Isidro sa caption.” Utos ni Dylan kay Liz.
“At sa nagbabagang balita. May bago na namang kidnap victim ang mga lalakeng naka-itim na hood at may maskara kagabi sa bayan ng San Simon. Ayon sa nakasaksi, basta na lamang lumitaw ang apat na lalake mula sa kung saan at dinukot ang naglalakad na estudyante sa parke. Ang babae ay kinilalang si Jana Alfonso, anak ni Mayor Felicidad Alfonso. Hinihinalang myembro ang mga ito ng isang kulto na nagtatago sa kabundukan ng San Isidro. Kamakailan, mayroon ding tatlong kababaihan na muntik ng madukot sa kabayanan ng San Isidro. Nakaligtas ang tatlo sa tulong ng dalawang estudyante. Narito ang interview ng isa sa mga nailigtas….”
Nanlamig si Dylan. “Ang pinsan ko, nakidnap din!” Nanlulumong napaupo si Dylan. Ang anak ng kaniyang Tita Ada. Pinsan niya ito sa ina. Sa tunay niyang ina na namatay nuong ipinanganak siya. Ito ang nag-iisa niyang pinsan na kasundo. Hindi niya kasundo ang iba pang pinsan sa kaniyang ina. Wala naman siyang kilalang kamag-anak ng kaniyang ama.
“This is crazy!” saad ni Liz. Lalo namang lumakas ang iyak ni Seb habang tulala si Dylan.
☆
“CLASS, tulad ng sinabi kanina sa announcement, umuwi kayo ng maaga. Lalo na kayong mga babae. Kung maaari ay huwag kayong uuwi ng mag-isa. Kayong mga lalake, protektahan at isabay n'yo sa paguwi ang mga classmate n'yong babae. Tularan nyo ang katapangan ng lalakeng nagligtas sa mga estudyante natin no'ng Friday.” Habilin ni Miss Tamayo.
“Yes, Miss Tamayo,” sabay-sabay na sagot ng mga estudyante.
Ang nakakalungkot, may dalawa tayong estudyante sa kabilang section na nadukot. Sabrina de Vera at ang anak ni mayor, si Jana.” Malungkot na balita ni Miss Tamayo sabay tingin kay Dylan.
Nagbulungan ang mga estudyante. Halatang mga natakot, at naawa. Napalingon ang ilan kay Dylan na naka-kuyumos ang kamao sa pagtitimpi at pag-aalala. Halos alam ng lahat na pinsan ni Dylan si Jana Alfonso. Napalingon sa gawi ni Dylan si Fin na nagtatanong ang tingin. 'Di naman lumingon sa kaniya si Dylan.
“Pinsan ni Dylan 'yon,” bulong ni Belle.
Nuong nakaraang dalawang linggo, step mom niya, ngayon naman pinsan niya. Sinaway ni Fin ang sarili at ibinalik sa binabasang libro ang tingin. Hindi puwedeng ganito. Nakatunganga lang kami habang dinudukot ang kababaihan. Ayaw niyang pinagsasamantalahan ang kahinaan nilang mga babae. At hindi lahat ng babae ay mahina. May nagsasabi sa kaniyang kaloob-looban na dapat ay may gawin siya, pero hindi niya alam kung paano, at saan magsisimula. May magagawa ba ako? Ito ang mga tumatakbo sa isipan ni Fin.